HS 12: Promise

4 0 0
                                    

Aya's POV

" Dad, tama na nga yan. May practice pa kami ni Gid. " suway ko kay Daddy.


Kasi quarter to 10 na dinadaldal pa rin siya ni Daddy.

" Go iho. My baby is getting jealous of me. "

" DAD! " Daddy just laughed. My Gahd.

**

" What do you want? Sa Studio tayo magpractice or in the garden? "

tanong ko sa kanya.

" Sa garden na lang tayo. "


Pagkadating namin sa garden. Nakasalubong ko naman si Nay Luz.


" Nay, pasabi kay Mommy padala na lang siya ng makakain dito. "

Dala dala niya yung gitara kong isa, habang ang gamit ko naman ay yung guitar ni Daddy. Yes, I'm a big fan of Daddy when it comes to playing guitar.

We both decided that we'll play guitar together. And in the singing part, of course duet.

Ang usapan namin hanggang 3pm siya dito sa bahay namin.
Nakakapagpractice naman kami ng ayos. Dahil sa parehas kaming guitarist, mabilis naman namin nagawan ng paraan kung paano magtatama yung tunog ng guitar. I'll do the finger style while he will do the strumming.

We focused first in playing the guitar. Saka na yung kasabay ang kanta.

Mga bandang ala una ng hapon. Nagpahinga muna kami at nagmeryenda.

Nang magsalita siya, " I never thought na ikaw pala ang anak ng may-ari ng school na pinapasukan ko. Galing mo magtago ah. "


Hindi na lang ako umimik. Pero siya, nagsalita pa rin, " You have a great parents. "

Napatingin ako sa kanya. At napangiti.


" You think so? "


" Yes, they are supportive. Tatlo lang kayo pero parang okay lang. Yung kontento na. "


Tuloy pa rin siya magsalita habang nakatingin lang sa garden namin, " Mayaman kayo, pero parang hindi halata. Alam mo yung parang kahit wala kayo ng lahat na meron kayo ngayon, your family is going to be the same. "


" Why are you telling all of that to me? Problem? "

I can see in his eyes. May problema siya.

" Family problem.. My Dad had an affair.. with my Mom's cousin.. that's too unbelievable right? Of all people.. I used to idolize my Dad because of his love to my Mom.. but then.. everything sucks.. everything has changed in a snap. "


" I only have my Mom and sister now. They're all I have right now. And I don't wanna lose them. "


" Everything has a reason. You'll eventually understand why is it happening to you. Have faith in Him."


Sandali kami tumahimik, at bigla na lang siya natawa.


" Ngayon lang 'tong usap na ganito. Yung seryoso tayo parehas. Hahaha anyway, thank you. Believe me, nabawasan yung bigat na dinadala ko. " I just smiled back at him.


Nagstart na ulit kami magpractice. Nang may dumating sa garden..


" Aha! Saturday ngayon! At bakit kayo magkasama ngayon ha? mga walang pasabi na maghahang out. Psh. "


Sino pa bang kontrabida sa'min ni Gid? Of course, my one and only bestie.


" Excuse me Ms. Kristel Anne Soledad,para po ito sa Talents Fest." sabi ko sa kanya habang pinagtataasan ko siya ng kilay.

" Oops sorry! Okay bye. may practice din ako eh. Bye bestie! Bye Gid! "


Umalis na siya. Pahed talaga yun.


Bumalik na kami sa pagpapractice. We're discussing the division of lyrics nang parang may light bulb na lumutang sa ulo niya.


" What now? " pangunguna ko sa kanya.

" Let's make a promise. Yung promise natin sa isa't isa. " sabi niya.

" Promise? Sabi nga nila Gid, promises are meant to be broken. "

" Sabi lang nila yon. Depende naman yun 'no. Sige na gawa na tayo. " pagpipilit niya.


" Sabi dun sa nabasa ko, sometimes people don't understand the promises they're making when they make them. So wag na natin ipilit. " pagpigil ko naman sa suggestion niya.

Ano bang pumasok sa utak nito at naisipang maggawa ng promise promise na yan -____-

May trauma na ako dyan sa promise na yan eh.


" Eh naiintindihan ko naman yung promise na gagawin ko sayo ngayon eh. Pumayag ka na. Best friend mo diba? Sige na! "

Kung ano ano pang pangungulit ang ginawa niya para lang mapapayag niya ako.

" Okay papayag ako.. " napa' yes naman siya. " pero! Oras na mabreak mo yung promise na yon.. F.O. tayo! "

Mukhang nagtataka naman siya. Ano na naman ba?

" F.O.? " seriously di niya alam yon?

" F.O. as in FRIENDSHIP OVER! "

Tumawa siya dahil sa sinabi ko. Really weird.

" Fine fine. " parang nagsusurrender siya. Buti na yung nagkakaintindihan kami.

" So what's that promise? "

" Promise natin sa isa't isa na hindi tayo magbebreak. "

Ah yun naman pala eh, okay yun. Hindi magbebr-- teka

" WHAT DID YOU JUST SAY?! ANONG BREAK SINASABI MO? TAYO BA? ARE YOU NUTS OR WHAT? MY GAHD I CAN'T BE-- "


" Hey Aya! Stop okay? Patapusin mo muna ako.. what I REALLY mean is.. etong friendship natin.. wag natin ibebreak.. wag tayo magbebreak.. "


Napakalma naman ako don. Kasi naman eh. Binibigla ako masyado. Tumango tango na lang ako sa kanya.

" Pinky promise? "


" Pinky promise. "


" So it's locked and sealed. No F.O."


Tumawa na lang ako sa kanya. He's really weird. But yeah, He's kinda cute.



Kinda!

Heart Strings (On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon