End

13 1 0
                                    


Pero tama na! Ilang beses mo na ako ginanto. Nalala mo pa ba nung una yung isang babaeng mahal na mahal mo? Yung dati mo ring kasintahan. Napaniwala mo ako na hindi mo na siya mahal, pero sa huli ako pa rin ang talo. Iniwan mo ako sa harap ng maraming tao. Itinanggi mo ako sa kanila. Gaano kasakit? SOBRA. Yung ako na proud na proud sayo tapos ikaw na hindi mo man lang magawang mahawakan ang kamay ko sa labas. Kaya naman nagkikita tayo sa tagong lugar, yung walang makakakita. Gaano ako nagtiis sayo non mahal? Maraming sakripisyo ang inalay ko sayo, pero bandang huli ako pa rin ang talo sa larong iyon. Hindi na ako nakipagrelasyon noon simula nung mawala ka mahal. Pakiramdam ko kasi ay ganon at ganon ulit ang mangyayari kung pumasok man ulit ako sa isang relasyon. Kayat mas pinili kong pagtuunan ng pansin ang pag aaral kesa sa pag-ibig.

Ilang bwan ang nakalipas nawalan na ako ng pake sayo. Ang sarap sa feeling hindi ba? yung dating 99% ay naging 0.00% na. Grabe no? Nakakatawa. Nabalitaan kong may Girlfriend ka. Mahal na mahal mo gaya nung dati mong kasintahan. Yes maganda. Matalino. Mayaman. Lahat ata ng gustuhin mo maibibigay niya. Oo, ganon ka diba? Gustong gusto mo na ikaw ang ginagastusan. Pero thankful ako na wala kang nakuwa saking kayamanan miski bentsinko. Kasi wala ka naman talagang makukuha sa akin hahahaha. Pero punyetang tadhana nga naman oh, naging classmate pa kita sa TLE! Lumipat ka ng specialization na kukunin, nakakaasar ang alam ko taga pukpok ka ng pako eh. Tapos makikita ko yang mukha mo sa classroom? Pero oks lang sakin yon nung oras na 'yon. I was shocked that time, pero wala ng ilangan. And yes, naging mag kaibigan ulit tayo. Bumalik tayo sa pagiging Tropa. Yung sigawan, bangayan, asaran, tawanan. And yet I admit namiss ko yon. Hanggang sa..

Nag iba na yung pakikitungo mo sa akin. Hindi ako inosente, pero halata mo naman talaga kung may something siyang pagtingin sayo diba? Hindi sa pag aasume. Pero alam ko talaga na may iba sa pakikitungo niya sakin. Bumalik ka nung panahong nililigawan mo pa ako. Napaka landi mo hayup ka! Nagluluto tayo non para sa performance natin. You're too cute damn! Mas lalo akong napamura nung natikman ko yung luto mo shit. Pinipilit kong wag mahulog ulit sayo. Nagawa ko naman. Ilang araw akong di pumasok non maiwasan ka lang. Oo affected talaga ako sayo, gago!

Ilang bwan ulit akong nawalan sayo ng pake. Ewan ko, nawalan narin kasi ako ng balita tungkol sayo. Hindi na kita nakikita sa classroom. Nakakamiss, oo. Kasi wala na akong kaagawan ng electricfan. Wala na kong sinisipang upuan sa harap ko. Pero ayos lang naman ako non, hindi na gaano kaapektado. Nakakamiss lang.

After a weeks. Mga 3 months na lang bago mag bakasyon. Nakita na naman kita. Pansin ko napaka dalang mo pumasok non. Oo literal na tamad ka, pero hindi ka naman ganon kadalang pumasok noon eh. Ewan ko ba kung bakit napaka empits ko sayo non. Lumabas ako ng lab tapos kunwaring di kita nakita. Tapos nag aantay lang akong tawagin mo ako. Hindi naman ako nabigo, tinawag mo ako noon. Kinamusta mo ako sabi ko ayos lang. Nag change topic ako. Nailang na rin kasi ako sa conversation natin. At halata kong ikaw rin naiilang. Nagpaalam ako sayo non na aalis na ako. Putsa! Nakakahiya ako.

Siya: Ha? San ka pupunta eh eto na yung Lab oh.

Ako: Ah hahaha hindi ano manghihiram kasi ako ng lapis eh.

Siya: Para saan?

Ako: Meron kasi tayong activity. (Buti na lang may activity talaga, may lapis naman ako pero wala na talaga akong palusot eh)

Ako: Teka ako rin manghihiram, hintayin mo ako. (Lol ganon? Hihiramin mo ako tapos magpapaantay ka sa kanya para balikan ka ulit, Nako wag ako!) Tara na.

Habanang naglalakad tayo. Sobrang ilang talaga ako. Walang nag sasalita miski isa. Ikaw na ang bumasag sa katahimikan natin. Tinignan mo yung hawak ko, kahit isang bond paper na walang sulat lang naman yon titignan mo pa. So ayun pinagtitinginan na naman tayo. Siguro akala nila na inuuto mo na naman ako. To make the story short. Dahil tinatamad na akong isipin yung dati namin. Naging kami ulit. Well yung Gf niya dati wala na sila, niligawan niya ako ng isang bwan. Effort siya non. Oras oras akong hahanapin. Di siya naging tulad dati na halos itulak na niya ako palayo sa kanya. Ngayon wow! Proud na proud siyang akbayan ako in public. Touchy person kasi ako clingy. Gusto ko yung may ka HHWW ako oh kaya aakbayan ako. Kaya pag hindi ako pumayag sayo na akbayan ako o iholding hands may malaking kasalan kang nagawa sakin, Naging tayo. Ang saya natin. Halos araw araw kitang kasama. Di na ako worried kasi alam na ng lahat na tayo. Alam ng lahat na mahal natin ang isat isa. Mapa Social Media binubulgar na natin yung relasyon natin. Pinakilala mo na rin ako sa angkan mo, grabe ang dami nila ha. Napaka perfect natin. May mga pangarap tayo sa buhay. Ikaw mag pupulis dahil gusto mong anagatan ang ranggo ni papa ng sa ganon maipagmalaki kita sa kanya, Ako naman mag Pphysical Therapist. Excited tayo non sa Moving up. Dahil gustong gusto na natin makamit yung mga pangarap natin. Pero..

Gumuho ang lahat ng yan nang dumating ulit yung babaeng minsan ng bumuo ng mundo mo.

Siguro hindi pa nga talaga sapat sayo yung pagmamahal na inilaan ko nung mga araw na mag-kasama tayo. Siguro sa kanya parin ang hanap mo. Siguro mas mahal mo parin talaga siya kaysa sa akin. Sa loob ng isang buwan, naging option lang pala ako sayo. Parang bula ang lahat, ang bilis maglaho. Isinisi ko sa kanya ang lahat. Bakit pa kasi siya dumating ulit? Bakit hindi na lang niya hinayaang maging masaya tayo? Okay naman tayo dati, hindi ba? Sobrang saya natin. Mahal natin ang isa't isa. May mga pangako tayo na handa natin tuparin balang araw. Sobrang init pa ng pagsasamahan natin noon. Pero nung dumating ulit siya sa buhay mo, bigla na lang nag laho ang lahat. Lahat lahat ng mga pangako natin ay napako. Lahat ng I love you mo bigla na lang nabura. Yung mga halik mo biglang nawala sa aking pakiramdam. Nag bago na ang lahat nung bumalik siya. At alam ko sa sarili ko na wala na tayo. Wala na yung dating tayo.

Hanggang sa nasaksihan ko ang lahat kung gaano mo pa siya kamahal. Nabasa ko yung mga messages niyo nung nakahanap ako ng tsempo. Sa mga mensahe niyong yon, halatang miss na miss niyo ang isat isa. Nagkapalitan ng numero. At sa huling mensaheng nabasa ko. Sinabihan mo siyang mag ingat. Nakita ko na kung gaano mo parin siya pinapahalagahan. Hindi ko kinaya ang bangungot na 'yon. Habang ako nagpapaka-tanga sa kanya, siya naman ay abalang abala sa nakalipas niya. Hindi ako kagaya ng iba, na pipilitin yung sakit makasama pa rin kita, mahal. Binitawan ko na. Binitawan ko na yung taong nagpapasaya sa akin araw-araw. Binitawan ko na yung lalaking minsan ng bumuo ng buhay ko. Oo, bumitaw ako at ganon na lang niyang kadaling tanggapin yung alok ko na iwan na niya ako. Akala ko ipaglalaban niya ang relasyon namin. Akala ko hihingi siya ng tawad at pagsisihan ang nangyari. Akala ko.. Hindi niya ako kayang mawala. Pero hanggang don na lang pala talaga tayo.

Oo hindi ako tanga para pilitin ko pa ang sarili ko sayo. Kahit masakit kailangan kitang bitawan, para sa ikasasaya mo at ikasasaya niyong dalawa.

Ay teka. Hindi pa pala kayo nagpasalamat sakin. Nang dahil sa akin tuloy ang forever niyo.

-Malaking Band Aid

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 07, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A girl who can't be moveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon