A glimpse of her life

10 0 0
                                    

Denielle's POV

"arggghhh"dumagundong ang boses niya sa buong building dala ng sobrang pamimilipit sa sakit.
Nakahiga kasi siya habang inaapakan ko ang leeg niya.

Nakakatuwa talaga,kung sino pa yung mayabang siya pa ang wala naman palang panama.

Given na rin na babae ako samatalang lalaki naman siya.

"hayop ka denielle arggghh"ang lakas ng boses ng lalaking to..Parang babae.

"hahaha bagay lang naman kasi yan sayo"tama nga naman at bagay lang sa kanya yan bukod sa ang yabang yabang niya ang pangit niya pa..

Lumayo na ako sa kanya at lumabas na sa abandonadong building na yon..

Hindi pa ako gaanong nakakalayo nang narinig ko na naman ang nakakarinding sigaw ng danilo na yon..

"hoy babae ka,wag mo akong tinatalikuran"

"hooooooyy"

Ay nakoo ayan na naman siya..

Pinaikot ko nalang ang mata ko at naglakad na patungo sa kotse ko..

Habang nag mamaneho ako hindi ko maiwasang hindi alalahanin ang nangyari kanina..

Flashback

Love me like you do
Lo lo love me like you do
Touc-----
(ringtone)

Aisssh sino ba nag set ng ringtone na ito,nakakarindi..

At sino ba itong tumatawag na to masyadong istorbo sa tulog ko..

Hindi ba niya alam na ayaw na ayaw kong nabubulabog ako lalo na ang tulog ko.

Love me like yo----

Aishh masagot na nga para tumigil na..

"o ano bang kailangan mo,sabihin mo na agad at matutulog na ulit ako"

Hindi naman sumasagot ang nasa kabilang linya kaya tinignan ko kung sino ang tumawag pero unregistered number lang to..

"sino ba to at kung ayaw mong sumagot wag ka nalang tumawag"

Nakarinig ako ng buntong hininga.

"ako si danilo..natatandaan mo pa ba ako?"so magsasalita din naman pala eh pinapatagal pa..

Pero sino daw?si danilo?aissh pesteeeee

"of course natatandaan pa kita at makakalimutan ko ba ang pangalang yan dahil ikaw lang naman ang naglakas loob na kumalaban sa akin"hindi hindi ko siya makakalimutan dahil sa madaya niyang pakikipaglaban ay talaga lang na hindi ko siya makakalimutan.

"anong kailangan mo danilo"

"buti naman tinanong mo my dear...simple lang naman ang kailangan ko,pumunta ka sa address na asdfghjkl village at pumunta ka sa abandonadong building"

"k"

Pinatay ko na ang tawag..ano na naman kaya ang gagawin ng lalaking yon..

Kailangan ko nang maghanda dahil kilala ko ang lalaking yon,puro daya at masyadong tuso..

Kinuha ko ang maliit na kutsilyo at ipinaipit yon sa sapatos ko..

Kahit yun lang ang gamitin ko ay matatalo ko na siya..

Kahit nga wala akong gamitin kundi ang kamao ko lang ay dudugo na siya..

Marami na akong nakalaban kaya sigurado akong sisiw lang siya para sa akin.

Papunta na ako sa address na ibinigay niya at pagpasok ko sa building nakiramdam muna ako sa paligid..

Tama nga ang hinala ko at may lumilipad nang kutsilyo galing sa kung saan man na agad kong naiwasan..

Agad ko naman siyang nakita na tatawa tawa pa papunta sa akin..

Agad ko siyang sinugod at sinuntok sa mukha natumba naman siya pero nakabangon naman agad..

Susuntukin niya rin dapat ako pero nailagan ko agad..

Sinundan ko naman ng ilang suntok sa tyan at ilikot ko ang kamay niya para bumagsak siya agad..

At duon ko na tinapakan ang leeg niya para mahirapan na siyang makagalaw..

End of flashback

Sa pagiisip ko ng nangyati kanina ay di ko na namalayan na nasa tapat na pala ako ng bahay ko..pumasok na ako at umupo sa sofa..

Ako nga pala si Denielle Suezette Lincoln ang gangster queen..


Made For Each OtherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon