Aswang Part 1

135 1 0
                                    

Nangyari ito noong ako ay dalagita pa kung saan ako ay hindi paniwalain sa mga kasabihan ng mga matatanda

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nangyari ito noong ako ay dalagita pa kung saan ako ay hindi paniwalain sa mga kasabihan ng mga matatanda. Ang aming bahay ay nakatayo sa lupa na pag-aari ng aking tiyahin. Nang magkaroon ng widening ang Paaralang Elementarya sa aming lugar ay tinamaan ang lupang kinatitirikan ng aming tahanan kayat napilitan ang aking tiyahin na ibenta ang lupa at dahil sa wala pa kaming nahanap na malilipatan ay pansamantala kaming nanirahan sa classroom na hindi na ginagamit sa Paaralang Elementarya na aking tinuran. Ang Classroom ay nasa bungad ng kalsada, may mababang bakod na hanggang balikat ko, ako ay may taas na 5 feet noong panahong iyon. Dalawa ang pintuan nito, isa na nakaharap sa kalsada at isa may dakong likuran, sa loob na ng School Building, halos magkatapat ang pintuang iyon. isang gabi, nakaramdam ako ng matinding pananakit ng ngipin. Iyak ako ng iyak, hindi lang basta pag-iyak, humahagulgol na halos ako kaya't ako ay sinaway ng aking ina habang sinasabi na tumigil na raw ako sa pag-iyak dahil mayroon daw syang naririnig na Tiktik. Ang aking ina, ama at mga kapatid ay natutulog sa dulo ng kuwartong iyon sa may tabi ng pintuan na ang labasan ay sa loob ng School Building habang ako naman ay natutulog sa dulong pinto na ang labas naman ay sa may kalsada. Katabi kong matulog ang aking alagang tuta na nakatali sa paa ng sofa. Ang Tiktik na sinasabi ng aking ina ay isang uri ng ibon na kapag humuni ay nangangahulugan na mayroon daw aswang sa malapit. Kapag ang ibon daw na ito ay narinig mong malapit sa iyo, nangangahulugan na ang aswang ay nasa kabila ng kinalulugaran mo. Ang huni ay narinig ng aking ina malapit sa kanila. Hindi ko binigyan ng pansin ang sinabi ng aking ina at dahil sa labis na pananakit ng aking ipin ay tumayo ako at binuksan ang pintuan ng kasalukuyan naming tirahan, ang oras ay alas-dose ng hatinggabi...

Aswang???Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon