Bitter-Sweet Chtistmas Part 2

23 0 0
                                    

*Pumunta sina Paul, John, Iso, Ron, at Aaron sa SM Megamall*

Paul: OK!!! HAHANAP NA AKO NG PINAKAMAGANDANG REGALO PARA KAY JEWEL!!! *fist in the air*

John: Oi Paul, wag ka naman masyadong excited diyan! Masyado ka namang maingay diyan, nakakahiya na!

Paul: Hehehe.....sorry.

Aaron: Tara na! Malaki 'tong megamall. MEGA nga diba? Start na tayo sa paghahanap ng mga regalo natin.

Iso: Oo nga. Di ko nga kilala yung sa'kin eh.

John: Patingin....*looks at paper*...Ah! Mahilig yan sa mga sosyal na bagay.

Iso: Ah, ok. So, mahirap hanapan?

Aaron: Tingin! Oo, medyo mahirap. Siguro ok na ang t-shirt lang. Pwede mo rin bigyan ng bag kung gusto mo.

Iso: Ahhh, kk.

Ron: Kanino uunahin?

John: Siguro yung kay Iso. Mas mahirap sa kanya eh.

Paul: Tara!

*shopping sa department store para sa regalo ni Iso*

Iso: Yan, ok na! Pwede na to! Paubos na yung binigay sa'king pera ng magulang ko.

Ron: Ako naman sunod. Dun tayo sa Lazer! Tara!

Paul: Wow! Yaman ni pare! Mas sosyal pa ata yung regalo ng sa'yo kaysa kay Iso eh.

Ron: Hehehe....ok lang yun. May sale kasi ng gitara sa Lazer ngayon. Bibilhin ko yung pinakamura nila.

Aaron: Ahhhh, magkano ba yung pinakamura?

Ron: Mga P800.00 ata.

Aaron: *jaw-dropped* Weh?! Di nga?!

Paul: Basta, tara na! Sayang time!

Aaron: Dun na nga rin ako bibili.

*pumunta sa Lazer at bumili ng P800.00 na worth ng gitara sina Aaron at Ron*

Ron: Ok, tapos na kaming tatlo. Kain muna tayo.

Paul: *kumukulo na ang tiyan* Hehe, sasabihin ko na sana yun eh. Tara, food court na lang!

John: Go, go, go!

*pagkatapos kumain sa food court*

Paul: Ano John? Sino sa'tin ang sunod na bibili?

John: Sabay na lang. Pareho ata yung pagbibilhan natin eh.

Paul: Weh?!?! Comic Alley din sa'yo?

John: Oo. Bakit?

Paul: Wala naman.

Ron: Oo nga pala, John, sino ba pagbibigyan mo?

John: Sa'kin na lang yun!

Iso: Ano bayan?! Selfish!

John: Hahaha! Nakakahiya sabihin eh... *kamot ulo*

Paul: Tara na! Dadaan pa ako sa National Bookstore eh.

Iso: Bakit dun?

Paul: Medyo bookworm din kasi si Jewel eh.

Iso: Ahhhhhhh...

John: Sa national muna tayo, para mabilis!

Paul: Sige.

*pagkatapos sa National Bookstore, pumunta na sila sa Comic Alley*

Ron: Para san yan?!

John: Para sa nabunot ko.

Ron: So babae na cosplayer?

John: Yep!

Ron: Ok. So, very long orange wig na may bells, sobrang laking broadsword......ah! Sa "Negima" yan 'no, si Asuna na may Artifact? *Note: "Asuna" is one of the female characters in the anime "Negima"*

John: Oo, di ba halata?

Iso: So sino nabunot mo?

Aaron: Si Ali o si Mary?

John: Secret!

Paul: Wow naman! Ang yaman mo naman, John! Medyo P4000.00 daw kasi ang isang set ng costume ng isang character!

John: Ok lang naman sa'kin. Konting sacrifice lang 'to sa savings ko.

Paul: Grabe!!! Masyadong Overboard na ata yan!

Ron: Oo nga, di ka ba mapapagalitan ng magulang mo?

John: Ok lang daw naman, kahit ano daw, pwede ko raw bilhin, basta may matira na pang-college.

Paul: Bahala ka.

Aaron: *yawn* Tara na, uwi na tayo! Naghihintay na yung tatay ni Iso. Offer niya raw ride pauwi.

Others: Ok!

*To be continued*

Feeling CloseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon