Chapter 12

805 6 0
                                    

Rox POV

"Rox bilisan mo dali! Dali!" Sigaw nya nung makalapit na sya ng kaunti para pag masdan ang buong tanawin kung saan kita mo yung buong karagatan. Sumunod na lang ako.

"Ngayon ka lang ba nakapunta sa dagat?" Takang tanong ko nung makalapit ako sakanya. Mabilis at sunod sunod syang tumango "oo ngayon lang! Wala naman kaming pera para gumala pa at pumunta sa mga ganito. Saka kay Rita palang ubos na yung ipon ni tatay!" Sagot nya pero sa dagat pa din nakatingin. Ang laki ng mga ngiti nya.

"Ah." Wala naman kasi akong maisip na isasagot sakanya. Dinala ko sya sa maliit na kubo kung saan madalas akong tumambay, mula dito makikita mo pa rin yung yung buong dagat, ang ingay na nakakapag pa-relax sakin, hampas ng alon na nagsasabing "okay lang yan Rox, darating yan pero aalis din!"

"Rox?! Ok ka lang ba bakit ka umiiyak?!" Napa balik naman ako sa realidad, agad ko sanang pupunasan yung mga luha ko, pero nauna na si Ruth. Pinunasan na nya yung luhang hindi ko inaasahang sya ang makakakita.

"Kung may problema ka, nandito lang ako. Willing akong makinig" sagot nya sabay akbay sakin. nagkukuyakoy pa, habang nakaupo.

"This place is so important to me." Pag uumpisa ko, sumandal ako sabay taas ng isa kong paa. Sumandal din sya pero nananatiling nakaharap sa dagat at tahimik akong pinakikinggan.

"My grandmother die here. Sa sobrang pag mamahal nya sa lupain nya na to, dito sya nalagutan ng hininga." Napalingon sya sakin, halata sa muka nya na natatakot sya sa sinasabi ko, natatawa na lang tuloy ako sa isip ko. "Hindi ako nananakot, i just want you to know why, i love this place so much, yung feeling na handa kong i-give up lahat wag lang mawala to!" Paliwanag ko na, dahan dahan syang tumango at binalik ang mga tingin sa dagat.

"Mahal na mahal ni Mita to, short for mamita. Hahaha, binigay to ni grandpa sakanya on their 50th anniversary, sobrang tuwang tuwa si Mita kasi beach is her life kahit daw nung dalaga pa sya. Maputi si Mita pero pag tinignan mo sya ng kadalagahan nya, hahaha ang itim nya! But, dahil din sa beach nagkakilala sila ni grandpa. Pano kasi pinulikat non si grandpa, at dahil nga marunong tong si Mita ayun sinagip ni Mita si grandpa. Sinagip din ni grandpa yung puso ni Mita. Haha, ang corny ng love story nila noh. So eto na nga, nagpakasal, nagkaanak hanggang lumipas yung 50 years ng pag sasama nila binili ni lolo tong resort. Syempre tuwang tuwa si Mita. Nag patayo agad sya ng rest house, ng mga apartment rooms, cottage at tong nag iisang kubo na special lamang para samin, naka center to sa dagat ka kita mo lahat." Napansin ko naman na iniikot nga ni Ruth yung mga mata nya. "Malakas kumita to, halos lahat dito ang punta, tuwang tuwa si Mita. Kaso nalugi yun!" Sabay turo ko sa kabilang Resort na ang ganda ganda na ngayon.

"Nung nalugi yon, ibinenta, mayaman yung nakabili, pinaganda ng husto, natalo yung resort namin, syempre may napunta naman dito pero konti lang, pinaganda din ni Mita to pero wala pa din e. Napag alaman namin na taga ibang bansa yung may ari, tapos pinamana sa anak nila hindi kasi mag anak yun kaya binigyan ng ganyan. Na ngayon yun na yung nag mamanage." Tinignan ko sya, at tahimik lang nyang pinag mamasdan yung kabilang resort. "Isla Puerto." Basa nya sa pangalan ng kabilang resort. "Bakit Isla?" Takang tanong nya sabay tingin sakin. "I don't know and I don't care." Maiksing sagot ko naman.

"So bakit namatay yung mamita mo?"

"Kasi, gustong ibenta ni lolo tong resort, nung kaylangan na kaylangan nya ng funds so hindi pumayag si Mita, nagtalo sila biglang inatake sa puso non si mita. Naisugod pa sya ni lolo pero wala na, huli na lahat. Then the day that i receive the news, halos paliparin ko na yung sasakyan ko non, i don't have a license before, i left our driver para maka punta dito. Galit na galit ako sa lolo ko non. We have a lot of money! Kahit sa kaapu-apuhan nya hindi na mag hihirap. Kaso mas pinili nyang kunin yung nag papasaya kay Mita." Naramdaman ko na lang na tumutulo nanaman yung luha ko, pinunasan nanaman ni Ruth yung pisngi ko. "Bakit daw nya ibebenta?"

Hooker's Revenge (SPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon