Aswang??? Part 2

40 0 0
                                    

      ... Ang aking alagang tuta ay ungol ng ungol at paikot-ikot sa paa ng sofa na kanyang kinatatalian kaya't halos mabuhol na ang pagkakatali nito. Lumabas ako ng pintuan at tumabi sa bakod, ang pagitan ng bakod at pintuan ay isang dipa lamang. Gumawi ako sa bandang kaliwa at tinanaw ko kung bukas pa ang tindahan sa tapat at balak kong bumili ng gamot panlunas sa aking nararamdaman subalit sarado na at halos wala nang mga taong dumadaan. Patuloy pa rin ako sa aking pag-iyak ng mapansin kong may lalaki na nakaupo sa bakod sa gawing kanan na aking kinatatayuan. Bigla akong kinabahan. Ipinaling ko sa ibang direksyon ang akingmukha subalit sa sulok ng aking mata ay pilit kong inaaninag ang taong iyon. Maya-maya ay bumaling sa akin unti unti ang lalaking iyon at halos himatayin ako sa takot ng makita ko na pulang pula at walang kaitiman ang mata ng lalaking iyon. Hindi ko na alam kung paano ko pa nagawa ang mga sumunod na pangyayari...

Unti-unti akong humakbang paatras papasok ng pinto(nakabaling pa rin ang aking mukha paiwas sa kanya), isinara ko ito at pumasok sa kulambo at nahiga. Ipinikit kong mabuti ang aking mga mata at nakiramdam. Maya-maya ay huminto na sa pag-ungol ang aking tuta at humiga na rin. Hindi ko na alam kung ako ay nakatulog o nahimatay dahil sa sobrang takot basta ang alam ko nang magmulat ako ng mga mata ay sikat na ang araw. Doon ko lang naikuwento sa aking pamilya ang mga nangyari ng gabing iyon. Simula noon, hindi na ako nagpawala ng gamot sa aming bahay at ipinabunot ko na ang aking sirang ipin dahil ayaw ko nang maulit ang pangyayaring iyon.

Kayo na ang humusga, Tao ba iyon o Aswang???

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 07, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Aswang???Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon