Kakauwi ko lang dito sa bahay galing sa school at nakita ko pag pasok ko ang Mommy ko na naka upo sa couch at mukang hinihintay ako.
"Uhm, Hi Mom!" Bati ko sa kanya na muka namang natuwa siya dahil nasa bahay na ako.
"Oh, Hi My Princess *sabay hug sakin*" yes, Princess ang tawag sakin ng Mommy ko, bakit? Dahil I am her only child. Super protective mom siya, and I guess, She's my hero.
"How's your day?" Tanong sakin ni mommy.
"Well, it's good naman, hmm" sagot ko naman sa mommy ko. Wait, baka mag tanong kayo kung bakit napapa english kami. Hahahaha as i said, mayaman kami, sinanay ako ng Lola ko na mag english when I was a child, at gusto ng mommy ko, tuwing kakausapin ako, may halong English. Buti nga nakakapag tagalog pa ako sa school at sa ibang lugar.
"Good to hear that" sabi ng Mommy ko.
"Mommy, taas lang po ako, I'll change my clothes lang po" sabi ko sa mommy ko.
"Okay Baby girl, baba ka agad after ha? We'll going to eat na" Mommy said, hays pa iba iba tawag sakin no? 15 years old na pero, Babygirl pa din. Hays, pero okay lang at least alam kong love na love ako ng mommy ko.
"Yes Mom" I said to her with a smile.
At dahil maarte ako, nag shower ako kasi alam kong madami ng alikabok na dumikit sakin, hahahahahha. Nag bihis pag katapos, nag ayos and After 1,2,3,4,5 years natapos din at bababa na ako. Jk lang syempre yung years.
After kong makababa nakita ko na si mommy sa kitchen na nag hahanda ng kakainan namin.
"Mom!" tawag ko sa kanya
"Yes My Princess? You look fresh huh?" Mommy said.
"Uhm, yes mom. Nag shower po kasi ako e, naiinitan po kasi ako" sabi ko kay Mommy
"Ah, ganun ba? Sige, sit down and we're going to eat na" Mommy said
"Okay Mom" at umupo na ako sa upuan ko.
"Pray first Baby" sabi ni mommy. Kaya naman nag dasal na kami ng sabay. Syempre we need to thank God for all the blessings that we received.
Habang kumakain kami ni Mommy, bigla niya akong natanong kung anong balak ko sa Acquaintance Party.
"Do you have plans for the coming of the Acquaintance Party?" Ayy oo nga pala, hindi ko nasabi. Ako ang namamahala para sa mga activities na gagawin sa school. Bakit? Dahil ako ang Forever na Maganda na President ng SSG. Oo Maganda, hahahahhaha.
"I have no idea pa po eh, but I can ask my friends for help" sabi ko sa mommy ko with a precious smile.
"Okay, just tell me what your plans and I'll go to your school to say it to the Coordinators. Okay?" Sabi naman ni mommy na halatang susuportahan ako.
"Yes Mom" sabi ko, at hindi ko na namalayan na tapos na pala kami kumain.
"Mommy, I'll go to my room na po ah? Goodnight, iloveyou mom" i said to my mom, with a sweet kiss on her right chicks.
"Okay My Princess, Goodnight, iloveyoutoo" mommy said.
Nandito ako ngayon sa kwarto ko, nag cecellphone as always. Tinignan ko yung facebook account ko at naisip ko na i add ang mga bago kong ka kaklase. So, nung nakita ko na yung mga FB Accounts nila, tinignan ko yung mga wall nila, pero hindi rin naman nag tagal dahil isa lang yung gusto kong tignan ng matagal, yung kay Clyde. Hahahahaha, sorry for being maarte. He looks so handsome and kind lang talaga.
After kong tignan, naisipan ko ng matulog but before that, nag Group Message muna ako,
"Goodnight Girls! See you all tomorrow, I need your help. Take Care!" send to Coleen, Mariel, Margaux, Dianna, and Shanel.