Chapter 07:Love at First Sight

46 7 3
                                    

Chapter 07:Love at first sight

Yazzer' P.O.V

"Kung makita mo lang talaga kanina ang itsura ni Leslie,Matatawa ka talaga." Natatawang Sabi ni Nathan.

"Pre,Nakahit-hit ka ba ng Katol?" Birong sabi ni Darwin.Eh kasi naman kung makatawa 'tong si Nathan parang wala nang bukas.Siraulo lang.

"Pre,Kung ikaw kaya Makita mo yung itsura niya.Halatang natatakot tapos nakikipag-usap sa Plastik." Pinutol niya ang sinasabi niya at Tumawa ng Malakas.

"Pre,Para maniniwala kami sayo na hindi ka naka Hit-hit ng Katol.Ano bang itsura ng sinasabi mong Leslie?" Oo nga,kanina pa siya kwento ng kwento tungkol sa babaing yon.Hindi pa namin nakikita na Conscious tuloy ako.Maganda kaya yun?

Tumungga muna siya ng Red Horse bago siya nagsimula magsalita.
"Yung itsura niya na Parang Ewan na Nakakita ng Elemento.Yung Manlalaki yung mata,Para Ewan na Tumatalon at Kinakausap ang Sarili.
Ang Epic nga ng Mukha niya eh. Kamukha niya si Diego." Grabe, si Diego talaga?So,Panget yun?

"Pre,Totoo bayan o Sadyang story Maker ka?May maniniwala ba na mag bibigay ka ng Time sa isang kamukha ni Diego para lang makipsg bangayan?Tanong ko lang nagbago na ba Taste mo sa babae?" natawa kami sa sinabi ni Andrew.Sinamaan naman siya ng Tingin ni Nathan.

"Nate,Kung totoo talaga yan pakilala mo siya samin.Para makita namin kung sino ang ka look alike ni Diego."
Ani Carl.

"Oo nga."Pag kampi ko.Hehehe...

"Ghe...Bukas ipakita ko sa inyo kung ano ang Mukha niya."

"Cheers!" Sigaw ko bago tumungga ng hawak kong alak.

****

"Oh my Ghad"

"Andyan na sila!"

"So...Gorgeous!"

Yan ang mga naririnig kong sigaw sa Loob ng SPA.Ilinagay ko ang Earphones ko sa tenga ko dahil Malapit nang mabasag ang Ear Drums ko sa mga Hiyawan ng School mstes namin.Syempre ano pa bang bago?Araw-araw kaya silang ganyan.
Minsan nga natatanong ko sakanila.
Bakit hindi sila nagsasawa? Tsaka hindi naman kami Artista eh.Di ko alam kung bakit mas daig pa namin ang sikat na Artista.

Nangbumaba na kami sa Sasakyan lalo lang lumakas ang Hiyawan ng mga studyante.Akalain mo may Banner pa.Mas malakas pa ang Ingay nila kesa sa Pinapatugtog ko sa Cellphone ko.Hindi ko sila pinansin
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad habang yung dalawa kong Kamay naka pamulsa.

Derederetso akong maglakad. Natigilan lang ako sa paglalakad ng biglang may kumaha ng Atensyon ko.
Pinagmamasdan ko siya Hindi ko alam kung bakit sobrang Bilis ng Tibok ng Puso ko nangmakita ko siya.
Hindi naman siya Kagandahan.Hindi rin naman siya Maputi o Maganda ang Katawan.Pero parang na Love at First Sight ako sakanya...

"YAZZER!"

Ngayon lang nangyari ang Ganitong pagtibok ko ng Puso.Natigilan lang ako nang may humawak sa balikat ko mula sa Likod tinignan ko kung sino yun at si Darwin.

"Yaz,Tara na." Tumango ako sakanya at Binaling ko ulit ang tingin ko sa babaing yon kaya lang bigla siyang nawala na parang bula.

"Sana magkita ulit kami." Bulong ko.

"Ano yun?" Nakikinig parin pala 'tong mokong na 'ito.Buti na lang hindi niya narinig.

"Wala!Sabi ko Malalate na tayo." Pagsisinungaling ko.

Pumunta na kami sa First Class namin.Mamaya na lang daw sa Second Class kaklase daw namin yun.

Hanggang matapos ang First Class pumunta na kaagad kami sa Second Class.Hindi kasi ako nakapasok ng Isang Linggo dahil may pinapagawa sakin si Mom sa Kumpanya kaya ngayon ko lang siya Makikita.

"Pre,Dun tayo sa Pwesto niya." Turo ni Nathan dun sa Pwesto ng Babaing nakayuko.Siya na siguro yun at Sakto pa dahil wala siyang katabi. Pinalibutan namin siya.So,Siya yung pagitan ni Nathan at ni Darwin. Habang kaming tatlo nasa Likod.

Napatingin samin yung Babae..
Siya.Siya yung babaing nagpatibok ng Puso ko.Small World nga naman.
Hindi ko alam kung ano na iniisp nila kung nababaliw na ba ako o Ano dahil nakangiti ako habang nakatingin sa Sahig.

Hindi pa kasi ako makapaniwala na siya yung Pagtri-tripan namin at siya naman ang nagpatibok ng Puso ko.

****
Leslie' P.O.V

Naramdaman ko na may umupo sa Tabi ko.Take note hindi isa o Dalawa kundi Lima.Tinignan ko kung sino ang umupo.Laking gulat ko dahil sila
Nathan ang Umupo.Pinlibutan pa nila ako ah.

Nasa Pagitan ako ni Nathan at Yazzer.
Habang ang Tatlo nasa Likod.

Simula nang umupo ang lima kanina hindi na nila ako tinitigilan sa Pangungulit pati narin si Yazzer.
Kahit may Prof na wala parin silang Pakialam kung sabagay Anak nga naman ng may ari na 'ito si Nathan.
Pero kahit na.Mapa Kaliwa man o Kanan kahit sa Likod ko meron paring nangungulit.Gusto kong Mag focus sa Tinuturo ng Prof kaso ayaw malas talaga sobrang ingay nila lalo na si Nathan.Kabanas.

Natapos ang Dalawang Oras kong Pagtiiis na Huwag silang Patulan dahil Babaliktarin lang din naman nila ako eh.Sa Lahat ba naman na iinisin nila ako.Ako naman 'tong sira na Inis na inis habang sila Masayang Bwisitin ako.

Ay!Alam ko na...Wag akong magpapakita ng Reaksyon sa tuwing Aasarin nila ako.Tama ganun nga Talino mo talaga Leslie.

****
Nandito kami ngayon sa Canteen.
Lunch Break na naman kaya Nagsabay sabay kaming kumain ni Jazz at Alex.

Habang iniintay namin ni Alex si Jazz.
Si Jazz na kasi ang nag volunteer na umorder ng Pagkain kaya.

May Lumapit samin na mga Lalaki.
Hindi ko nakita ang mukha nila dahil naka yuko lang ako habang may sinusulat.

"Pwede ba kaming maki upo?" Inangat ko ang Ulo ko dahilan para mainis ako sila na namang Lima.

"Tandaan mo Leslie,Wag kang magpapakita ng Reaksyon sa kanila dahil Lalo kalang nila Aasarin."
Huminga ako ng Malalim.

Linubot ko ang paningin ko sa Canteen.Puno na at Wala nang ma uupuan maliban na lang sa Table namin kaya No Choice.

"May magagawa paba ako?"

"Meron,It's Either na Papaupuin mo kami o Papaalisin." Ako ba ginagalit nito?Huminga ako ng malalim.
Mag sasalita na sana ko nang magsalita si Yazzer.

"Bakt ba ang hilig mo huminga ng malalim?May sasabihin kabang Ikakabigla namin?" Sira ulo rin pala 'tong si Yazzer.Inirapan ko siya.

"Oo,Pinapapili niyo ko kaya Ang pinili ko Lumayas kayo sa Harapan namin."
Sarkistong sabi ko sakanila.

"Well..Uupo parin kami." Bwisit.

"Bakit niyo pa ba kami tinanong eh. Sa ayaw o sa gusto namin Uupo rin pala kayo." Hindi ko na napigilan ang sarili ko.

"Wala lang." Umupo silang lima sa Harapan namin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 09, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ms,Probinsyana Meets Mr,Maynila (Good Vs Bad)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon