Dear Shell,
Hi shell ko. Kamusta na? Ilang buwan na rin ang nakalipas simula noong huli kitang nakausap. Lagpas isang taon na simula noong umalis ka. Hindi na kita nakakasama. Hindi na kita nakikita. Alam mo kung anong masaklap? Huli mong message sa akin ay "Dylan, mamimiss kita." Walang araw na hindi kita tinext at tinawagan noong sinabi mong magbabakasyon ka lang. Araw-araw pa rin kitang minemessage sa Facebook kahit na ang tanging napapala ko lang lagi ay 'seen'. Sobrang nagpapasalamat ako kay pareng Mark Zuckerberg. Alam mo kung bakit? Inimbento niya ang 'seen' at dahil doon, nalalaman mong may pakialam pa rin ako sayo kahit na iniwan mo na ako. Ano kayang nararamdaman mo kapag nababasa mo ang mga messages ko? Namimiss mo kaya ako? Parang kahit saan ako lumingon, naaalala kita eh. Kung minsan nga, napapangiti pa akong mag-isa sa tuwing naaalala ko yung mga araw na masaya ako kasi kasama kita.
Ang hirap pala talaga. Nasa hilaga ako. Ikaw naman nasa timog. Sobrang lapit natin no? Sana masaya ka ngayon dyan. Ngumingiti ka pa rin ba tulad ng matamis na ngiti mo noon dito sa Manila? Alam mo, sobrang namimiss na kita. Kung pwede lang talaga, pupuntahan kita dyan. Alam mo bang sinubukan kong mag-ipon para makapunta sa Davao. Sa halip na pangcomputer ko, idinadagdag ko nalang sa ipon ko. Talagang determinado ako. Nilapitan ko na rin lahat ng kaibigan ko. Gustong-gusto kitang makita at makasama.Makita lang kita ulit, masaya na ako. Pero umaasa ako sana mayakap kita pag nakita ulit kita. Sana mahal mo pa ako. Sana walang nagbago. Sana akin ka lang. Sana ako pa rin. Kasi hanggang ngayon, ikaw pa rin. Pinilit kong magmahal ng iba. Kaso, di talaga kaya ng puso ko. Hindi ko magawang kalimutan ka. Hindi ko pa rin matanggap. Paano kaya kung isang araw, nalaman mong hindi na ikaw at iba na ang mahal ko? Masasaktan ka kaya? Kasi ako, oo. Niloloko ko na nga puso ko, pinaglalaruan ko pa damdamin ng ibang tao. Gusto ko sayo lang ako. Ikaw lang mahal ko. Ikaw lang.
Walang araw na hindi ko tinignan ang wall mo sa facebook, instagram at twitter. Para hindi man kita nakakausap at nakakasama, okay na sa akin yung makita ka sa pictures. Kapag wala akong ginagawa, paulit-ulit kong tinitignan ang photos natin. Hanggang like nalang ako ngayon ng pictures at status mo sa facebook. Kung minsan, hindi ko maiwasang mag-comment kapag sobrang nagagandahan ako sayo. Sana nung ni-like mo ang comment ko, sana ganun din sa nararamdaman ko para sayo.
Alam mo ba, may nakilala ako. Si Lily. Dancer din siya tulad mo. Naging magkaibigan kami hanggang sa naging close kami. Pati sa kanya, naaalala kita. Sa tuwing magkasama kami, iniisip kong sana ikaw nalang siya. Lagi kitang nakikita sa kanya. Parehong-pareho kayo. Cute. Mabait. Dahil doon, di ko namamalayang nagkakagusto na pala ako sa kanya. Dumating sa puntong nanligaw ako sa kanya. Sobrang swerte ko. Alam mo kung bakit? Iniwan din niya ko tulad mo. Binitawan ng pangako pero pinako sa dulo.
Nakatadhana ba talaga akong iwan o ikaw ang tadhana kong nang-iwan? Sinubukan ko ulit. Baka kung sakali, makalimutan na kita ng tuluyan. Pero natatakot ako. Uso kasi friend-zone ngayon eh. Sobrang close ko pa naman siya. Sa totoo lang, kaibigan mo rin siya. Kaibigan mo na baka kung sakaling maging ka-ibigan ko. Nilakasan ko loob ko. Umamin ako kay Kitlin. Akala ko tuluyan na akong magagalit kay Kupido. Pero sobrang saya ko.
Ang sarap kasi sa feeling na may nagmamahal pabalik sayo. Yung tipong hindi ka pinapaasa sa wala. Hindi ka pinaglalaruan. Hindi ka iiwan. Hindi ka pinapaluha. Kuntento sa isa. Mayroong tiwala. Pinapasaya ka. Pinaparamdam sayong mahalaga ka. Hindi ka sini-seen lang. Hindi ka dinidedma. Yung may pake sayo. Yung hindi pababayaang masaktan puso mo. Yung nag-aalala palagi sayo. Higit sa lahat, hindi ka magagawang iwan.
We're almost 3 months pero iniisip ko pa ring sana ganun ka rin katulad niya. Ilang lalaki na ba ang pinaasa at iniwan mo? Siguro, isa lang ako sa biniktima mo. Sana hindi mo ako sinayang. Sobrang swerte ko kay Kitlin pero siya, naaawa ako sa kanya. Alam mo kung bakit?
Kasi mahal pa rin kita.
Ang hirap mong kalimutan. Hindi ako makausad. Kahit anong gawin kong limot, bumabalik lang sa dati. Naaalala pa rin kita. Lagi kong nakikita mukha mo sa isip ko. Parang may magnet sa puso. Kahit gusto ko ng lumayo, dumidikit pa rin sayo. Ano bang meron sayo? Bakit ang hirap mong kalimutan? Kasi siguro, pinanghahawakan ko pa rin yung pangako mo. Nangako ka eh. Nangako kang babalik ka. Nangako kang hindi mo ako ipagpalit sa iba.
Umaasa pa rin ako na babalik ka. Tanga na kung tanga, basta mahal pa rin kita. Kada gising ko sa umaga, umaasa akong pagbukas ko ng cellphone ko, makikita ko ang text mo na mayroong I Love You sa dulo. Kaso wala eh. Hanggang asa lang ako.
Maniniwala ka ba pag sinabi kong alam ni Kitlin na rebound girlfriend ko lang siya? Ipinagpatuloy pa rin niya. Handa daw siyang tulungan akong lumimot sayo. Titiisin daw niya lahat. Kung pwede nga lang daw makuha lahat ng sakit na nararamdaman ko, kinuha na niya.
Hanggang sa naglimang buwan, sumuko ako. Hindi ko kayang makita na may nasasaktan dahil may nasasaktan. She deserves to be happy. Pinag-usapan namin lahat ng maayos.
Sabay kaming bumitaw
BINABASA MO ANG
Unsent Letter
RandomWhile I'm waiting for her to come back, I wrote a long message about anything I wanted to say but I didn't send it for a reason.