Copyright © AMYUZMAN
(Amy de Guzman)
2016
All rights resevedKABANATA 18.5
"Si Dark di umano ay isang lalaki na isandaang taon nang buhay. Imortal siya sapagkat ang buhay niya ay hiram sa demonyo. Nahuhumaling siya sa mga kababaihang nagngangalang Rose kung kaya't pinadadalhan niya ito ng mga itim na rosas at pinapatay ang mga lalaking makakarelasyon nito. Ginagawa niya lamang iyon sa mga dalagang malapit nang magdisi-otso. Pero ang nakakapagtaka ay natigil daw ito dalawampung taon na ang nakalilipas."Kumunot ang noo ni Rose sa isinalaysay ni Roby. Kung tumigil na ito, bakit nakatatanggap siya ng mga rosas nitong mga nakaraang linggo lamang?
"Sinasabing may kakambal daw itong si Dark at iyon ay si Marcus-- ang natatanging lalaki makatatalo sa kaniya. Subalit ang Marcus na ito raw ay umanib na sa kaniya dahil sadyang napakamakapangyarihan niya."
Nanlumo si Rose dahil talagang wala na silang ligtas.
"Kaya... ang natatanging paraan na lang upang masupil na ang kasamaan niya ay ang ialay ang nag-iisang anak na babae ni Rosenda, ang babaeng labis niyang minahal."
Sana ay mali ang nasa isip ngayon ni Rose. "Sino'ng Rosenda?"
"Rosenda David." Doon ay tila mas lalong gumuho ang mundo ni Rose.
---
Lingid sa kaalaman ng lahat, ang lalaking kilala nila sa pangalang Dark ay si Marcus pala.
Naroroon ngayon si Marcus sa loob ng isang silid na may isang trono na nakapwesto sa unahan. Nakaupo roon ang kanyang kapatid.
"Kumusta, mahal kong kapatid?" Bati sa kaniya ni Dark-- ang tunay na Dark. Seryoso niya lang iyong tinignan. "Kumusta ang ipinagagawa ko sa iyo? Nahuli mo na ba ang loob ni Rose David?"
"Oo."
"Mabuti naman," nakangiti nitong turan. "Kung gayon ay nasaan siya?" Wala kasing ibang makita si Dark sa likuran ni Marcus.
"Wala siya e," tipid na wika ni Marcus. "Pero may surpresa ako sayo." Saka lamang niya inilabas ang isang malaking itim na rosas na nakahanda na upang ipangtirador kay Dark.
Nagtaka siya nang tila hindi nagulat ang kaniyang kapatid sa kaniyang ipinakita, bagkus ay natawa pa ito.
"Ibang klase ka talaga, Marcus," umiiling-iling na wika nito. "Sa tingin mo ba ay hindi ko alam ang pinaplano mo?"
May isinenyas si Dark sa kung saan kaya't bigla na lamang nagsilabasan ang mga halimaw mula sa iba't ibang bahagi ng lugar na iyon. Nakasuot ang mga ito ng itim na damit gaya ng kay kamatayan at kapansin pansin din ang mga hawak nitong pana na lahat ay nakatutok kay Marcus.
Tumayo si Dark sa kaniyang trono at nilapitan si Marcus. Agad niya itong sinikmuraan. Napaluhod naman agad ito sa sakit. Agad na kinuha ni Dark ang hawak nitong rosas at ipinahuli sa kaniyang mga alagad.
Habang nakakulong si Marcus sa isang madilim na silid ay naalala niya ang kasunduan nilang magkapatid.
FLASHBACK
"Kailan mo ba ititigil ang kasamaan mo, Dark!? Kulang pa ba ang ginawa mo sa mga magulang natin?!" Nanggagalaiting sigaw ni Marcus sa kaniyang kakambal. Lalo kasing sumama ang ugali nito matapos ipagpalit ni Rosenda.
"Kapag nakuha ko ang nais ko."
"Ano pa bang nais mo maliban sa bu--"
"Ang anak ni Rosenda David, si Rose David."
"Nais mo bang dalhin ko siya rito para matapos na ang kahibangan mo!?"
"Oo."
Gumawa ng paraan si Marcus upang makuha si Rose. Pinadadalhan niya ito ng mga rosas at maging ng liham noong araw ng mga puso. Dark na ginamit niyang pangalan upang kahit papaano ay maging handa ito sa pagharap sa kaniyang kakambal.
Lagi niya ring sinusundan ang dalaga. Nguni't habang tumatagal ay hindi niya inaasahang mamahulog ang loob niya rito. Subalit kinumbinsi niya ang kaniyang sarili na nadadala lamang siya ng labis nitong kagandahan.
Hindi naglaon ay tila nasasaktan siya tuwing kasama nito ang nobyo nitong si Roby. Lalo siyang nainis sa lalaki nang mahuli niya ang mga itong naghahalikan. Dulot ng labis na galit ay pinana niya si Roby ng itim na rosas.
Nakiusap din si Marcus sa kapatid na si Dark na kontrolin ang utak ng principal sa pinapasukang paaralan ng dalaga upang magawa nila ang kanilang plano.
END OF FLASHBACK
Naisakatuparan nga niya ang hinahangad at nakapasok sina Rose sa mundong likhang-isip lamang ni Dark.
Subalit, sa hindi malamang dahilan ay bigla na lamang nagbago ang kaniyang isip. Ayaw na niyang ituloy ang binabalak lalo na ng malaman ang kahahantungan ng dalaga.
Hindi pa naman huli ang lahat. Bale, may dalawang paraan, yon ay kailangan lamang nilang sundin ang nag-iisang patakaran ng larong pinasok nila-- ang sundin ang nilalaman ng iyong puso upang makontra ang kapangyarihan ni Dark...
...at ang isa sa mga iyon ay nakadepende na kay Marcus kung kaya niya iyong gawin.
[ITUTULOY]
__________________________________________________________________________________________________
Nalalapit na ang pagtatapos.
Abangan ang dalawang huling kabanata.
![](https://img.wattpad.com/cover/62494142-288-k627596.jpg)
BINABASA MO ANG
Black Rose (A Dark Valentine Story)
TerrorKanino nagmumula ang mga bulaklak na natatanggap mo?