Chapter Two

8 0 0
                                    

Chapter Two:

(Ree's POV)

Nagulat ako sa desisyon ni Jam na iwan ako dito. Nagulat ako sa desisyon niyang iwasan muna ako, kami ni Cyrus.

Pero kahit ganun, naiintindihan ko siya.

Higit kanino man, si Jam lang ang nakakapagsabi sakin ng mga bagay-bagay na alam niyang mali na. Hindi siya nagdadalawang-isip na prangkahin ako.

And I know from the very beginning that she doesn't like Cyrus. She despise him a lot. Palagi niyang sinasabi sa akin kung gaano kasama ang ugali ni Cyrus. Kung gaano ito kaloko sa mga babae. She also said that, 'Jerk' was Cyrus's middle name.

Alam kong tama siya, pero mas pinili kong wag pansinin ang mga iyon kasi maayos naman ang pakikitungo ni Cyrus sa akin. Kabaliktaran sa mga sinasabi ng lahat.

He's a soccer player dito sa Southford. Gwapo at mayaman. At oo, malapit siya sa mga babae. Pero sinasabi niya palagi na kailangan lang daw nilang maging friendly para dagdag sa fans nila. Nakakatulong daw kasi ang bawat sigaw ng mga fans kapag naglalaro sila, to boost their confidence even more.

And I believed him. Gods, I'm always believing him. I would doubt him, yes. But I'll always come back believing in him.

I must admit, I already fall for him. Hindi naman kasi mahirap gawin. Sa prom ko balak sagutin siya. At excited na ako na dumating ang araw na iyon.

Pero sa nakita ko kanina?

I don't think mangyayari pa iyon. Kung dapat pa ba. Kung worth it pa ba siya. I just don't know.


Naglalakad na ako pabalik sa classroom namin ng makasalubong ko si Cyrus.

He immediately smile upon seeing me. "Hi, Ree. Saan ka galing?" malambing niyang tanong.

"Sa mini forest, nagpahangin lang." sagot ko sa kanya saka tipid na ngumiti.

"Ikaw lang mag-isa?" I nod. "Why? Where's Jam?"

I smiled bitterly, "May inutos kasi si Sir Recson sa kanya kanina.."

Tumango naman siya saka lumapit sa akin. She softly touch my face. Habit niya na gustong-gusto ko. "Sabay tayong mag-meryenda mamaya?"

All of a sudden, nawala lahat ng masakit na nakita ko kanina. Nawala lahat ng plano kong pagkompronta sa kanya.

I just find myself nodding my head as an answer.

"Good. Tara, ihahatid na kita sa classroom niyo." nakangiting tugon niya.

Tumango naman ako agad. I'm sorry, Jam. I just love this guy so much.

Pagkapasok ko sa classroom namin ay nagtama agad ang mga mata namin ni Jam. Nakita niyang hinatid ako ni Cyrus kaya agad na nagtatanong ang mga mata niyang nakatingin sa akin, na para bang sinasabing, Nagawa mo na ba?

I just apologetically shook my head as a response.

I saw the disappointment look on her face as she stood up and find another seat. Yung malayo sakin. Magkatabi kasi talaga kami ni Jam.

At siguro sobrang sama lang ng loob niya sakin kaya ayaw niya akong katabi.

Tahimik nalang akong naupo sa silya ko at saka nakinig sa discussions. But my senses weren't focus at all. Pumupunta ang utak ko kay Jam. Walang nakakapansin na lumipat siya ng upuan kasi may pinaupo siyang iba sa tabi ko. At saka lumalabas ang utak ko sa classroom nila Cyrus. I'm wondering what he's doing right now.

Dumating ang break ng hindi ko namamalayan. Kung hindi pa ako tinawag ni Cyrus na nasa labas na pala ay hindi ko pa mamamalayang ko nalang mag-isa ang nandito sa loob ng classroom. I sighed. Pati si Jam ay wala na sa kinauupuan niya kanina.

Nang makita ko ang nakangiting mukha ni Cyrus ay kinalimutan ko na muna ang lungkot na nararamdaman ko. Pumunta na kami sa canteen. Siya ang nag-order para sa amin. Hinanap ko pa si Jam pero hindi ko siya makita.

Masaya kaming kumain ni Cyrus, na para bang wala akong nakitang masama kanina. Na parang normal lang. Hinatid niya naman ako ulit sa classroom pagkatapos.

Pagkatapos ng lahat ng klase ay umuwi na ako mag-isa. Hindi kasi ako mahahatid ni Cyrus dahil may practice pa sila ng soccer. At iniwan nadin ako ni Jam.

"Nakauwi ka na pala, Hija." salubong ni Manang Lolit sakin. "Gusto mo bang mag-meryenda?"

I shook my head lightly. "Hindi na po, Manang. Madami kasi akong assignments ngayon, e. Gusto kong matapos agad."

"Napakasipag mo talaga. Manang-mana ka sa tatay mo." kumento niya.

Ngumiti lang ako bilang tugon. True enough, madami ngang nagsasabi sa akin na mana ako sa tatay ko. Mula sa physical features, height, at pati narin ugali. Mabait at masipag kasi si Papa.

Pero hindi ko kailanman makuhang ipagmalaki ang mga bagay na iyon, lalong-lalo na dito sa bahay.

Isa lang akong sampid dito sa bahay na ito. It's not that I am not welcomed here. Anak ako sa pagkakamali ni Papa. Anak sa ibang babae. Anak sa labas. Hindi ko alam ang buong istorya pero hindi ko na nakilala ang Mama ko. Ang sabi ni Papa ay iniwan ako ni Mama kay Papa pagkatapos niya akong ipinanganak.

Noong una ay hindi ako tanggap ng tunay na pamilya ni Papa, lalo na ng tunay na asawa niya. Pero ng makita daw niya akong ngumiti sa kanya noong sanggol pa lamang ako ay hindi na niya napigilan ang mapamahal sa akin. Tinanggap niya ako na parang tunay na anak.

Pero meron paring ayaw sa akin dito sa pamilyang ito. Ang ina ni Mommy Hazel. Lola Corazon kung tawagin ni Kuya Hades. Tunay na anak ng pamilyang ito.

Kaya kahit gusto ko mang sumaya ng tuluyan dahil tanggap nila ako, hindi parin maaari dahil kay Ma'am Corazon. Ayaw niyang tinatawag ko siyang Lola dahil hindi naman daw niya ako kaano-ano. Anak lang naman daw ako sa labas. Kapag dito niya naiisipang umuwi sa bahay ni Papa ay parang empyerno ang buhay ko. Kasi pinapahirapan niya ako. At walang magawa si Papa para protektahan ako dahil malaki ang naging atraso niya sa pamilya niya ng dahil sa pagkabuo ko.

Kaya nakakaramdam lang ako ng kasiyahan kapag malayo ako sa bahay. Kapag nasa school lang ako at kasama ang bestfriend ko at si Cyrus.

Pero magiging masaya pa ba ako e mukhang pati sila hindi ko na maaasahan sa ngayon?

Could I Have This Kiss Forever?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon