Moon Gazing 3

20 0 0
                                    



"Boys andito na tayo, baba na kayo at pupunta pa ako ng Admin Building."

"Okay, salamat, pare, sa libring ride." Si Syd.

"Mamaya uli, 'tol. Sabay kami ulit. Baka mamiss mo kami agad." Ani Jan.

"Sige, Sir." Pormal na pasalamat ni Topher.

At ayon na nga. Iniwan na ako ng tatlong mokong na iyon. Hayaan niyo na. Parang mga kapatid ko na rin sila. Nasabi ko na ba sa inyo na ako lang ang nag-iisang anak sa pamilya. Kaya nga 'nong na diskobre ko na may ibang tao pa pala, hahahaha joke, ayon tuwang-tuwa si Mom.

Anyway, narito tayo ngayon sa loob ng Eugenius Academy- Senior High School Department. At ako ay patungo sa Administration Building para mag-time-in. Iba dito sa Academy, kung sa ibang school ay finger printing ang basehan, dito voice recognition, sasabihin mo lang 'yong pangalan mo.

"Stephen Sean." Sigaw ko sa pintuan ng building. Agad naman itong nagbukas.

"Voice recognized. Identity checked. Good morning Mr. Zaide." Pagwelcome ng EAIS o Eugenius Artificial Intelligence System. Ito 'yong overall system na nagpapagalaw, nagproproseso at nag-iimbak ng mga datos sa paaralan. Nadevelop ito ng Presidente at Principal ng paaralan. Idol ko talaga siya.

Pagpasok ko ay nakita ko na doon ang Head of Academic Affairs si Dr. Aira Rodessa MariGold na masayang nakikipagkwentohan sa Academy President/Principal na si Dr. Eugene Salemus Abright.

"Oh nandito ka na pala, Prof. Zaide. Kumusta ang bakasyon?" Tanong ni Dr. MariGold.

"Eto, Ma'am, searching pa rin." Kwela kong sagot. Mabubuti ang mga heads ng paaralang ito. Alam ano ang maayos na pakikitungo sa ibang mga guro at lalo na sa pag-intindi ng mga kinakailangan ng mga bata.

"Dadating din yan, Stephen. Hayaan mo. Congrats to your promotion, by the way. I can really see myself in you. Persevere more and you'll reach even higher. Kung may hindi ka alam, magtanong, at pagmay-alam ka, iparating mo sa amin ng kami rin ay makaalam. Knowledge should be shared, right, Dr. Aira?

"Yes, Dr. Eugene. As social animals, we need to communicate both our worries and hopes in order to really strive for excellence." Dagdag ni Dr. MariGold.

"So as the motto of the school, professors, "Only Onward and Upward we should Go." Contribution ko sa aming talakayan.

"True. True. That is correct." Sambit ni Dr. MariGold.

"Oh, look at the time, 7:30 na. Please gather around teachers. Our first period shall begin in thirty minutes. I  wish you all a fruitful and learning filled school year  and may our light as educators shine and guide our students. Remember that once upon a time, you are students yourselves. Give the best you have and let them explore the world like you did. Let us go ONWARD and UPWARD."  Pambungad na pananalita ng Academy President/Principal.

As the President is finished with his speech, we, the teachers, excitedly go to our individual classes. I too am very excited. At nahawaan na naman ako ng pag-ienglish ng aming President, his charisma is contagious talaga.

-------------------------------------->

Author's Note

It is the start of the class na school nila. Mamaya, i-update ko 'yong chapter 4 .

What would happen next and who are next to be featured.


She Is My MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon