"Sali tayo sa battle of bands." Masayang sabi ni Hanna
" At ako pa talaga ang naisipan mong isali?" patawa kong sabi
"Oo, actually napalista na kita."
"Ano?!"
“Oo!! Practice n nga natin after lunch eh.” Sabi nya sabay alis.
Eto talagang bruhang to! Pahamak! Teka? After lunch? Eh diba my pasok pa? Haler!
“Oi Janna! Paanung my practice eh whole day pasok naten?”
“Abay malamang hindi tayo papasok ng hapon!”
(O_O)
Hindi
Daw
Papasok
Ng
Hapon.
“Ayoko Hanna! Papasok ako!”
“OK, bahala ka sa performance naten bukas hindi mo alam yung kanta.”
Isa pang ganto -à(O_O)
Alam nga pala nilang puro Korean pop songs lang laman ng utak ko.
“Hoi ano? Lunch na oh. Aalis na kame.”
“OO na sasama na.”
Ay nako! Kaya pala wala silang pake kung papasok sa hapon oh hinde!
Eh mga *toot* (rated SPG: Lengwahe) pala yung mga kasama from the other section.
My pinapangalagaan akong rank sa ranklist at sila wala. UNFAIR!
“bayad daw para sa rerentahang practice room, P20.” Singil ni Janna.
Binigay ko yung 500, ang naiisang pera sa wallet q.
“What the~ bente lang hinihingi ko teh! Wala bang mas malaking amount aside from 500?”
“Wala e”
Ayan mejo huminhin pagsasalita ko. OP (Out of place) na kasi ako. Mga elementary friends pala ni Janna ung mga magiging ka-banda ko kaya ayooooonnn sya. Nasa malayo kasama nila. Nakikipag kwentuhan samantalang ako, ako na hinigit lang nya walng kausap.
“Aileen, wala ka ba talagang barya.?” Tanong uli nya sakin.
“OK na yan,” Sabi nung lalake.
Teka! Etong lalaking to parang nakita ko na eh??
Saan nga ba?
Sa..
Sa....
Sa...
Mamaya na hindi ko talaga maalala.
“pasok na tayo sa loob.” Sabi nung “band leader”
At yon, pumasok na kami sa loob at nagsimula.
4 kaming vocalist (Oh diba yaman sa vocalist, pero take note kulang pa yan)
Pero lahat kami back-up lang.
Yung “main” vocal daw absent.
Pa-VIP naman yun first and last na nga absent pa?
2 lang yung mic syempre wala naman akong knowing ditto kaya hindi aq gumagamit ng mic. Bayaan ko silang tatlong pag agawan yung mic.
Pero napag isip isip ko kung anong boses ko pag asa speaker na. Halla baka panget!
Bakit hindi ko kaya i-try?
Kaya nung nagpapahinga sila sa gilid pumunta ako dun sa isang mic.
“She’s got a smile that it seems to me, reminds me of childhood memories...”
Suave naman pala ng golden voice ko!
Pero WHAT THE~!
Sa gilid ng mga mata ko my napansin agad ako.
Habang kumakanta ako.... c Janna... tapos yung clumsy girl na si Ritch ba yun.. andun nakaupo..
Nagbubulungan...
Tumatawa..
Habang nakatingin sakin...
SO IBIG SABIHIN NAGAGANDAHAN SILA SA GOLDEN VOICE KO!!
Joke!!
Hindi naman ako t@ang@ para hindi mapansin na pinagtatawanan nila boses ko.
NAHIYA NAMAN AKO SA BRONZE VOICES NILA!
Pero ano ba naman ang magagawa ng taong katulad ko sa diskriminasyong nagaganap dito?
Kinuha ko nalang yung bag ko at nagmadaling pumunta sa pinto.
“Excuses..” Sabi ko dun sa lalakeng nakaharang. Tapos tinignan nya ko sa mata.
“padaan” inulit ko
LINTEK ipapahiya din ata ako nito ah!
Pero hindi tumabi naman sya at nakalabas ako. Kanina ko pa inaalala kung anong pangalan nung lalakeng yun eh...
Sino ba yun??
Si ano..
Si...
Ay! Sya ung under-the-atis-tree boy!!!
Pero wala akong pake kung si under-the-atis-tree boy sya basta ako UUWI NA!