OTD: 3

2 0 0
                                    



Winna's POV

(Present)

"at doon ko nalaman kung bakit sila lumawas ng Maynila nagkaroon ng trabaho ang mga magulang ni William sa Maynila buti nga nakilala pa ako ng nanay niya ehh" tumango lang sa kwento ni Sir.

"ahh sir sige over-time napo ako uwi muna po ako ahh magpahinga po kayo pero asahan niyo po na babalik ako rito" sabi ko.

"sige iha magiingat ka may araw na uuwi kapalang"

"ganun talaga sir sige po salamat po"

Bago ako tuluyang umalis ay ibinilin ko nalang sa ibang nurse na i monitor si Sir. Eric kada oras at saka ako bumaba at tuluyang umuwi.

Interesadong interesado ako sa mga kwnto ni Sir Eric.

Pagdating ko sa bahay.

"Nay!" ginising ko ito dahil nakatulog ito sa sofa at nakabukaka ang pintuan.

"Nay naman kung matutulog kayo isarado niyo muna ang pintuan" sabi ko rito.

"ehh hindi ko na namalayan ehh" sigaw nito saakin.

"amoy sunog!!!" pagpapanik ko agad akong pumunta sa kusina at nakita kong nasusunog na ang sinaing na kanin agad kong pinatay ang kalan.

"nakalimuntan ko pasensya na lumabas kasi ako tapos nagsaing tapos nakatulog ako kaya ayan" pagpapaliwanag saakin nito habang kamot ng kamot ng ulo at halatang hindi niya maamin na siya ang may kasalanan.

"labas nay? O baka naman nagsugal nanaman ho kayo? Sana naman pinhahalgan niyo yung mga perang sinusweldo ko gipit na nga ho tayo sa pera inaalala pa yung tubig at kuryente" sabi ko rito.

"Hoy Huwag mo kong pangaralan Winna! Pasalamat ka naalala ko pang saingan ka! Nakalimutan ko lang kala mo kung sino kang mapagmalaki saakin saka nagsusugal ako para maglibang nakita mong pipilay pilay na ako ayaw mo pa akong maglibang anung gusto mo mamatay ako sa bagot dito bwisit na to diyaan ka na nga!" napakamot nalang ako ng ulo sa sinabi ng nanay saakin pumasok ito sa kwarto at dinabugan pa ako ng pintuan.

Pinagpapasensyahan ko nalang si nanay dahil matanda narin ito at may tungkod na dahil may diperensya siya sa paa at kung sasabayan ko din ng init ng ulo ang init ng ulo ng nanay ko ay parehas lang kaming magtatalo at magaaway.

Tumingin ako sa salamin at medyo nalungkot ako dahil napapabayaan ko na ang sarili ko sa kakakayod pati ang personal kung buhay napabayaan ko na may nanliligaw saakin si Jeff may kaya sa buhay, gwapo, gentleman kaso hindi ko siya masagot o mapagbigyan dahil inuuna ko ang trabaho kung talagang willing siya magantay doon ko mapapatunayan na hindi lang puro salita ang panliligaw niya.

Kinabukasan.

Wala akong pasok at day-off ko pero pinili ko pading pumunta sa ospital para dalawin si Sir. Eric kawawa naman kasi ito sa ilang araw kong pagbabantay sakanya wala akong nadatnang tao na bumisita sakanya kaya ako nalang ang magmamalasakit sakanya kailangan din ng kausap nun.

Pagdating ko sa kwarto niya ay sinalubong ako nito ng malaking ngiti at nagtaka pa ito kung bakit hindi ako naka uniporme ang sabi ko lamang ay wala akong trabaho.

"Tuloy niyo napo ang kwento Sir." Sabi ko sakanya.

Eric's POV

Nararamamdaman ko ng gumagaan na ang pakiramdam niya saakin at ganun din naman ako sakanya kumbaga parang nagsisimula na ito ng pagkakaibigan namin at sana maging malapit na kami sa isa't isa.

Araw araw ako ang lumalapit sakanya para makasama siya pero minsa'y nararamdaman kong parang pinagtatabuyan niya ako pero ako itong mapilit na lumalapit sakanya talagang concern ako sakanya at ayokong may nabubully dito sa loob ng school. Nagtatanong na ang iba kong mga kaibigan kung sino ba ang lalakeng yun ang sabi ko ay kababata ko siya at kaibigan.

On This DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon