✍ 2

236 10 24
                                    

Dedicated to: @ImmaBookworm23, ang saya ko lang nang mabasa ko comment niya sa Chapter 1 na 'So glad I found this :)'! Ang saya ko promise! *O* Yiii! After 2 months, masisimulan ko na rin 'to! Hahaha. Enjoy po! :)

________________________________________________________

 Chapter 2

Year 2014

MissRAWR’s POV

-- -- -- -- -- -- -- -- --

“Miss Rawr…” dagdag niya pa sabay hawak sa kamay ko. Nanlaki na lang ang mga mata ko nang makita ko ang ginawa niya. Sino ba kasi ‘tong gwapong nilalang na kaharap ko ngayon?! Ahhh!

“… I love you! Mag update ka na!” aniya pa.

Nagtataka akong tinitigan siya. Bakit ganon ang sinabi niya? Ngumingiti lang siya sa harapan ko. ‘Yung ngiti niya, parang kakaiba. Hindi ko maipaliwanag. Hindi ko pa naman nakikita ang lalakeng ‘to pero bakit parang kilala ko na siya?

“Sino ka ba?” tanong ko sa kanya. Ngumiti lang siya at unti unti nang natatakpan ng liwanag ang mukha niya hanggang sa hindi ko na ito makita.

---------------------------

“ZAAAAAAAIRAAAAAAAAAA! GUMIIISIIIIIIING KA NAAAAAAAA!” umaalingawngaw na ang boses na iyan sa loob ng kwarto ko. Ano bang problema at ang lakas na naman makasigaw ni mama? Grabe naman e, kitang natutulog pa naman ako. Huhuhu.

Tinakpan ko ang ulo ko ng kumot, “Hmmmm..” nakakatamad kong sagot. Nakapikit pa rin ang mga mata ko. Tinatamad pa talaga akong bumangon.

“Gumising ka na nga anak! Ano bang pinagagawa mo buong gabi at parang puyat na puyat ka ha?!” pagdadabog na sabi ni mama sabay alis ng kumot sa katawan ko. Kaasar naman e! Tanging pagwawattpad lang naman ang pinagpupuyatan ko gabi gabi. Tanging wattpad lang naman ang inaatupag ko hanggang alas tres ng umaga.

Bumangon ako at kinusot kusot ang mata ko. Ramdam kong gulong gulo pa ang buhok ko at parang pagod na pagod talaga ako. ‘Yung pakiramdam na pati paghinga, nakakapagod na din? Ahh. Nakakatamad, gusto ko pang matulog. Sabaw na sabaw pa ang utak ko. Punyeta.

“Maaaaaaa.” nakapikit kong sagot sa kanya.

“O? Ano na?! Bumangon ka na dyan! Nakakarami ka na e!” naririnig kong pagsesermon ni mama. Hay. Gusto ko pa talagang matulog.

Nakaupo na ako sa kama ngayon pero nakapikit parin ang mga mata ko. Walang ka energy energy talaga ako. “Ma naman, bakasyon naman diba? Okay lang na matulog ng matulog.” dagdag ko pa.

“Bangon na kasi! Abay ikaw bata ka! Wala ka nang nagawa kundi magpuyat ng magpuyat! Masama ‘yan sa’yo!”

“Ma, inaantok pa ako.”

“Alas onse na ng umaga tapos inaantok ka pa?!”

Alas onse na pala?! Binuksan ko agad ang mga mata ko at agad na tumalon sa kama. Nagtungo naman ako agad sa kusina. Tinignan ko ang orasan at alas onse na nga talaga ng umaga. Kainis lang! Ika limang araw ko na ata ‘tong alas onse na ng umaga gumigising. Ang sama na ng lifestyle ko. Humarap ako sa salamin na malapit lang sa kusina namin at kitang kita kong ang itim at laki na ng eyebags ko. Huhubells.

“Ayan, magrereklamo ka na naman kung ganyan ang hitsura mo.” dagdag ni mama. Tinignan ko ang repleksyon niya sa salamin. Parang nagluluto na siya ng tanghalian. Wala akong nagagawa dito, wala talaga akong silbi. Pero patuloy lang ako sa pagmamasid sa mukha ko.

“Ahhh! Walangya! Ang oily na ng mukha ko tapos punong puno na ng pimples. Utang na loob! Wala nang space! Waaaaa.” sabi ko sabay hawak ng kaunti sa namumula kong mukha. Hindi ko na kaya. Bakit ang panget ko na. Huhuhu.

Reader and Writer----> RELATIONSHIP?! [KathNiel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon