I didn't send it because I realized something.
Gumising ako na parang may kakaiba. Parang may nagbago.
Bumangon ako. Ginawa ko kung anong nakasanayan ko.
Nag-online ako sa facebook at dumiretso sa timeline mo. Tinignan ko mga pictures mo.
I feel nothing.
Hindi na tulad ng dati. Yung tipong mag-oonline palang ako, nakangiti na ako hanggang sa pag tinitignan ko na pictures mo, halos mapunit na ang labi ko. Pero bakit ganon? Wala akong nararamdamang tuwa, excitement, o kilig.
Napag-pasyahan kong tumingin nalang sa newsfeed ko. Nakakatawa lang. Bumungad sa akin ang mukha niya. Nag-post siya ng selfie with caption na puro masasayang emoticons. Sa status man o personal, lagi pa rin siyang nakangiti. Kakaiba talaga tong babae na to. Nagpakulay pala siya ng buhok. Naalala ko tuloy yung lagi kong tawag sa kanya 'bilog'. Ang cute niya kase. Ang taba ng pisngi.
Napatigil ako. Ako? Tinititigan ang picture niya? Seryoso ba to? Tapos nakangiti pa ako. Nasisiraan na ata ako.
Fudge.
Birthday niya pala ngayon.
Binitawan ko na ang phone ko at kumilos na. Di ko alam kung bakit ako natataranta. Biglang lumamig kamay ko. Todo ayos pa ako ng buhok ko.
"Good afternoon po sir, ano pong sa inyo?"
"Kahit kailan naman walang naging akin..."
"Sir?"
"Uhm, 1 gallon ng ice cream.. vanilla flavor."
"Ito po sir. Your change, 200 and 25 pesos."
Pagkatapos pumunta ako sa convenience store.
"5 toblerone, 5 goya, 5 meiji, 5 dairy milk. 476 pesos po lahat sir.."
Last station ---> McDonald's
Syempre french fries, hindi ko makakalimutan yon. Ang cute niya pa naman habang kumakain non.
Nanginginig yung kamay ko tapos sobrang lamig. Mas malamig pa ata kaysa sa ice cream na dala ko.
Kanina pa ako nakatayo dito sa pintuan. Parang may kakain sa akin pag kumatok ako.
Kakatok na sana ako ng biglang "Dylan?"
"Hi..." yung ngiti ko parang pang grade 1. Pacute.
"Bakit nandito ka?" Parang maiiyak na siya.
"Uhm.. uhm... h-happy birthday" pinilit ko ulit ngumiti.
Niyakap niya ako bigla. "Namiss kita Dylan.. mahal pa rin kita.."
"I love you too.... Kitlin"
BINABASA MO ANG
Unsent Letter
RandomWhile I'm waiting for her to come back, I wrote a long message about anything I wanted to say but I didn't send it for a reason.