Ang Liham ni William

10 1 0
                                    


Bakit kita mahal? At bakit ikaw ang napili kong mahalin?

Pasensya na at hindi ko ito nasagot dahil may tumawag saakin noong araw na naglalambingan tayo at tinanong mo ito saakin alam ko at nakita ko sa mga mata mo na seryoso kasa katanungan ito.

Bakit nga ba ikaw ang mahal ko at ikaw ang pinili ko?

Akala ko nung una ay gusto kong magmahal kasi gusto kong maranasan ang pakiramdam nang minamahal at nagmamahal ka pakiramdmam ko kasi espesyal ka kapag ganun. Nalilito ako nung una tinatanong ko ang sarili ko mahal ba kita? O minamahal ko lang ang pakiramdam ng umiibig natatakot ako na sabihin ito sayo kasi baka lahat ng pinagsamahan natin ay mabura, maabo at tuluyang mawala dahil sa pagamin ko ng nararamdaman ko sayo. Simula ng araw na naramdaman kong binibigyan mo ako ng ibang klaseng pagtrato at atensyon ay unti unting nabubuksan ang isipan ko at ng malagay ako sa alanganin at ikaw lang ang nandyan para saakin pati puso ko ay bumukas para sayo. May mga araw na akala ko'y ikaw lang talaga'y maaruga at maaalahanin sa mga kaibigan kaya lalo akong nalito at naguluhan. Hindi ko man ipakita at sabihin sayo ng diretsahan pero sa tuwing magkasama tayo ay ibang klase ang saya na ibinibigay mo tumatalon ang puso ko sa galak, ang diwa ko'y nagdiriwang, ang katawan ko'y nakukuryente at ang ispirito ko ay kumakawala ngunit tinago ko parin ito dahil nahihiya at takot parin ako na baka kapag tuluyan kong aminin ang nararamdaman ko para sayo ay iwasan o pagtawanan mo ako sadyang napakahalaga mo para saakin at ayokong mawala ka saakin kaya minsan ako'y nagpapanggap na walang pakialam, nagmamanhid-manhiran. Tumakbo ang oras at ang panahon hindi ko na mapigilan ang pilit sumasabog na nararamadaman at handa na akong itaya ang ating pagkakaibigan, habang tayo'y nalilibang sa ating pagkawala sa isang laro ay hinalikan kita sa labi at nagkatitigan tayo tingin ko palang sa iyong mga mata ay halatang ikaw ay gulong-gulo at ako nama'y napayuko at napaluha sabay hingi ng paumanhin ngunit tinaas mo ang aking mukhang hiyang hiya at niyakap mo ako at sabay sabing "Hindi ka nagkamali dahil mahal din kita" muli ay hinagkan mo ako ng napakahigpit at naramdaman ng puso ko ang tunay na pagmamahal , nagkaunawaan tayo , tinanggap ang isa't isa at nagmahalan ng lubos at totoo. Sinekreto man natin ang ating pagiibigan ay hindi ito naging madali maraming bagay ang sumubok saatin unos, bagyo, lindol, apoy at talim, matatalim na tingin ng mga taong hindi tayo kilala at hindi tayo maunawaang lubos marami tayong tinahak pero parehas tayong naging matatag at nagsilbing pundasyon ang nagaalab nating pagmamahalan.

Ikutin ang mundo yan ang pangarap ko dahil gusto kong makita ng sabay ang mundong tinatapakan ko at ang mundo ko na binubuo ng katauhan mo. Ngunit may mga bagay na hindi inaasahan mga plano natin ay hindi naisakatuparan isang malagim na pagkakamali na hindi ako ang gumawa pero ako parin ang naparusahan sa salang hindi ko naman ginawa pinilit kong lumaban pero kung sa tingin mo'y hindi yun sapat ay labis akong humihingi ng pagpapatawad labis ko itong pinagsisisihan, pinilit kong makiusap sayo pero hindi mo ako pinakinggan ng mga panahong gusto kong makausap ang mahal ko pero hindi kita masisisi alam ko may hinala diyaan sa iyong puso na baka ikaw ay niloko at pinaglaruan ko lamang pero mahal ikaw lang at wala ng iba nakahuli sa aking mga mata, sa aking mga isip lalong lalo na sa aking puso. Ngunit sadyang mapagbiro ang tadhana mga landas natin ay unti-unting nagkalayo at ang mga luha at ang sahig ay nagkatagpo.

Tinanggap ko ng pikit mata ang mapait na pangyayaring ito sa ating buhay at kahit hindi na tayo muling magkikita mahal ko tandaan mo ito sa isip, sa puso at kaluluwa ikaw lang mahal ko at ikaw lang mamahalin ko ikaw ang bukod tanging nilalaman at isinisigaw ng nagiisang kong puso at kahit naudlot man ang ating matamis na kwento alam kong ipagpapatuloy mo ito wala man ako sa tabi mo asahan mong gagabay ako.

Minahal mo ako bilang ako, tinanggap mo ng buong buo binigyang halaga at kwenta, kinalinga at inaruga. Sana ay nasagot ko na ang mga tanong mo, sana sapat na to para hindi mo malimutan ang tulad ko.

Hanggang sa muli nating pagkikita aking mahal hindi ko alam kung kailan, saan at kung sa papaanong paraan pero pinapangako ko at asahan mong ako'y maghihintay gaano man katagal, gaano man kabagal darating ang isang araw mundo natin ay muling mabubuo at hindi na magkakalayo.

On This DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon