Chapter 05: Second Encounter

33 5 0
                                    

Chapter 05:Second Encounter

Leslie' P.O.V

"IKAW"

Tadhana nga naman bakit siya pa yung Nakita ko.Pwede namang Multo na lang kesa Demonyong 'to.

"Bakit ka nandito?"Tanong niya sakin at Tinuro pa talaga ako.

"Trip ko,Bakit?Miss mo ko?" Halatang nainis siya.

"Baka ikaw yun tsaka Paano ka naman naka pasok dito sa Paaralan."

"Kasi Pumasok ako Sa Pintuan. Obvious naman na Pagpumapasok at Lumalabas sa Pinto e.Bakit may alam ka pa bang pwedeng Pasukan?" Pangbabara ko sakanya.

"Bobo Pilosopo mo."Ako?Bobo? Anong gusto niya Away o Gulo?!

"Kung Sino man ang Bobo satin." Tinuro ko pa siya."Ikaw yun kaya Manalamin ka kung pwede lang." Sinamaan niya ako ng Tingin inirapan ko na lang siya tsaka Umupo dahil Dumating na ang Prof namin.

Umupo siya sa Tabi ko.Napailing na lang ako sa pag upo niya at Nakinig na lang sa Sasabihin ng Prof namin.

****

"Class Dismissed." Huling sabi ng Prof namin bago tuluyang Lumabas.

After Four Subject natapos rin.
Lumabas na rin ako dahil Hinihintay na ko nila Jazz kaya lang may biglang pumatid sakin.

"Nyeta,muntik na ako dun ah." Bulong ko sa sarili ko.

Hindi ko nakita kong sino ang pumatid sakin.Hinayaan ko na lang at Pumunta na lang ako sa Canteen.

Habang naglalakad ako mga nakatingin sakin yung mga Studyante
Problema nila?Nainggit ba sila sa Kutis ko?Well.....nag iisa na lang ako kaya Titigan na nila.Jokee^^ hindi kaya maganda ang kutis ko kumpara sa kanila.Alagang alaga e.

Hindi ko na lang pinansin ang mga tingin nila.Dere-deretso na lang akong naglakad papuntang Canteen na naka Chin up.Para lang akong nag momodel pero hindi ko pinahalata sa mga audience ko.Hahaha Hiya ako e.

Canteen:

Umupo kaagad ako sa Tabi ni Alex.
Pang apatan ang seat na inupuan namin.

"Guys,Napapansin niyo ba yung mga tingin ng Tao?"Tanong ni Alex.
Hindi lang pala ako ang nakakahalata.

"Oo nga e."Pagsang ayon ko at Tinignan si Jazz.Ngumiti naman siya.

"Kumalat na siguro na Scholar kayong Dalawa.Kasi kayong dalawa lang ang nagkaroon ng Scholarship dito sa SPA
Akalain niyo kasi 90 average pataas."
Paliwanag ni Jazz samin.May point naman siya e.Pataas nga ang kailangan.

"Big deal ba sakanila yun."Napatingin
Ako kay Alex.Anong klaseng tanong yun.

Nung tumingin naman ako kay Jazz.
Tumango-tango siya so,it means Yes.

"Why?"English kong Tanong.Para bongga.

Humigop muna siya ng Juice na binili niya tsaka tumingin samin.

"Dahil Ang mga Studyante dito Ayaw nila ng Mahihirap." Ganun? Grabe pala sila.

"Kung Ayaw pala nila ng mahihirap dito bakit Gusto mo samin?" Tanong ko.Tumawa naman siya.

"Hindi porket Ayaw ng mga studyante dito ng Mahihirap e,Makikigaya ako sa mga ugali nila.Dumaan rin kami yung Part na naghirap." So,Totoo ngang Mayaman si Jazz.Big Time.

"Buti na lang talaga ikaw yung naging kaibigan namin."Napangiti si Jazz sa sinabi ni Alex.

"Tsaka pala iwasan niyo ang mapikon sa ano mang Masasakit na salita ng mga studyante dito at Baka Hindi na kayo makauwi ng buhay lalo na sa Queen Bee dito."NaPalunok ako sa sinabi ni Jazz.Mas malala pa kaya kay Unggoy?Teka nga,bakit ba bigla siyang pumasok sa isip ko.Di kaya...

ERASE ERASE ERASE...

****
Nathan's P.O.V

Nakakainis yung Halimaw na iyon.
Dapat ako nagsasabi sakanya nun e.
Tapos mapipikon siya at Aasarin ko naman siya.Dapat ganun e,kaso bumaliktad dahil siya ang nang aasar tapos ako naman 'tong pikon.

Kung Hindi lang siya Babae baka siguro Pinaglalamayan na siya.

"Nathan!" Nakita ko si Darwin na papunta sa kinaroroonan ko.

"Bakit?"Tanong ko ng makarating na siya sa Pwesto ko.

"Nasan si Yazzer?"T*ng ina 'to.

"Hayup,Wag mo kong hanapan ng Nawawalang tao hindi ako CCTV."
May nakita akong bato at Binato ko siya kaso nakailag siya at Mabilis na nawala sa Paningin ko.

Nandito ako ngayon sa Pinagtatambayan ko.Dito kasi Peaceful walang Ingay at Hindi ka guguluhin ng mga studyante.

Tinignan ko ang Relo ko kung Anong oras na.May Thirty minutes pa naman para matulog ako.Kaya umidlip na agad ako habang naka suot sa Tenga ko ang Earphones.

"Bogshh"

"Sh*t"Napahawak ako sa Ulo ko dahil natamaan ako ng kung ano man.

Dinilat ko ang mga mata ko nakita ko ang bola ng Volley ball?Nak ng....
Pati ba naman dito may mang iistorbo sakin.

May lumapit sakin na isang babae siguro siya yung may ari ng bola.

"Excuse me,yung bola?" Tanong sakin ng mala kumag na babaing 'to.

"Bakit kayo naglalaro ng bola ha?" Maangas kong sabi sakanya.

"Sorry naman." Sinamaan ko siya ng tingin.

"Gusto mo bang ma kick out?"

"Wag naman."

"Sabihin mo bakit ayaw mong ma kick out." Nag isip sign pa siya.

"Kasi......."

"Alex,Ang tagal mo naman." Hindi niya na ituloy ang sabihin niya dahil may tumawag sakanya.Liningon namin kung sino ang tumawag sakanya.Lumapit siya samin.

Napatayo ako kung sino yung Tao na iyon ay Mali dahil Halimaw siya.

"Alex,Tara na malalate na tayo sa Next Class natin." Inirapan niya ako at Tumalikod na ang Dalawa at Nagsimula nang maglakad.

Sinipat ko ang Relo ko at Five Minutes na lang magsisimula na ang klase.

"Dahil First Day ngayon magpapakabait muna ako." Bulong ko.

Kinuha ko ang bag ko at nagsimula nang maglakad papuntang Next Class ko.

Ms,Probinsyana Meets Mr,Maynila (Good Vs Bad)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon