"Pabili po ng isang puting kandila."
Ayaw maligaw ng binata sa kanyang binabasa kaya't itinuon niya ang kanyang mga mata sa huling salitang kanyang nabasa sa aklat at dahil mula sa kinauupuan niya ay abot kamay niya ang kinalalagyan ng mga kandila ay kinapa na lamang niya ito, kumuha ng isa at inilapag sa bintana ng tindahan, at nang marinig niya na inilapag din ng bumili ang mga barya ay muli niyang iniunat ang kanyang kamay upang kapain at kunin ang kanyang benta ngunit iba ang kanyang mga nakapa kaysa sa kanyang inaasahan, noon niya pinutol ang pagkakatuon ng kanyang mga mata sa binabasa upang tingnan ang mga ibinayad sa kanya, nagulat ito at muntik malaglag sa kanyang pagkakaupo sa bangkitong kahoy sapagkat nang iangat niya ang kanyang palad mula sa pagkakatakip nito sa mga dapat ibinayad sa kanya ay mga putol-putol na ngipin ang mga ito sa halip na barya. Dahil sa magkahalong pagkabigla at galit ay mabilis na lumabas ito ng tindahan tuloy-tuloy sa kalsada ito'y upang sitahin sana ang nanloko sa kanya, ngunit ng nasa kalsada na siya at nasa harapan ng tindahan ay hindi niya matukoy kung sino sa mga taong naroroon sa harapan ng kanilang kapitbahay na may birthday kung sino ang bumili sa kanya ng kandila dahil nga sa aklat na kanyang binabasa nakatuon ang kanyang paningin at hindi sa bumili sa kanya.
Nang sumunod na gabi naman, hindi magkanda-ugaga si Christian sa pag-aasikaso sa mga bumibili.
"Kuya, dalawang litrong coke nga."
"A okey sandali lang." humakbang si Christian patungo sa refrigerator, ngunit bago siya nakalapit at nabuksan ito ay dumating ang isa pang mamimili.
"Pabili nga po ng isang kandilang puti."
Mas malapit ang kinalalagyan ng mga kandila kaysa sa refrigerator kaya dumampot ng isa ang binata at inilapag sa bintana ng tindahan, nandoon na ang mga baryang bayad sa kandila ngunit nang kunin ng bumili ang kandilang nakalapag ay waring sinundot ng takot ang utak ni Christian sapagkat kitang-kita ng kanyang dalawang mata ang maputlang kulay ng kamay ng mamimili at nangingitim na mga kuko na may bahid pa ito ng sariwang dugo na kung tutuusi'y maaaring tawaging kamay ng bangkay, umalis na ang bumili, isang babae, ngunit hindi nagawang makita ng binata ang hitsura dahil natatakpan ng mga nakasabit na plastic ng mga tsitsiriyang paninda ang itaas na bahagi ng grills ng tindahan. Nagmadaling ibinigay ni Christian ang dalawang bote ng coke sa huling bumili at dali-daling nagtungo sa kalye upang habulin ng tingin ang babaeng bumili ng kandila, malayo- layo na ito ngunit hinabol pa rin ng binata.
"Ale! Ale! Sandali lang ho!"
Ang mabilis na lakad ng binata ay naging takbo na ngunit hindi niya maabutan ang babaeng kanyang sinusundan. Sa ilang minutong lakad takbo ay nakaramdam ng pagod si Christian, huminto ito at itinukod ang mga kamay sa mga tuhod at iniyuko ang ulo habang humihingal ngunit ng pag-angat niyang muli sa kanyang mukha ay wala na ang babaeng hinahabol, tuluyan ng tumayo mula sa pagkakayuko ang binata kinuha ang panyo sa likurang bulsa ng kanyang pantalon at pinunasan ang kanyang mukha na pawis na pawis, noon niya napansin na malayo na siya sa mga bahay at puro mga bakante't matalahib na lote na ang nakapaligid sa kanya. Nanghihinayang man ay wala itong nagawa kundi magpasyang umuwi, nang maglalakad na sana ito pabalik ay napansin niya ang babaeng kanyang hinahabol kanina na nakatayo sa gitna ng isang bakanteng lote at nakatirik sa kanyang harapan ang puting kandilang may sindi. Kung kanina'y hinahabol ito ni Christian ngayon ay hindi na ito magawang magsalita sapagkat ginapangan na ng kilabot ang buo niyang katawan ng mapansin niyang hindi nakatuntong sa damuhan ang babae kundi nakalutang ito at hindi niya makita ang mga paa nito. Nais tumakbo ng binata ngunit hindi niya magawa sapagkat nawalan ng lakas ang kanyang mga paa habang titig na titig siya sa nakatalikod na babae , ngunit dahil sa sobrang takot at sa kanyang panalangin ay nagawa niya kumaripas ng takbo ng biglang humarap sa kanya ang babae na ang mukha ay waring sindilim ng isang balong malalim.
itutuloy...
-*-
Please support. Vote & Comment. Ciao! ^_^
BINABASA MO ANG
Pabili ng Kandila
HorrorBakit nga ba laging tumatahol ang aso tuwing Alas dose ng madaling araw kasabay nito ang pagbili ng kandilang puti. -*- This is just a short story. Please support guys. Ciao! XX