Dedicated to: @JhenzNaMhakulitz, parating siya ang binibigyan ko ng dedications sa first chapter. Naging close ko na din kasi siya, at parati niyang sinasabi na maganda daw yung story ko. Hahahah! Salamat! :) #KiligMuch
________________________________________________________
Year 2014
✍MissRAWR’s POV✍
-- -- -- -- -- -- -- -- --
“Ayoko na! Ayoko! Ang sama sama sama mong tao! Manloloko ka miel!” aniya Lourdes sabay hampas ng kahoy sa lalakeng muntik niya nang pakasalan.
Nakailag naman ang lalake at bahagyng na bitawan ni Lourdes ang malaking dos por dos na dala niya. Hinigit ni Miel ang kamay niya at unti unti na siyang nanghihina.
Kanina pa ako pindot ng pindot sa keyboard ng laptop ko. Tik tok tik tok. Nakatunganga na ako sa harapan nito. Parang nagloloading pa nga ang utak ko sa susunod na mga katagang isusulat ko. Unti unti pang pinoproseso ng utak ko ang bawat detalye na mangyayari. Kanina ko pa rin pinag iisipan kung ang na ang susunod pagkatapos ng kabanatang ito.
Ngunit hindi pa dun natapos ang lahat. Biglang dumating ang anim na mga armadong lalake at pinagbabaril nila sa Miel hanggang sa mawalan ito ng balanse at matumba na sa sahig. Unti unting umaagos ang dugo sa ulo niya.
Binasa ko ulit ang huling talata na nasulat ko. Hay, nyeta naman e! Napakunot na lang ang noo ko habang inaayos ang eyeglasses na suot suot ko. Nakakainis! Hindi dapat ganon ang nangyari! Romance nga ‘tong sinusulat ko diba?! Hindi ‘to action o thrilling stories o kung ano ano pa mang may barilan na nagaganap. Dapat dito, tungkol sa love.
Palitan ko na lang kaya ang chapter na ‘to? Alisin ko na lang kaya ang lahat ng detalye dito? Ibahin ko na lang kaya ang flow ng story? O di kaya, di ko na lang kaya I update ang story na’to? Tss. Ang hirap, masyado na akong nahihirapan.
Inilagay ko ang kamay ko sa ibaba ng chin ko at naghintay ng isang minuto. Tinitigan ko lang ang monitor ng laptop ko. Kahit na maingay ang paligid ko ay pinipilit ko paring mag concentrate sa ginagawa ko. Bigla na lang may pumasok na ideya sa ulo ko.
*Ting!* May bright idea na ako. Oo! Tama! Agad kong pinindot ang backspace para burahin ang last paragraph nung nasulat kong chapter. Hindi pa ako naging kontento kaya ang buong chapter ang binura ko. Para na akong timang. Kung ano ano na lang ang nasususlat, kahit hindi tugma sa kwento.
Pero, ano na nga ba talaga ang isusunod ko dito? Napabuntunghininga na lang ako habang nag iisip. Ito talaga ang pinaka ayaw ko sa lahat. ‘Yung wala na akong maisip pa na isusulat. Nakaka bobo rin minsang ang maging ‘writer’ (pabayaan niyo muna akong tawagin ko ang sarili kong ‘writer’ kahit di nama). Minsan nga, hindi ko na nabubuksan ang mga libro ko kasi pagdating ng pagdating sa bahay, sa computer dumidiretso. Ganyan tayo e, mahilig mag procrastinate. Taray ko noh? May pa English English pa akong nalalaman! Hahahaha!
Nakaisip naman ulit ako ng bagong bright idea! Aha! ‘Yung notebook ang naisip ko! Andun kasi yung story outline ko. Agad kong kinuha ang notebook ko sa bag ko--colored white ito. Andito kasi lahat ng outlines ko sa story ko. Kahit naman hindi ako sikat na writer, nag aala writer din naman ako. Lahat ng stories ko, detalyado na sa notebook na ito. At mismong sulat kamay ko ang ginamit sa pagsusulat dito. Alangan namang mag encode ako dito sa notebook ko diba? Baliw. -_-
Tinupi tupi ko ang pages. Hanggang sa makita ko na ang title ng kasalukuyang story na sinusulat ko ngayon.
Title: Bakit nga ba Mahal Kita?
BINABASA MO ANG
Reader and Writer----> RELATIONSHIP?! [KathNiel]
FanfictionZaira Vanesse- a.k.a MissRAWR, isang nag aala writer ng romance/teen fiction/ fan fiction/ fantasy stories sa wattpad. A frustrated writer who wanted to write and always dreamed of becoming a writer but doesn’t know how to ‘write’ and doesn’t fini...