Chapter 4 (Bitaw)

490 64 6
                                    

[Angelika's POV]

Lunes na naman. Ibig sabihin ay may pasok na naman at magkikita na kami. Sa loob ng tatlong araw na pananatili ko sa bahay namin, nakapag-isip na ako kung ano ang sasabihin ko kay Ryle. At nakakasigurado ako na tama ang gagawin ko dahil alam kong para sa ikabubuti namin 'to.

Naglalakad ako sa lobby ng school namin at papunta na sana ako sa first class ko nang may tumawag sa akin.

"Angelika!" Sigaw ni Kesha. Huminto muna ako sa paglalakad at hinintay si Kesha para sabay kaming maglakad papunta sa first class namin. "Bakit hindi ka pumasok nung biyernes?"

"Masakit ang ulo ko eh." At ang puso ko. Pero hindi ko nalang sinabi para hindi na mag-alala ang best friend ko.

"Nagkasakit ka? Bakit hindi mo sinabi?"

"Umuwi kasi ako sa bahay namin. At saka, nawala rin naman agad ang sakit ng ulo ko pagkatapos kong magpahinga."

Tumango nalang si Kesha at nagpatuloy na kami sa paglalakad. Malapit na kami sa room nang may naaninag akong pamilyar na lalaki na nakasandal sa pintuan ng room namin.

Bago pa ako makatalikod, nakita niya ako at lumapit papunta sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko at nagmamakaawang tumingin sa akin. "Angelika, mag-usap tayo. Please?"

Sumensyas muna si Kesha na papasok na siya sa room namin. Tumango nalang ako sa kanya at humarap ulit ako kay Ryle.

"Ayoko. Umalis ka na, Ryle. Ayokong makita ang pagmumukha mo ngayon."

Ngunit hindi niya pa rin binibitawan ang kamay ko. Kahit anong waksi ko, nanatili pa rin siyang kumapit. "Bitawan mo ang kamay ko, Ryle. Nasasaktan na ako."

"Hindi kita kayang bitawan... Gel."

Winaksi ko ulit ang kamay ko pero hindi niya pa rin binibitawan. "Sabi ng bitawan mo eh!"

Bumuntong hininga muna siya at dahan dahang binitiwan ang kamay ko. "Okay. Hindi kita pipilitin kung ayaw mo talaga. Mag-usap nalang tayo mamaya pagkatapos ng klase mo."

"Ayaw ko." Tinignan ko siya ng masama. "Wala na tayong dapat pag-usapan pa, Ryle."

Akmang papasok na ako sa classroom namin ng magsalita ulit siya. "May sasabihin ako mamaya. Please Gel, kailangan nating mag-usap. Kahit saglit lang basta tayong dalawa lang."

"Then spill it now. Kung ano man ang sasabihin mo, sabihin mo na ngayon. Bilisan mo dahil may pasok pa ako."

"Gel, una sa lahat, sorry." Bago niya pa maipagpatuloy ang sasabihin niya, dumating na ang prof namin. Tumikhim si sir nang makita niyang nakaharang kami sa pintuan ng classroom. Umisog ako ng konti at saka pumasok si sir. Papasok na rin sana ako nang magsalita ulit si Ryle.

"Angelika, please. Last na talaga 'to. Mamaya sa dati nating tagpuan, 5:00 PM. Ipapaliwanag ko sa'yo ang lahat. Kapag pumunta ka, hindi na kita guguluhin pa ulit." Ngumiti siya ng pilit at tinalikuran na ako. Nang makaalis na talaga si Ryle, pumasok na ako sa classroom at laking pasasalamat ko dahil may ginagawa pa si sir kaya hindi pa nagsisimula ang klase.

Umupo na ako sa silya ko na katabi lang ng bintana. Sumulyap ako sa bintana at minasdan ang nasa labas. Nakikita ko ang garden ng school. Walang tao roon. Sa garden na iyon ang sinasabi ni Ryle na tagpuan namin dati.

Nagdadalawang isip pa ako kung pupunta ako mamaya. Handa na ba akong makinig sa kanya? Naguguluhan ako. At the same time, kinakabahan. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin niya mamaya. Kung tungkol ba sa amin o hindi. Pero sa tingin ko, makikipaghiwalay na siya ng pormal dahil may Claire na siya. Nakita ko na ang lahat eh. Narinig ko pa mismo sa bibig niya.

Handa na ba akong bitawan siya kahit alam kong ako nalang ang kumapit sa relasyon namin?

Pagsuko (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon