Chapter 2- First Day of School

11 2 1
                                    

Miranda's POV

"저와해....(I like you)" sabi niya saakin.

Ha?

*kriiiiiiiiiinnnnnnnggggg*

Anu bayan bwisit na alarm clock na yan hindi ko tuloy alam koung sino yun arghh.

Pero sino kaya yun? 

*tok tok tok*

"Uy! Miranda gumising ka na dyan baka ma late tayo" 

"Uhmm"

Tumayo na ako at pumunta sa banyo para maligo.

Habang naliligo ako iniisip ko parin kung sino yung nagsalita sa panaginip ko.

"Hayss! Wag muna nga isipin yun ito na ang una araw ng klase mo kaya magfocus ka sa pag aaral" parang baliw na sinasabihan ko ang aking sarili.

Pagkatapos ko maligo syempre nag ayos na ako ng aking sarili.

Pagkababa ko nakita ko agad ang aking gwapong kuya na prenteng prente na nakaupo sa sofa namin.

Bakit kaya ganun? Gwapo yung kuya ko Maganda rin yung nanay ko tapos anyare sa akin bat ang pangit ko.

"Uy! Ano pang tinutunganga mo dyan halika na huwag ka nang kumain"

"Opo ito na po"

Pumasok na kami sa loob ng sasakyan ni kuya.

At dahil 18 yrs. old na siya pwede na siyang magkaroon ng drivers license.

"Kuya, Bakit ang pangit ko?"

"Dahil pinabayaan mo sarili mo ng bata ka pa laro ka ng laro sa labas kaya tignan mo ang itim mo buti na lang ako" proud na proud na sabi niya tss.

"Eh bakit hindi mo ako sinasabihan?"

"Kasi kahit pagsabihan kita hindi ka naman nakikinig sa akin eh"

"OK" sabi ko sabay salpak ng earphones sa tenga.

"Mr. Chu~ ipsul wie

Chu~ dalkomhage

Chu~ onmone nan himi pullyeo

Nae mam heundeul heundeureo

Nal heundeureonwayo

I'm falling falling for your love" pagkanta ko

"Tigilan mo na nga yan wala naman akong naiintindihan dyan sa kinanta mo kahit ikaw hindi mo yan naiintindihan"

"Tss"

"Hay sa wakas andito na tayo sa HU. Oh! Baba ka na kukuhain pa natin yung I.D natin at schedule tapos pupunta pa tayo sa bulletin board kung saan yung section natin"

Naglakad na kami ni kuya papuntang Guidance office para kuhain ang I.D namin at schedule.

"OMG! nadagdagan nanaman ng gwapo dito sa school natin" chismosa 1

"Tama ka dyan girl ang gwapo naman nya" chismosa 2

"Pero teka sino yung kasama niya na buntot ng buntot sa kanya" chismosa 1

"Siguro alalay niya yun. Kung ako sa kanya lalayuan ko si kuya" chismosa 2

Grabe ang sakit naman ng mga tao dito magsalita mga mukha nga silang clown sa perya dahil sa kapal ng make up nila.

"Uy! Mga babae hindi ko siya alalay dahil kapatid ko siya sa susunod na marinig ko kayo na pinag uusapan ang kapatid ko malalagot kayo sa akin. Naiintindihan niyo!"

"Opo"

"Halika na nga" sabay hila sa akin.

Nandito na rin kami sa Guidance office.

"Ms. and Mr. Collins right?" sabi ng principal.

"Yes mam" sabay naming sabi ni kuya.

"Here's are your I.D and schedule" sabi sa amin ng principal at inabot sa amin ni kuya ang I.D namin at schedule.

"Thank you po" sabi namin at lumabas na para pumunta sa bulletin board.

"Sabi na nga ba eh nasa higher section ako tsk tsk tsk talino ko talaga" proud na proud sa agpuri sa kanyang sarili.

"Anu room mo kuya? ako sa room 9-1" pagtanong ko sa kanya.

"Syempre kung 9-1 ka ako naman ay 10-1 ang talino talaga natin sis apir nga" at nag apir kami.

*kriiiiinnnggggg*

"Oh! pasukan na kita nalang tayo sa parking lot mamaya ha alam mo naman kung saan naka park yung kotse ko eh"

"Geh bye kuya"

Nahanap ko na yung room ko at nakita ko na andun na pala yung teacher.

Lumapit sa akin yung teacher at tinanong ako.

"Are you a transferee here in HU?"

"Yes mam"

"Ok Introduce your self to everyone"

"Hello my fellow classmates i'm Miranda Collins 17 yrs. old"

Narinig ko naman yung mga bulungan nila grabe naman kesyo daw ang pangit ko, ang itim ko, kulang nalang daw ako ng salamin para maging nerd ang sama naman ng mga tao dito.

"Ms. Collins seat beside Ms. Delafuerte" tumango nalang ako kay mam at umupo dun sa sinabi ni mam.

Tinignan ko naman yung katabi ko isa siyang nerd.

"Uhmm classmate ano pangalan mo?" tanong ko na ikinagulat niya.

"Ha? pangalan ko?" sabi niya sabay turo sa sarili niya.

Tumango naman ako.

"Uhmm ako si Arianne Delafuerte"

"Ako naman si Miranda Collins"

"Alam ko na pangalan mo narinig ko kaganina"

"Ok Friends?"

"Uhmm sige friends"

______________________________________

A/N: Hello po sorry po kung mabagal po akong magupdate kahit po bakasyon na busy parin ako kasi po nagtuturo po kasi ako ng mga bata kaya sana po intindihin niyo po ako atsaka hindi po nagka amnesia si Miranda ha baka isipin niyo nagka amnesia siya.











Dream OnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon