The Radio Caller

27 1 0
                                    


"Ang tanong ng ating texter ngayon, DJ Yana; ano po bang gagawin ko sa crush ko, minsan po kasi pinaparamdam niya na espesyal ako sakanya, minsan naman po ang cold nya. Dapat po ba akong umasa na may gusto din po siya sakin? From Dersy Anne ng Makati City."

"Okay, Dersy Anne, mauunang mag payo sayo si DJ Yana, ha."

Tumango ako kay DJ Arisa at in-on ko na ung mic ko.

"Good evening, Dersy Anne. I feel you...charot!" Napatawa ako sabay pindot ng isang recorded na reaction sa PC.

"Ay, totohanan na itu." Natatawang sabi ni DJ Arisa.

"Ehem. Wag mo kong ibuking..charot!" Nagtawanan kami ni DJ Arisa.

"Okay eto na. Una sa lahat, Dersy Anne, mali ang tanong mo. Ang tanong mo diba, 'dapat po ba akong umasa na may gusto din sya saakin?' Kasi umaasa kana eh. Diba? Aminin mo man o hindi umaasa ka na may gusto din sya sayo." DJ Arisa clicked the recorded reaction again.

"Ang maipapayo ko nalang sayo eh kalimutan mo na siya." I clicked the recorded reaction.

"Agad agad. Grabe siya." Komento ni DJ Arisa.

"Diba? Tama ako no. Kasi masasaktan ka lang sa huli. Paano kung wala naman siyang gusto sayo? At nami-misunderstood mo lang ung sinasabi mong pagtrato niya sayo ng espesyal minsan. Diba? Kalimutan mo nalang siya. Oo mahirap, pero para na din yan sa kaligtasan ng puso mo."

"Talaga nga namang may pinaghuhugutan ang ating pinakamamahal na si DJ Yana."

I smiled bitterly and clicked the recorded reaction bago i-off ung mic ko at humigop ng kape.

Nagpayo na si DJ Arisa ng masasabi niya para sa aming Sender ngayon gabi.

".....okay, DJ Yana, any last words para kay Dersy Anne?"

I turned on my mic."Basta Dersy Anne, eto lang ang maipapayo ko sayo. Ingatan ang puso ha? Bagama't parte ng paglaki ang pagkawasak nito, ingatan pa din dahil hindi madaling buuin ito pagkatapos nitong mabasag. Basta, wag mag aassume hanggat walang assurance~ okay?" I playfully sang the last sentence, "God bless and thanks for sending us your question. Sana may naitulong kami"

"Sa aming pagbabalik ni DJ Yana sasagot na kami ng tawag~. Wag mawawala dahil mag babalik ang dyosa at hugot queen na may pinagdadaanan ata na si DJ Yana~" she playfully smiled at me and clicked the recorded reaction

I smiled at her but did not react on what she said on air.

"Once again, 44-567-889 sa mga babae at.." sabi ni DJ Arisa

"44-535-764 naman sa mga lalaki~" pagpapatuloy ko.

"Damhin muna natin ang napakalamig na boses ni Daryl Ong.."

On cue sabay kaming bumirit..

"Why did you have to leave me~" at sabay kaming nagtawanan.

As I clicked the song,"Magbabalik po kami, Im DJ Yana"

"And I am DJ Arisaa~ I feel what you feel."

Nag off air na kami at nag simula nanamang tumugtog ung kantang relate na relate talaga sa kwento ng lab layp ko.

I removed my headset.

"Ang deep nung kanina ha!" Pabirong sabi ni DJ Arisa.

"Well, un siguro ang epekto nang pagiging broken hearted ko sa loob 18 years of existence ko sa earth."

Natawa nalang si DJ Arisa.

Why did you have to leave me
When you said that love would conquer all
Why did you have to leave me
When you that dreaming was as good as staying with me~

The Radio CallerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon