Chapter Three
[My past]
••••
CASSANDRA
"Julian," Bigkas kong muli.
I can't explain what I'm feeling right now. May halong kaba at gulat ng makita siya. Alam kong napakatagal na panahon na ang lumipas ng huli kaming magkita. Aaminin kong wala kaming "closure". Pero bakit ganito? Hindi ba dapat hindi na ako kinakabahan? Hindi na ako naiilang sa mga titig niya. Nangako na ako sa sarili ko na kapag nakita ko siya ay maipapakita ko sa kanya na matapang na ako.
"Have you met each other na ba Cassandra and Mav?" Napatingin ako kay Nathan ng marinig ko ang kanyang tanong. Napansin ko ang titig ng ibang tao sa amin na para bang nagtataka o naghihintay ng kasagutan. Sina Mother Luisa at Andrea ay nasa gilid ko, samantalang ang iba ay busy sa pagpeprepare ng mga gagamiting props para sa photoshoot.
"Uhm, not yet. I thought he was a friend of mine. Kamukha kasi niya yung kaibigan ko." Pagsisinungaling kong sagot dito. Ewan ko ba. Hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya.
"What a coincidence naman pala. Do you know Cass na Julian ang first name niyan ni Maverick. Ayaw niyang magpatawag na Julian. I don't know why. " Napaisip ito ng saglit at biglang ngumiti ulit ito sa aming dalawa.
Mga ilang minuto ang lumipas ng marinig ko ang pagtawag ni Mother Luisa samin. Kami naman ay tumungo na sa pinaroroonan nito. Easy to be with naman si Nathaniel. Makwento siya at para bang close na kami kahit saglit pa lang kami nagkakakilala. Si Andrea naman ay parang nagpuso ang mga mata ng makita ang lalaki at ngayon naman ay silang dalawa ang nag-uusap.
Tahimik na nakaupo si Julian sa gilid. Abala ito sa kanyang cellphone.Hindi ko maiwasan ang pagtitig sa kanyang mukha at katawan. Masasabi kong mas naging gwapo pa ito at lalong lumaki ang kanyang katawan. Wala talaga akong masabi sa kagwapuhang taglay niya. Kahit na nakayuko ito ay matatanaw ang kakisigan ng kanyang mukha. Matangos ang ilong, chiseled jaw at ang silky niyang buhok. Tapos idagdag mo pa ang kanyang 6 pack abs. I can say he is a type of guy that any womans dream. His physical attributes say it all but sadly kawawa ang babaeng maiinlove sa kanya dahil magugulat sa anking kagalingan. Ang magpaiyak ng babae. Goodluck.
What am I thinking? I shouldn't praise this guy.
"Okay guys! Let's start. Cassie and Andrea pumunta na kayong dalawa sa gitna. You have to be serious in the camera para maging fierce ang mga itsura niyo. After akong magsign na thumbs up, you have to think other pose ah. Just like the old times. Like stolen kayong nakangiti or nag-uusap. It depends sa inyong dalawa. I know madali na lamang sa inyo dahil both of you will never be top models right now if hindi kayo magaling magpose or anything. Alright?" Matapos ang explanation ni Mother ay pumunta na nga kami sa harap.
We did the pose. Nakailang shot din then after non nakita ko na si Mother na nagthumbs up so it's a sign na we do other pose. Stolen shot. Kunware kwentuhan shot at kahit ano pang shot para lang maging maganda ang output ng photoshoot na ito.
Then I saw him glancing at me. He is smirking na para bang nanloloko. After that, he smiled at me. Wow ah! May gana pa siyang ngumiti sa akin matapos lahat ng ginawa niya. Manhid talaga. Then after that nakasimangot na ang mukha niya.
"Well, that's it guys. Fantastic and gorgeous young ladies as ever." Kuya Mico, our photographer complimented us.
"I love it." Sabi at nagbeso sa amin si Mother. "Oh mga gwapong lalaki kayo na ang susunod. Don't worry because Cassie and Andrea will guide and help you sa mga pose. Wag kayong mahiya ah if you want anything, just call me, your pretty Mother Luisa." Nakakembot si Mother sa dalawang lalaki at patuloy kinakausap ang dalawa.
BINABASA MO ANG
My Past or My Present? [COMPLETED]
Ficción GeneralThe colliding of her past and present can break her world but mostly her heart. *CURRENTLY EDITING