Chapter One

9 0 0
                                    

Chapter One:

(Jam's POV)

Palinga-linga ako habang naglalakad ako sa may field ng campus habang nasa tenga ko pa ang phone ko.

"Best, nasaan ka na ba? Sagutin mo naman oh." natatarantang usal ko.

"Hi, Jam!" may bumati sakin na babae. Hindi ko na sana siya papansinin pero naisip ko rin na baka nakita niya ang bestfriend ko kaya tinignan ko siya.

Nginitian ko siya saka pinagmasdan. Base sa uniform niya, senior din siya kasi halata sa tatak at kulay ng necktie niya.

"Are you okay, Jam? You look so worried." sabi niya.

Tumango ako. "Yes. Actually, kanina ko pa kasi hinahanap yung bestfriend ko, e."

"Si Desiree ba hinahanap mo? Nakita ko siya na papunta sa mini forest."

Nakahinga naman ako ng maluwag sa narinig ko. "Thank you, ahmm..." I trailed off. Hindi ko kasi talaga matandaan ang pangalan neto, e. Pero familiar siya sakin.

Mukhang na-gets naman niya na hindi ko siya matandaan kaya natatawa na naglahad siya ng kamay sakin.

"I'm Jehan, but you can call me Han."

Nakipagkamay naman ako sa kanya. "Nice meeting you, Han." sabi ko sa kanya. "I'm Jamie, Jam for short."

"I already know you.."

Napatango nalang ako kahit pa medyo nagtataka pa ako kung bakit kilala kami ni bestfriend ng babaeng ito. Weird. Pero mahina din kasi talaga ako sa pangalan e. Baka nakalimutan ko lang.

"A-ahh.. pupuntahan ko na muna ang bestfriend ko ha." sabi ko. "It was nice meeting you, Han."

She smiled. "My pleasure, Jam."

Pagkatapos naming mag-usap ay lakad takbo na ako patungo sa mini forest.

By the way, ako nga pala si Jamie Leigh Saga. Astig ng apelyido ko noh? Haha. Half- australian ang Daddy ko. At ako naman ay 1/4 nalang kasi full pinay si Mommy. Hahahaha

I am 16 years old at senior highschool na ako dito sa Southford Academy.

And to let you all know, hindi ko po story ito. Extra lang talaga ako. Una lang po akong dumaldal kasi nag-e-emo pa ang tunay na bida. Hehehehe

And I can see her here already...

"Ree!" malakas na tawag ko sa kanya. Nakaupo lang siya sa wooden bench dito sa mini forest. "Tsk. Nandito ka lang pala, e." dagdag ko bago ako umupo sa tabi niya.

Lumingon naman siya sakin saka ngumiti. Pero alam kong pilit lang ang ngiting iyon kasi kitang-kita ko ang lungkot sa mga mata niya. I know her too well.

"Sorry, nagpahangin lang ako sandali." sagot niya sakin bago tumingala sa puno. "Hmm, naihatid mo na ba kay Sir Recson yung workbook na pinapakuha niya?"

Tumango naman ako kahit na hindi siya nakatingin sakin.

Ang totoo niyan, magkasama kami kanina ni Ree. Pero pagkatapos naming maglunch ay inasikasko ko muna yung ipinag-utos ni Sir Recson sa akin kaya naiwan ko siya doon sa field. And the rest was history.

I sighed. "C'mon, Ree. Tell me what happened.."

Sa tagal naming magkaibigan ni Ree ay alam ko na ang bawat galaw niya, ang bawat emosyon na pinapakita niya. Alam ko kung kelan siya totoong masaya, at kung kelan nagpapanggap lang siya.

At ngayon ang best example ng sitwasyon na hindi okay ang nararamdaman niya.

Bahagya siyang ngumiti. "Hindi talaga ako makakapagtago ng sekreto sayo, e. You know me too well."

I shrugged. "Ganun ka rin naman sakin, e. Kaya nga tayo mag-bestfriends di ba?"

Tumango naman siya saka nagpakawala ng malalim na hininga. "Hindi ko maintindihan kung bakit ko ito nararamdaman, besh. Alam ko namang wala pa akong karapatan, e." simula niya sa kwento.

Hindi ko na kailangang tanungin kung sino ang tinutukoy niya.

"Pero, besh.. nangliligaw na siya sakin diba? Sabi niya gusto niya ako... hindi ba talaga siya makapaghintay?" unti-unti kong nakikita ang pangingilid ng luha niya.

"Ano bang nangyari?"

"Nakita ko kasi si Cyrus kanina.. may kahalikang iba.."

WTF?!

"What?!" hindi makapaniwalang bulalas ko.

Si Cyrus ay matagal ng manliligaw ni Ree. He's courting her since 3rd year. At sa pagkaka-alam ko, this prom night balak ni Ree na sagutin ang lalaking iyon.

Mabait naman si Cyrus pero hindi talaga ako kumportable sa kanya. Kahit kailan ay hindi ako boto sa kanya. Minsan nagtatalo kami ni Ree ng dahil lang sa kanya. I know very well that he's a jerk. A baddass.

Pero dahil ramdam kong gusto na siya ni Ree ay pinipilit kong atleast maging civil man lang sa pakikitungo sa kanya.

But after hearing this right now? Tama pala talaga ako.

"Nakita ko sila sa janitor's room kanina.." sabi niya.

Yeah, madami talagang kababalaghan ang nangyayari sa kwartong iyan. Ewan ko ba kung bakit wala man lang nakakahuli sa kanila. Hindi na talaga ako magugulat kapag madaming pakete ng condom na nagkalat diyan.

"What did you do then?"

Umiling siya. "Wala.. wala akong ginawa. Hindi agad ako nakagalaw, besh. Hindi ako makapaniwala.." tuluyan ng bumagsak ang luha ni Ree. Sunod-sunod na pumapatak sa pisngi niya.

"That jerk! I knew it, he's a jerk!" nanggigigil na bulalas ko. "Dapat sinampal mo man lang yun, besh! Ano ka ba!"

"H-hindi niya naman alam na nakita ko sila.. umalis agad ako at pumunta sa classroom natin."

Natutop ko ang noo ko. Kaya pala ang tahimik niya kanina sa classroom.

Hinawakan ko siya sa wrist niya at hinila patayo. "Tara! Kausapin natin. Leche siya! Dapat dun sinusuntok, e!" pero hindi siya nagpatinag.

Mariing siyang umiling saka dahan-dahang binawi ang kamay niya. "I can't. Mahal ko na siya, besh. Hindi ko siya kayang saktan."

"What?" hindi makapaniwalang saad ko. "So, hahayaan mo nalang na ganyanin ka niya? Na haharap siya mamaya sayo na parang walang nangyari? Haharap ulit siya sayo na parang wala siyang ginawang kababalaghan kanina? Ano ba, Ree!"

Nanggigigil ako sa galit. Bakit ba ang bait nitong bestfriend ko?

"Mahal ko na siya, besh.." umiiyak niyang sabi.

"Lecheng pagmamahal yan! Sinasaktan ka na nga, mahal mo paren?! Hahayaan mo nalang? Magbubulag-bulagan ka nalang? Ganun ba gusto mo, Desiree Hope?!"

Wala na. Galit na talaga ako. At alam na niya iyon kasi tinatawag ko lang naman siya sa buo niyang pangalan kapag hindi ko na nagugustuhan ang mga ginagawa niya.

Minsan talaga nakakainis na ang pagiging mabait ng isang tao. Yung to the point na magbubulag-bulagan nalang sa mga hindi magandang nangyayari. Yung sa sobrang bait ay hinahayaan nalang na siya lang ang tatanggap sa lahat ng sakit. Nakakatanga.

Ganyan ang bestfriend ko ngayon.

"Please, Jam... let me handle this." pakiusap niya sakin. "Kakausapin ko siya mamaya.."

I gave her a disgusting look before I stood up. "Ge, kausapin mo nalang ako kapag nakausap mo na ang hayerp na Cyrus na yan." sabi ko sa kanya. Nagulat siya sa narinig niya. "Hindi ako masamang kaibigan, Ree. Alam na alam mo yan. Kaya ayaw kitang suportahan this time." I sighed. "Iiwas na muna ako dahil hindi ko maipapangakong wala akong magagawang masama kay Cyrus. I'm sorry, Ree." pagkasabi ko non ay iniwan ko na siya doon.

Ilang minuto nalang at malapit nang magsimula ang klase namin kaya bumalik na ako sa classroom.

Could I Have This Kiss Forever?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon