NAPAMAANG si Bearlan nang makita niya si Jullie Anne at humalik ito sa kanya. Dumating na pala ang dalaga.
Awtomatikong napatingin siya sa kotseng maghahatid kay Tiffany. Pero wala na ang kotse. Abut-abot ang dasal na lang niya na sana.. na sana hindi iyon nakita ni Tiffany.
Nangati tuloy siya na habulin ang nobya.
Naramdaman niya ang bahagyang tapik ni Rick sa balikat niya, napatingin siya sa kaibigan at umiling ito sa kanya. Naintindihan naman niya agad ang nais ipabatid sa kanya ni Rick.
"How are you, Tita?" Nagbesa-beso rin si Jullie Anne sa mommy niya.
"I'm good, hija. Kailan ka pa bumalik? Akala ko matagal ka pa doon?" nasurpresang tanong naman ng ina.
"Last night lang po, Tita. At buti naman po at bumalik na rin dito si Bearlan." Matamis na matamis ang naging ngiti ni Jullie Anne nang sulyapan siya.
Sinuklian lang niya iyon ng tipid na ngiti at pumamulsa. Si Tiffany pa rin ang laman ng isip niya. Sana okay lang ang kanyang mahal. Sana makauwi ito ng maayos. Mamayang gabi ay pupuntahan niya ito.
"Oo nga. Pinagtatagpo talaga kayo ng tadhana. Let's go inside, hija. Do'n tayo magkwentuhan sa loob."
"Okay po, Tita."
Pinatiuna nila ni Rick ang dalawang babae na pumasok sa loob ng bahay. Sinamantala nila iyon na magkaibigan upang makapag-usap.
"Sa tingin mo, ayos lang kaya si Tiffany, dude? Kinakabahan ako."
"Gusto mo sundan ko siya? Pansin ko nga na na hindi siya okay? Napansin mo ni hindi siya nahilo sa chopper kanina?"
Napakunot-noo si Bearlan at napa-oo nga siya sa loob-loob niya. Bakit hindi niya napansin 'yon?
Mas tumindi ang pangamba niya sa dibdib para sa dalagang minamahal.
"Mukhang may mali nga, dude."
"So, susundan ko?"
"Okay lang ba sa 'yo?"
"Oo naman.""Thanks, Dude. Call me immediately kapag nakita at nakausap mo siya."
Rick nodded at umalis na.
"Saan pupunta si Rick?" tanong ng boses ni Jullie Anne sa likod niya. Bumalik pala ang dalaga sa labas.
"Uuwi na raw," pagsisinungaling niya.
"I see," tipid na reaksyon ng dalaga. "Kung gano'n ay tara. Let's go inside, Bearlan. I have something important to say to you."
"What is it?"
"Bastab at sigurado akong matutuwa ka." Jullie Anne smiled, a weird smile.
Kibit-balikat siyang sumunod sa dalaga.
•••
"PO?" takang-taka si Rick nang makausap niya ang Lola ni Tiffany.
"Bakit ngayon na ba siya uuwi, iho?" Nagtaka na rin ang matandang babae.
"Opo, kasi ipinahatid na siya rito kanina, Lola."
Napaisip na talaga si Rick. Dapat ay dumating na si Tiffany doon sa bahay nila pero ang sabi ng matanda na lola ni Tiffany ay wala pa raw Tiffany na dumadating.
"Wala pa talaga siya," giit ng matanda.
Nahimas ni Rick ang bunganga. At sa isip-isip niya'y, "Hindi 'to pwede. Saan dinala ni Madam Amelia si Tiffany?! Sh*t!"
Agad niyang idinayal ang numero ni Bearlan. Kailangang malaman 'to ng kaniyang kaibigan.
•••
"KUYA, pakisabi na lang sa lola ko na alagaan niya ang sarili niya at... at huwag na niya ako hintayin kasi matatagalan pa ang uwi ko." Tigmak ng luha ang mga mata ni Tiffany habang nagbibilin siya sa driver na siyang nagsabi sa kanya na ngayon na mag-uumpisa ang hindi niya pwedeng pagpapakita kay Bearlan. Binigyan din siya ng maraming pera. Gagastusin niya raw sa probinsya kung saan siya itatago habang inilalakad ni Madam Amelia ang papeles daw niya patungong Amerika.
Nakiusap siya na sana makita man lang niya ang lola niya ngunit hindi pumayag ang Madam.
"Sige po, Ma'am," matipid na sagot sa kanya ng driver.
Humagulhol na siya ng iyak habang hawak ang makapal na sobre na kinalalagyan ng maraming pera at ng ticket niya sa bus papuntang probinsya.
"At pakisabi na rin po kay Bearlan na mahal na mahal ko siya." Gusto pa sana niyang idagdag sa bilin niya pero sinarili na lang niya iyon.
Hindi na mailarawan kung gaano kasakit ang nararamdaman ng kanyang puso sa ngayon. Sobra-sobrang sakit na.

BINABASA MO ANG
MY BEKI "KUNONG" BOSS (Tayo Na Lang, Puwede Naman)
RomanceNoong namatay ang mama niya, ipinangako ni Tiffany na makakatapos siya ng pag-aaral kahit na ano ang mangyari at sa kahit na anong paraan. Kung kaya't ginawa niya ang lahat para sana maituloy niya ang pag-aaral. Subalit ay sobrang nahirapan siya. Ha...