Part 42

28.2K 545 19
                                    

READY na naman sa Tiffany sa pagpasok at nakasanayan na rin niya ang buhay sa America kaya ngiting-ngiti na siya na lumabas sa kanyang apartment. Naka-coat siya ng makapal dahil nag-i-snow ngayon sa labas.

"Good morning, Tiffany," bati sa kanya ng kapitbahay niya.

"Good morning din po," pero kahit matagal na rin siya sa America ay hindi pa rin niya nakakalimutan ang paggalang sa pananalita.

At sa katagalan na rin niya roon ay kagaanan na niya ng loob ang mga tao ro'n. Lalo na ang mga kasama niya sa apartment.

"Tiffany, pasok ka na?" At may mga kilala na rin siyang mga Pilipina rito. Isa na si Sabrina na tumawag sa kanya.

"Sabrina, ikaw pala. Wala ang mga amo mo?" Si Sabrina ay kasambahay sa isang malaking bahay na malapit sa apartment. Naging kaibigan na niya ito kahit hindi madalas makalabas ng bahay ang dalaga dahil medyo mahigpit daw ang mga amo nito.

"Wala, eh. Papasok ka? 'Di ba malapit na ang bakasyon?"

"Hindi. Maghahanap ako ng trabaho," sagot niya dahil totoong maghahanap siya ng summer job.

"Huh?! Huwag mong sabihing hindi ka uuwi ng Pilipinas?"

Sunod-sunod ang iling niya. "Alam mo namang bawal 'di ba?" Minsan kasi ay nakakapagkwentuhan sila ni Sabrina ng mga tungkol sa buhay-buhay. Mas gusto niya itong kakwentuhan dahil ang hirap magkiwento sa mga hindi Pilipino niyang kaibigan. Mas tagos pa rin sa damdamin 'pag sa isang Pilipinong tulad niya siya nagkukuwento ng mga pinagdadaanan niya.

"Ay, oo nga pala ano. Bawal nga pala kayong magkita ng nobyo mo hangga't hindi ka nakakatapos ng pag-aaral. Saklap, besh."

Parehas silang nalungkot.

"Ang hirap naman ng sitwasyon mo," ani pa ni Sabrina. "Paano kung pag-uwi mo na pala, eh, may jowa na siyang iba kasi talo niyo pa ang mga LDR kasi ang mga LDR pwede silang mag-usap sa phone o sa mga social media pero kayo ng boyfriend mo wala lahat communication. Jusko!"

"Okay lang 'yon. Basta nasa puso namin ang isa't isa."

"Baka sa tagal niyong hindi magkita, puson na ang pairalin niya hindi na ang puso niya, naku!"

"Bahala siya. Basta ako mag-aaral nang mabuti at siya lang ang mamahalin ko," anya kahit ang totoo ay nag-aalala rin siya sa araw-araw na lumilipas kung siya pa rin ba ang mahal ni Bearlan.

"Ang sweet mo naman," kinilig na saad ni Sabrina.

Napangiti siya pero may kahalong pakla ang mga ngiti niya. "Oh, siya sige na aalis na ako."

"Ingat ka."

"Salamat." Aalis na sana talaga siya.

"Ingat ka rin pala sa lalaking sunod nang sunod sa 'yo, Tiffany," pero kasi ay pahabol na sabi pa ni Sabrina kaya natigilan siya.

Napakunot-noo siyang lumingon ulit sa kaibigan. "Lalaki?"

Nagkibit-balikat si Sabrina. "Ay, oo nakakalimutan ko kasing sabihin sa 'yo pala."

"Ano 'yon? Anong lalaki?"

"Hindi ko alam kung tama ang naiisip ko pero kasi parang may lalaking laging nakasunod sa 'yo, eh."

MY BEKI "KUNONG" BOSS (Tayo Na Lang, Puwede Naman)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon