Simula

1.6K 98 26
                                    

Pagsuko
Written by: jdthegiddy

---------------------------------------------

[Third Person's POV]

Parang baliw na nakangiting mag-isa habang naglalakad si Angelika. Kung may makakakita sa kanya, mag-aakala ito na baliw siya. Pero hindi. Kinikilig lang siya kapag naalala niya ang nangyari kanina. Nagcelebrate kasi sila ng kasintahan niyang si Ryle ng 3rd year anniversary. Masaya siya dahil nagkaroon pa sila ng oras na i-celebrate 'yun kahit na pareho silang busy sa kanilang pag-aaral.

Pumasok na siya sa kanyang inuupahang apartment at nagbihis ng pantulog. Kahit na nakahiga na siya sa kama, hindi pa rin maalis sa kanyang labi ang ngiti ni Angelika. Hanggang sa pagtulog, si Ryle pa rin ang nasa isip niya.

~*~

"Ryle! I can't believe it! Ginawa mo talaga 'yun para kay Angelika?" Hindi makapaniwalang tanong ni Claire kay Ryle. Pagkatapos ng date nila ni Angelika, pumunta agad si Ryle sa bar para makipagkita kay Claire. Kailangan niyang sabihin kay Claire ang nangyari kanina.

Uminom muna si Ryle ng alak bago magsalita. "Oo. Simpleng date lang naman 'yun, Claire. Kailangan ko lang 'yun gawin para hindi siya maghinala. Madalang nalang kasi kaming mag-usap. 'Wag kang mag-alala. Ikaw naman ang mahal ko."

"Kahit na! Ryle naman. Hiwalayan mo nalang siya." Desperadang saad ni Claire.

"Alam mong hindi ko pwedeng gawin 'yan sa ngayon, Claire." Halatang naiinis na si Ryle dahil sa kakulitan ni Claire. Hindi na kasi pwedeng hiwalayan si Angelika sa ngayon. Kailangan niya si Angelika alang alang sa ikabubuti ng ama niyang may sakit. Doctor ang ama ni Angelika. At 'nung nalaman ni Angelika na may sakit ang ama ni Ryle, agad niyang sinabi sa ama niya para makatulong siya kay Ryle. Libre na ang pagpapagamot sa ama niya sa ospital na pag-aari ng pamilya ni Angelika. Ito ang dahilan kung bakit hindi niya pwedeng hiwalayan si Angelika ngayon. Hindi pa kasi magaling ang ama niya.

"Paano naman ako, Ryle? Akala ko ba mahal mo ako?" Nahihirapang saad ni Claire. Nagsisimula ng tumulo ang luha niya. Hindi niya na kayang pigilan pa ang mga ito.

Tumayo na si Ryle at inubos ang natitirang beer. Pagkatapos ay naglakad na siya papunta sa pintuan para lumabas na sa maingay na bar. Iniwan niya si Claire kanina at hindi niya sinagot ang tanong nito. Nang palabas na siya sa bar, naramdaman niyang may yumakap sa likuran niya.

"Sorry Ryle. Nadala lang ako ng selos kanina." Sabi ng nakayakap sa likuran niya. Sinundan pala siya ni Claire.

"Tss. Bahala ka sa buhay mo Claire. Huwag mo akong sundan ngayon."

Tinanggal ni Ryle ang mga braso ni Claire na nakayakap sa kanya at umalis na sa bar. Iniwan niyang umiiyak si Claire sa harap ng bar. Wala siyang pakialam.

Kailangan niyang puntahan ang ama niya sa ospital ngayon. Hindi niya kasi ito napuntahan kahapon kaya ngayon siya dadalaw. Kaya niya pa namang sumakay ng taxi. Hindi naman siya masyadong lasing dahil isang bote lang naman ang nainom niya.

"Tanginang buhay 'to. Gusto ko ng sumuko! Ang daming problema!" Sigaw ni Ryle nang makasakay na siya sa taxi.

Pagsuko (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon