It's Over ...

208 15 12
                                    

IT'S OVER

One-Shot Story

Written by: Eren_Yeager

All Rights Reserved ©2013

***

Isang linggo. Isang linggo matapos mong makipaghiwalay sa'kin, matapos mong putulin ang ugnayang nagtatali sa'tin.

Tama lang rin siguro 'to. Ano pa nga bang dahilan natin kung ang pag-ibig natin para sa isa't-isa'y naglaho na. Kung ang dahilan natin no'ng tayo pa'y tuluyan nang nawalan ng halaga.

Minahal kita no'ng tayo pa, at alam kong minahal mo rin ako kahit na papaano di ba?

Hindi naman siguro tayo magtatagal kung walang nabuong pagmamahalan sa'ting dalawa.

Isang linggong walang komunikasyon sa pagitan ng bawat isa, tama lang rin siguro 'yon dahil tapos na. At isa pa, wala ng dapat na pag-usapan pa dahli tapos na, hindi ba?

Aminado naman akong may pagkukulang ako sa naging relasyon nating dalawa, pero hindi ba't pareho lang naman tayong may pagkukulang sa panig ng bawat isa?

Pero hindi 'yon ang pinupunto ko, dahil wala na nga hindi ba? Tapos na at wala ng dahilan pa para balikan pa.

Pero bakit tila yata hindi mo magawang makalimot sa kung ano'ng meron sa'ting dalawa?

Tanda ko pa, ikaw ang nagsabi na: "itigil na natin 'to, dahil pareho lamang nating masasaktan ang isa't-isa". Nakakatuwa lang na isipin, hindi ba't ginusto mo 'to? Kaya naman panindigan mo!

***

Isang araw nagtext ka sa'kin, ang sabi mo magkita tayong dalawa, pumayag naman ako sa'yo dahil kahit na papaano'y may pinagsamahan pa rin naman tayo.

"Sa lugar kung sa'n tayo unang nagkita." Text mo sa'kin.

Matapos kong mabasa ang text mo'y kaagad akong nagtungo kung sa'n tayo nagkakilala, sa may Park sa'n pa nga ba?

Nakita kita, mali kayo pala. Napangiti ako, isang mapait na ngiti hindi dahil sa nagseselos ako, kundi dahil sa pagiging desperado mo.

Sa tingin mo masasaktan ako? Sabihin na nating Oo, dahil mahal pa din kita kahit na papa'no, pero ito ang makakabuti para sa'tin higit sa lahat para sa akin.

Matagal na kitang binura sa sistema ko, higit sa lahat sarado na ang puso ko kung sakaling bumalik ka man sa buhay ko.

Tapos na tayo di ba? Kasabay no'n ay ang pagkalimot ko na minsan sa buhay ko'y dumaan ka.

Bitter ba ang dating ko para sa inyo? Siguro oo ano?

Pero nakamove-on na ako at lam kong 'yon ang totoo.

Nasulyapan ko ang mga mata mong mariing nakatingin sa akin, bakas ang panunuya rito. Napangisi ako, na siyang ikinagulat mo.

Kasunod no'n ay ang paglapit ko sa kinaroroonan niyo, gulat na gulat ka ng mga sandaling 'yon.

Hindi mo siguro akalain na makakaya kong pagmasdan kayo ano? Alam kong balak mong ipamukha sa'king kaya mong maging Masaya ng wala ako, pero d'yan ka nagkakamali: ikaw, kinailangan mo pa ng iba para lang masaktan ako. Samantalang ako? Sapat ng mag-isa 'kong harapin itong laro mo.

Dahil kahit na ano pa'ng gawin mo, itinatak ko na sa puso't isipan ko na tapos na tayo, tapos na ang mga panahong nasaktan mo ako.

Tapos na tayo, 'yan ang pakatandaan mo!

***

Ilang araw pa ang nakalipas, puno ng missed calls mo ang call register ko. Nire-reject kong lahat ng mga incoming calls mo, dahil para sa'n pa't kakausapin mo ako? Tapos na tayo di ba?

Lahat ng mga pictures mo, natin na magkasama'y di-nelete ko ng lahat sa cellphone ko, para sa'n pa di ba?

Tapos na tayo eh, kaya dapat lang ito, 'yon ang sa tingin ko.

Lahat ng mga masasaya nating ala-ala'y pinilit kong ibinaon sa limot.

Ang mga sandaling mahal na mahal natin ang isa't-isa'y iniisip kong panaginip lang lahat, lahat-lahat.

At ang mismong pagdating mo sa buhay ko'y isang malagim na bangungot lamang.

***

Isang beses nagkita tayo, 'yong dating kirot dito sa puso ko nung nagkahiwalay tayo'y tila wala na, 'yong mga ngiti mong pilit kong iniiwasang titigan noon ay nagagawa ko ng gawin ngayon, siguro nga'y talagang tapos na tayo at nagawa kong kalimutan ka sa buhay ko.

Dahil unti-unti, tila'y nawala na ang dating puwang mo dito sa puso ko.

"I know I have loved you before, but hey not anymore. And after all that's been said and done, I've finally moved on. And I guess it's time for me to say that it's over, we're finally over this time."

At sa huling pagsulyap ko sa mga mata mo'y isang ngiti ang pinawalan ko.

"We're Over" bulong ko sa sarili ko.

END ...

It's Over ...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon