Chapter Six

1.3K 27 4
                                    

Chapter Six

[Feelings]

••••

CASSANDRA

"Bakit biglang nawala si Maverick sa kwarto kagabi? Eh diba siya yung gumagamot sa paa mo? What happened?" Bungad na tanong sakin ng kaibigan ko. Bumalik din kasi siya agad sa cottage ng maihatid si Nathan sa labas.

Nandito kami ngayon sa labas at nagsusunbathing. Since this is our last day dito sa Batangas, naisipan naming magsunbathe. Medyo nawala na ang pamamaga ng paa ko kaya kahit papaano ay naitatapak ko na ito ng maayos kapag naglalakad ako.

I sipped my orange juice drink at sumagot. "May aasikasuhin daw siya eh. I thanked him for curing my swollen foot. I forgot to tell you last night, I fell asleep." Sagot ko sa kanya.

"Akala ko kasi kung ano nangyari eh. Kinausap kasi ako ni Nathan kagabi dahil nakita niya daw si Maverick na lumabas galing sa cottage na masama ang timpla ng mukha." Andrea said to me while putting sunblock to her legs.

"Baka may problema lang siya or busy lang sa work. Nung kausap ko naman siya eh okay siya." Nakakakonsensya na magsinungaling. Wala pa talaga akong lakas na loob na sabihin kay Andrea ang nakaraan namin ni Julian.

"Girl baka type ka ni Mavy ah! Kasi napapansin ko minsan nakatitig siya sayo. Pero alam mo para bang hindi marunong ngumiti o tumawa yung lalaking yun." Napaisip ito.

Kung alam mo lang talaga Andrea. Pero siguro hindi muna ngayon. Sa tamang panahon.

"Ano ka ba Andrea! Taken na ako diba. Kayo kamusta kayo ni Nathan?" I changed the topic para hindi na niya ako tanungin pa about kay Julian.

Nag-iba ang ayos ni Andrea at naka-indian seat na ito para maayos kaming makapag-usap. Pagdating talaga kay Nathan nag-iiba.

"Cassie, I think I like him na talaga. Akala ko kasi noong nakita ko siya, infatuation lang. Parang crush crush lang pero kahit na saglit lang na nagkausap kami sobrang nahulog na ang loob ko sa kanya. He is very gentleman unlike kay Dave." Kwento niya sa akin. Halatang totoo ang sinasabi nito dahil napakaseryoso ng mukha niya. Dave was her ex boyfriend. Her long time boyfriend who just used her.

Mga lalaki talaga. Magaling manakit.

"Take it easy muna siguro Andrea? Pahingahin mo muna ang puso mo. Alam kong galing sa heartbreak yan dahil kay Dave pero sa ngayon kilatisin mo muna. Wala namang masama sa ganun, you have the right. Kilalanin mo muna si Nathan ng husto then after that kung matagal tagal na and you know him very well then you can now love him or maybe be serious with him. Ano man mangyari, I will always be here for you." I smiled at her then niyakap niya ako. She is like my sister from another mother.

I hugged her back. "Thank you Cass. Tama ka. Ang pag-ibig naman ay nakakapaghintay. Kasi diba kung kayo talaga ang nakatadhana, kayo talaga kahit ano pang pagsubok ang mangyari. Love will always find a way." I nodded at her.

Natapos ang kwentuhan namin about sa love. Puro kabaliwan ang nasasabi ni Andrea at ako naman ay tawa lamang ng tawa sa kanya. Napag-usapan din namin si Vince at kung ano ang balak ko sa kasal namin. Sinabi ko lamang na wala pang plano. Basta ngayon, ang gusto ko lang gawin ay makauwi na sa Manila upang matakasan ko si Julian. Dahil pakiramdam ko kung matagal pa ang araw na ilalagi ko dito ay baka hindi maging maganda ang kakahitnan para sakin.

••••

Puro kantahan at inuman ang nangyayari ngayon. Nag-arkila sila Mother Luisa ng karaoke at nag-order ng mga inumin para sa aming lahat dahil last day namin ngayon dito. May sari-sariling ginagawa ang bawat isa. Ang iba ay nagkukwentuhan at may ibang umiinom lang ng tahimik. Si Andrea naman ay busy sa pagtingin ng kanta sa songbook.

My Past or My Present? [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon