Siguro

11 1 0
                                    


Siguro hindi pa nga talaga sapat sayo yung pagmamahal na inilaan ko nung mga araw na mag-kasama tayo. Siguro sa kanya parin ang hanap mo. Siguro mas mahal mo parin talaga siya kaysa sa akin. Sa loob ng isang buwan, naging option lang pala ako sayo. Parang bula ang lahat, ang bilis maglaho. Isinisi ko sa kanya ang lahat. Bakit pa kasi siya dumating ulit? Bakit hindi na lang niya hinayaang maging masaya tayo? Okay naman tayo dati, hindi ba? Sobrang saya natin. Mahal natin ang isa't isa. May mga pangako tayo na handa natin tuparin balang araw. Sobrang init pa ng pagsasamahan natin noon. Pero nung dumating ulit siya sa buhay mo, bigla na lang nag laho ang lahat. Lahat lahat ng mga pangako natin ay napako. Lahat ng I love you mo bigla na lang nabura. Yung mga halik mo biglang nawala sa aking pakiramdam. Nag bago na ang lahat nung bumalik siya. At alam ko sa sarili ko na wala na tayo. Wala na yung dating tayo.

Hanggang sa nasaksihan ko ang lahat kung gaano mo pa siya kamahal. Nabasa ko yung mga messages niyo nung nakahanap ako ng tsempo. Sa mga mensahe niyong yon, halatang miss na miss niyo ang isat isa. Nagkapalitan ng numero. At sa huling mensaheng nabasa ko. Sinabihan mo siyang mag ingat. Nakita ko na kung gaano mo parin siya pinapahalagahan. Hindi ko kinaya ang bangungot na 'yon. Habang ako nagpapaka-tanga sa kanya, siya naman ay abalang abala sa nakalipas niya. Hindi ako kagaya ng iba, na pipilitin yung sakit makasama pa rin kita, mahal. Binitawan ko na. Binitawan ko na yung taong nagpapasaya sa akin araw-araw. Binitawan ko na yung lalaking minsan ng bumuo ng buhay ko. Oo, bumitaw ako at ganon na lang niyang kadaling tanggapin yung alok ko na iwan na niya ako. Akala ko ipaglalaban niya ang relasyon namin. Akala ko hihingi siya ng tawad at pagsisihan ang nangyari. Akala ko.. Hindi niya ako kayang mawala. Pero hanggang don na lang pala talaga tayo. Mahal kita. Mahal na mahal.

A girl who can't be moveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon