Thea's POV*kring kring*
Hayy... Ano ba yung tumutunong? Bigla na lang ako nagising kasi ang ingay... Yung alam clock ko lang naman pala, 6:20 na ng umaga. Naaantok pa ako eh. Bakit naman kaya ito nag'aalarm??
*tok tok tok*
"Baby ko? Gising ka na. Diba first day of classes niyo ngayon? Male'late ka na!" Naaantok pa eh... Ayy teka, oo nga pala. Hala! 6:35 na! Ngayon ko lang natandaan ah.. Lagot nako niyan. Baby nga pala tawag sakin ng mommy ko kasi sabi ako parin daw ang naiisang niyang baby bunso.
"Oo nga po pala mommy. Sige po maliligo na ako." Bakit ko nga ba nakalimutan? Eh kagabi, sobrang excited ko palang, ni di nga ako makatulog tapos ngayon di ako nagising agad. Haaay nako naman ohh.
"Basta bilisan mo baby ko ah." Natutuwa naman ang mama ko sa tono ng boses niya. First day ko nga naman. Parang mas excited pa ata si mommy ko kaysa sakin ngayon school year ahh.. Pero syempre excited rin naman ako eh, nalimutan lang.
"Sige poo! Susunod nalang " Masaya kong sabi habang nagmamadali na ako sa paliligo para makakain na agad.
Pagkatapos kong maligo, nagbihis na ako ng bago kong uniform at lumabas na ako ng kwarto ko at bumaba para kumain ng agahan. Pag punta ko sa dining room namin, nandon na sila, ako nalang ang hinihintay para kumain.
"Good morning po daddy! *hug and kiss to the cheek* good morning po mommy! *hug and kiss to the cheek* good morning di atee! *hug and kiss to the cheek*" Tapos umupo na ako para magsimula na kaming kumain.
"Good morning sis!" Bati rin ni ate sakin.
"Good morning baby ko!" Bati ni mommy.
"Good morning din princess ko!" Bati ni daddy. Princess tawag sakin ni daddy.
Pagkatapos naming kumain, kaming tatlo nila daddy at ate ay nagpaalam na kay mommy.
"Bye mom!" Sabi ni ate at nag'xoxo (hug and kiss) sila.
"Bye honey." Honey naman tawag niya kay ate.
"Bye hon. I love you!" Sabi ni daddy ka mommy ng pagkatamis- tamis. At kiniss niya si mommy sa lips, smack lang naman. Syempre nandito kami ate. Hon naman ang tawagan nila mommy and daddy.
"I love you too hon. Sige bye." Sagot ni mommy.
"Bye mommy!" Sabi ko ng masaya and xoxo.
"Bye baby ko. Ingat ka lagi ahh lalo na wala ka pang kilala." Sabi ni mommy.
"Sige po mommy." Sabi ko.
Lumabas na kami ng bahay at sumakay na sa car namin. At nagsimula na magdrive si daddy. Tahimik lang kaming nakaupo nang biglang magsalita si daddy..
"Napasarap ata ang tulog ng princess ko?" Pambibirong sabi ni daddy.

BINABASA MO ANG
Fallen Unexpectedly
Teen Fiction*+*+*+*+*+*+*+*+*+*+*+*+*+*+*+*+*+*+*+* May isang estudyante na nagngangalang Thea, isang certified nerd mula ng siya ay 1st palang hanggang 3rd year. Sinubukang maging isang normal na estudyante ngayong 4th year na siya. May isang lalaki na kinaini...