#5

0 0 0
                                    

----------------------ANG MASAMANG BALITA------------------------------
.
.

kumiriring ang telepono nang madaling araw....

...

"hello, Master Carlos? si Arnaldo po ito yung katiwala niyo sa bahay-bakasyunan niyo."

"oh Mr. Arnaldo, ikaw pala. ano't napatawag ka? may problema ba?"...

"uhmm, napatawag lang po ako para abisuhan kayo na namatay ang alaga niyong parrot."

"'yung parrot kong si Pikoy, patay? yung nanalo sa bird show?

"opo, Master Carlos, yun na nga po."

"Putris ... sayang! ang laki pa naman ng nagastos ko sa ibong yon.
hay buhay! teka, ano nga ba ang ikinamatay niya?"

"eh kumain po kasi ng bulok na karne...."

"Bulok na karne? at sino namang salbaheng tao ang nagpakain sa kanya ng bulok na karne?"

"w-wala po. nanginain po siya ng karne ng isang patay na kabayo."

"patay na kabayo? anong patay na kabayo, Mr Arnaldo?"

"eh yun pung mga thoroughbred horses niyo Sir! namatay po kasi lahat sila sa pagod, kahihila ng kariton ng tubig."

"nasisiraan ka na ba ng bait? anong kariton ng tubbbiiiiggggg?"

"'yun pong pinampatay namin ng sunog."

"diyos ko po! anong sunog naman yang pinagsasasabi mo?"

"'yun pong halos tumupok sa bahay niyo.. tumumba po yung isang
nakasinding kandila, tapos nagliyab 'yung kurtina at mabilis na kumalat ang apoy...."

"ano? ANAK NG TIPAKLONG!! eh may kuryente naman diyan sa bahay-bakasyunan ah.. para saan yung kandila?"

"para sa burol po."

"Burol? anung burol naman ang sinasabi mo ngayon?"

"burol po ng nanay niyo,dumating po siya nung isang gabi na walang pasabi, akala ko po magnanakaw, kaya pinagbabaril ko po"

SHort  story Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon