Blue Ephemeral

1.2K 77 38
                                    

Blue Ephemeral
written by astralking
(chisenpai)

~*~

Life is an open door, people will come and people will go, expect that when you welcome someone wholeheartedly that won't mean they will be permanent—the only permanent will be the scars that they'll leave, because sometimes they are temporary and are bound to leave you, when that happens, let them. Someone better will come, someone more worth it.

Life is a coin with two sides, there will always be the heads and tails, exits and entrances, the ups and downs, life is like love as well. Every sides have their opposite and it is up to you to take risks and gamble, the more you invest the more pain that you receive but if the outcome is otherwise then more happiness comes back, if you invest less then you will be safe from all the pains but that means risking your relationship as well.

Either way, someone will get hurt in the relationship. Someone will hurt less, someone will hurt more.

When you love, you are letting the person to have the power to hurt you and make you happy. But never mistaken love as pain, because love does not really hurt, only pain does. And pain is only temporary. Tulad mo.

Sa tuwing nagbabalik tanaw ako sa nakaraan ikaw lagi ang sumasagi sa isipan ko, the only man who was able to melt my ice-cold heart, the only man who came into my life and gave meaning to it. The only man that I truly loved more than anything else, more than myself.

Naalala ko pa rin ang kwento ng nakaraan, kung paano tayo nagsimula at kung paano tayo nagtapos...

"Damien! Give me back my bra!" I still remember how much of a jerk you are, na lagi mo akong pinaglalaruan ng mga pranks ko, syempre ako naman ay laging nahuhulog doon, magagalit at tuwang tuwa ka naman kapag nakikita mong galit na talaga ako. Ganun kang klase ng lalake at isa na rin yon sa mga bagay na nagustuhan ko sa yo.

Winagayway mo pa ang bra ko sa at nagtangkang lumabas sa tent, naalala mo pa ba noong may school trip tayo papunta sa bundok para mag-camp ng tatlong araw? Wala talaga akong ideya kung paano napunta sa kamay mo ang bra ko.

"Habulin mo ako Danielle!" Natatawang saad mo habang binebelatan ako at nagfa-funny dance, ikaw yong tipo ng lalake na masiyahin. Sa sobrang pagkamasiyahin mo ay nahahawa na rin ako.

"Alam mo bang bawal ang boys sa girls' tent?!" Namumulang sagot ko, "ibalik mo ang bra ko!"

Sa halip na ibalik mo ay nilagay mo sa bulsa mo ang bra ko at nagmadaling lumabas sa tent. Nakakahiya naman kung may iba pang makakita kaya hinabol kita, hinabol kita hangga't sa napagod ako, hinabol kita hanggang sa unti unti kong naramdaman yong pagkirot ng puso ko. Nakalimutan kong bawal pala akong magpagod. Nakalimutan ko at ang kalabasan? Kapag humihinga ako ay kumikirot ng sobra ang puso ko, para bang may nakabara sa baga ko, sobrang hirap kong huminga.

Napaluhod ako sa damuhan kasabay ng pagpanik ng mga kapwa kaklase natin, biglang nagkaroon ng mga itim na tuldok ang paningin ko, at bago nandilim ang paningin ko ay ikaw ang huling nakita ko.

Hindi ko alam na yon na pala ang huli nating pagkikita.

Nalaman ko na lang noong nagising ako na sinisi mo ang sarili mo, sinisi mo ang sarili mo hanggang sa punto na hindi ka na nagpakita sa akin, nawala pati anino mo, bigla kang nawala. Habang ako? Nakulong sa hospital, hindi na pinayagan pang umuwi kasi malala na ang kondisyon ko, kailangan kong maobserbahan, kailangan kong magpa-chemotherapy.

Dalawang buwan ang makalipas at bumalik ka, bumalik ka at syempre tuwang tuwa naman ako, pero sorry kasi kailangan mo pang pumunta sa hospital para makita ako, alam ko naman kung gaano mo kinasusuklaman ang ospital kasi halos lahat ng mga minahal mo ay dito pumanaw.

Araw araw mo akong dinadalaw, tinatanong mo sa akin kung may gusto ba ako para bibilhin mo, kasabay ng paglipas ng oras ay ang paglala naman ng kondisyon ko, unti unti akong nanghina hanggang sa hindi na ako makatayo, naging baldado ako, hindi ko na maramdaman ang mga paa ko. Naging sobrang payat ako. Unti unting nalalagas ang buhok ko.

"Kaya mo to. Magtiwala ka." Yon lagi ang sinasabi mo sa mga araw at gabi na nahihirapan akong huminga kaya kinailangan kong mag-nebulizer, hahawakan mo ang malamig na kamay ko at pipisilin ito. Ikaw lagi ang nasa tabi ko sa tuwing kinailangan ko ng karamay at magpapalakas sa loob ko.

Isang araw pa ay biglang bumaba ang platelets ko hanggang 1, akala ko mamamatay ako kasi hindi ko na kinaya pa yong sakit ng katawan ko, pero pinalakas mo ang loob ko gaya ng lagi mong ginagawa, nagdasal ako at mukhang sinagot ng Diyos, bumalik sa normal ang platelets ko.

Hindi ko namalayan na unti unti na pala kitang minahal, unti unti akong nahulog sa yo. Pero alam ko naman na sa ganitong lagay ko ay hindi pwede kaya sinarili ko na lang lahat, sapat na sa akin na araw araw mo akong binisita. Araw araw kang nasa tabi ko.

Hanggang sa isang araw ay bumisita ka na may kasamang babae. Isang magandang babae. "Danielle, si Chelsea. Girlfriend ko." Nakangiting saad mo sa akin. Kumaway ang girlfriend mo sa akin, ngumiti lang ako dahil masyado akong nawalan ng lakas dahil sa nalaman ko.

"I'm happy for you." Mahinang saad ko, gusto kong umiyak pero walang luhang lumalabas, gusto kong ngumiti ng totoo pero ayaw gumalaw ng labi ko, naging blangko ang ekspresyon ko.

Simula noon, unti unti kang nawalan ng oras sa akin, bigla kang nawala sa mga oras na kinailangan kita sa tabi ko para palakasin ang loob ko, siguro kasi kasama mo ang girlfriend mo. Sino nga ba naman ako? Wala naman akong karapatan para pilitin kang bumisita, nasa yo ang desisyon.

Naging madalang na ang pagbisita mo, yong dating araw araw naging isang beses lang bawat linggo, hanggang sa tuluyan ka nang hindi bumisita. Mukhang nakalimutan mo na ako.

Ang sakit lang talaga. Mas masakit pa kesa sa sakit ko. Nagdasal ako sa Diyos, pagod na ako Lord. Kunin Mo na po ako. Hindi ko na kaya, sapat na yong sobra sobrang paghihirap ko.

Gusto ko nang magpahinga, pagod na akong nakikipaglaban sa leukemia ko. Pagod na akong nasasaktan. Pagod na akong nagmamahal ng pasikreto. Pagod na akong magpanggap na kaya ko pa kahit sa totoo ay hindi na. Nagdasal ako nang nagdasal. Lord, please let me rest and sleep. Kunin mo na po ako.

Pero hindi Niya ako kinuha. He didn't.

***

Blue EphemeralTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon