Part One - Life Span

49 4 0
                                    

'0009: 10 : 20 : 19 : 56 : 10'

Dumampi ang braso ko sa Braso ng katabi ko ng hindi sinasadya. Medyo matanda na.

Coffee Shop

Hindi ako narito para uminom ng mga Sosyal na mga inumin at pagkain. Partimer ako dito tuwing Tuesday to Friday.

Summer Vacation hindi dapat ako magsayang ng panahon para magkapera. Sa darating na pasukan 4th year College na ko kaya kailan kong makapag ipon para sa sarili ko.

Hindi sapat ang tulong na binibigay ng Uncle ko sa akin. Hindi naman sa nagrereklamo ako. Nakakahiya lang kung pati Baon at Makakain ko ay Sagot nya.

Unting panahon nalang din naman at maiaahon ko na ang aking sarili.

Lumaki ako ng walang mga magulang.

Ang Mama ko namatay. 10 years Old palang ako noon. Naalala ko pa noon yung mga numero na isinulat ko. Dahil nga sa kadahilanang lagi kong niyayakap ang Mama ko. Tinanong ko pa sya kung anong ibigsabihin nong mga numero...

"Hi Angelo!" Bati sa akin ng kaibigan kong si White.

Hilig talaga ng mokong na ito baguhin ang pangalan ko. Angel. Angel Wene ang pangalan ko.

"Hi Whity! Naglinis ka na?" Pang-aasar ko.

"Whity nanaman. Lalaki ako oy at Tao. Hindi aso." Sabi ni White. Pinanggigilan naman nya ang pisngi ko.

'0030: 11 : 19 : 18 : 40 : 55'

"Malapit ka ng mamatay mokong ka." Pang-aasar ko sa kanya.

Bumitaw naman agad sya sa Pisngi ko.

"Hala! ang bilis naman." Sabi nya. "Pero Angel, Ano? " Dugtong nya.

- - -

Alam ni White kung anong ibig sabihin ng mga numero. Naalala ko pa noon.

5 years Ago.

Ga-Graduate na kami ni White sa Highschool. Siguro panahon na para sabihin ko sa kanya yun. Tutal lahat ng sekreto nya nasabi na nya sakin.

"Angelo, Kain tayo sa labas. Libre ko." Sabi ni White.

"Sige ba." Sabi ko.

Ilang sandali lang ay may pusang lumapit sa amin at dumikit ito sa mga binti ko.

'0000 : 00 : 00 : 00 : 01 : 33'

Matamlay ang pusa at sugatan ito.

Bigla ay, naalala ko na sasabihin ko na kay White ang nakikita ko.

"Naku. Kawawa naman yung pusa. Sugatan ." Pag-aalala ni White. Binuhat nya ang pusa. "Angel. Gagamutin ko sya, kawawa naman mahina na sya." Dugtong nya.

"Mamatay na yung pusa." Sabi ko.

"Grabe ka naman. Kaya pa ito mailigtas." Sabi ni White.

"seryoso ako. Mamatay na sya." Sabi ko. Nakita ko may pagtataka sa mukha ni White.

CADUCITY : Cursed or BlessedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon