[Angelika]
Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Parang hindi matanggap ng sistema ko ang narinig ko. Si Ryle ay naaksidente kaya hindi siya sumipot kanina. Paulit ulit na pumapasok sa isip ko pero hindi pa rin ako makapaniwala.
Palihim kong sinundan ang grupo ng lalaki na mukhang kasama ni Ryle sa basketball team ng school. Parang dadaan muna sila kay Ryle bago umuwi dahil patungo kami sa ICU ng ospital.
Nang makarating na kami sa ICU, tiningnan lang nila si Ryle mula sa glass window since hindi naman pwedeng pumasok sa ICU. Nagtago ako sa likod ng isang pintuan sa katapat ng room ni Ryle para hindi ako makita ng kaibigan niya.
Nagtago lang ako sa likod ng pintuan hanggang sa makaalis na ang mga kaibigan ni Ryle. Sinugurado kong nakaalis na talaga sila bago ako lumabas sa pinagtataguan ko at saka lumapit sa glass window ng ICU. Nang makita ko si Ryle mula doon, bigla nalang tumulo ang luha ko.
Ang daming makina ang nakakabit sa katawan ni Ryle. Kung kanina'y maraming sugat at galos si Claire, doble naman ang natamo ni Ryle.
Bigla na lang akong napahagulgol sa nakita ko. Nanghihina ang mga tuhod ko kaya napaupo ako sa sahid at napasandal sa dingding habang umiiyak. Wala akong pakialam kung pagtatawanan ako na mga taong dumadaan sa harapan ko. Gusto ko lang talagang maipalabas ang sakit na nararamdaman ko ngayon.
Ang bilis ng mga pangyayari. Parang kanina lang, lumapit pa si Ryle sa akin at saka humingi ng oras para pakinggan ang mga paliwanag niya. Kung pinakinggan ko lang sana siya kanina, hindi sana mangyayari 'to. Kasalanan ko na naman.
Sinulyapan ko ulit si Ryle mula sa glass window. Hindi ko na kayang makita siya sa ganoong lagay kaya napagdesisyonan kong umuwi nalang muna ngayon. Mabilis ang mga hakbang ko habang naglalakad ako paalis sa ospital. Paglabas ko, pumara agad ako ng taxi at sinabi ang address ng bahay namin sa driver.
Habang nasa biyahe, isinandal ko ang ulo ko sa bintana at tinignan ang labas. Madilim na at maraming mga sasakyan ang nagmamadali dahil baka maabutan pa sila ng dis oras ng gabi. Habang tumatanaw ako sa labas, bigla nalang akong napaisip sa mga nangyari ngayong araw.
Hindi na yata kakayanin ng utak ko ang mga nangyari ngayon. Kailangan ko munang magpahinga. Babalik nalang ako bukas sa ospital para bisitahin ulit sina Claire at Ryle. Kahit galit ako sa kanilang dalawa, nanaig pa rin ang awa na nararamdaman ko para sa kanila.
Ryle, huwag ka munang sumuko please. Ngayon pa't nararamdaman kong may pag-asa pang maayos ang relasyon natin.
(AN: Very short update. Huhu. Epilogue na po ang kasunod nito.)
BINABASA MO ANG
Pagsuko (Completed)
Short StoryInspired by Jireh Lim's Pagsuko. Date Started: February 2016 Completed: June 2016