"Pwede ikaw naman ang 'yong unang mamansin, ako na lang palagi eh."
Narito na naman ako sa everyday pangpainspire ko- ang i-stalk siya sa facebook account niya. Buti na lang kahit na merong application sa fb na makakapag-identify ng stalker mo, hindi naman ito accurate. Ala sais na ng umaga, eto pa rin ako, nakatanga na nakaharap at nagmumuni kung i-lalike ko ba o hindi 'yong post mo. Dangerous kasi i-like eh, last month pa kaya 'tong post mo. Masyadong halata. Di ko alam busy ba siya o walang load, walong taon na din akong walang masyadong communication sa kanya. Aba mantindi, kahit ganoon, patuloy pa rin akong addict sa pagfafollow ng fb niya, kahit naman walang i-pafollow. Dahil alam naman natin na ang kailangan ifollow ay ang mga taong nag-aupdate.
Ako nga pala si Stephen Sean E. Zaide, 24, lisensiyadong guro. I am teaching both literature and language sa Eugenius Academy- Senior High School Department (promise, ang tagal napag-isipan ng author ang pangalan ng school). I am known to be the Shakespeare of the School. Katatapos lang ng mahabang summer vacation, at sa araw na ito magsisimula na naman ang isang bakbakan patungo sa pagkatuto, ehem, lumalabas na naman si Balagtas sa pagkatao ko. This is my third year of teaching and I am looking forward for a fun-filled learning this year.
"Boooooggsshhh." Ang reklamo ng pintuan. Iniluwa ang tatlong ugok na nagpasakit ng ulo ko nitong summer.
"Oy, ano na naming kabalbalan to? Umagang-umaga, nambubulabog kayo dito sa bahay." Pagmamaktol ko.
"Ay nako, si Pareng Sean, hindi na nasanay. Parang bahay na naming kaya to." Pambungad na pananalita ni Syd.
"Bro Sean, di naman tayo nagkakalayo sa kagwapohan, di ba nga, sabi mo, birds of the same feather, flocks together....." Dagdag naman nitong si Jan.
"At ang sarap magluto ng nanay mo, sir. Makikikain kami ulit." Dreamy na umaapaw sa galak na saad ni Topher.
"Hay, ano pa b?. Maauna na kayo doon sa kusina. Magtira kayo kung ayaw ninyong maging panget at magkakapiraso kayo." Pamababanta ko.
"Eto naman, parang di na nasanay, maligo ka na nga, ang baho mo pa." Pang-aasar ni Syd.
"O nga, Syd. Kaya pala kanina pa nangangamoy taong yungib." Dagdag ni Jan.
"Topher, gilitan mo nga sa leeg 'tong dalawang ulupong na ito at ihagis sa kubeta. I-flash mong maige."
Nandito na naman 'yong tatlong ugok. Mga styudante ko sila noong nagtuturo pa ako sa Junior High, promoted ako this year eh. Ang galing ko daw sabi ng Academy President/Principal ng paaralan. Mabilis akong naligo at nagbihis baka magkalat na naman 'yong tatlo at hindi pa ako matirhan ng pagkain. "Huhuhu mumulubi ako sa kanila. Ang lalakas kumain, ng mga mokong."
Palabas na akong ngsilid ng mahagip ng mata ko ang figurine ng Goddess of the Moon. Naaalala ko nanaman siya. "Hay buhay."
------------------------------->
Author's Note
I tried my best to shift from using stiff language to something trendy. Hope Miss MariGanda will not comment on the boringness of the langauge again. She bombarded me with so much WAAAAAANESS.
Anyway, want to know more about the three "mokongs" and the other teachers that will play roles along the way. Wait until you meet the principal.
Hope to know your thoughts on this chapter. I will post Chapter 3 soon.
![](https://img.wattpad.com/cover/67711868-288-k918351.jpg)