OTD: 7

4 0 0
                                    



"bakit ka tumakbo!?" tanong nito.

"edi ba tapos na ang challenge nagiba na ang kanta ohh" sabi ko habang hindi ako makatingin sakanya nagiguilty ako pakiramdam ko naabuso ko ang mga pagkakataong iyon.

"pasensya na" at nakita kong napakamot siya ng ulo at humila ito ng upuan at umupo sa tabi ko nasa harap ko siya at kinuha niya ang ulo ko at itinungo niya para humarap ako sa kanya.

At saka siya bumitaw at nagkatitig kami.

"Sorry talaga ang totoo kasi ehh na-awkward na ako kanina sa ginawa natin nasa pinakagitna pa tayo daig panatin ang babae't lalake kaya nailang ako sorry talaga" at muling napayuko ako pero pinigilan niya ito at tinungo niya ulit ito.

"Eric katuwaan lang yun at wala ng iba ako naman nagsabi na maging sweet kasaakin din ba" sabay ngiti nito na medyo nakakaloko at bigla ako nitong hinatak at pumunta kami doon sa may magandang wall design at may magandang mga ilaw.

"wala pa tayong picture na magkasama Eric, buti nalang at pinadala saakin ni mama itong camera naming bagong bili"sabi nito at tumawag siya ng isa niyang kakilala at nakisuyo na kuhaan kami ng larawan nitong si William naka ilang beses kami ng kuha ng larawan at todo akap at akbay kami sa isa't isa habang malabahaghari ang bawat ngiti niya at pagkatapos noon ay.

"bigyan mo ako ng kopya ahh" sabi ko dito.

"sige Eric ipapadevelop ko ito bukas o kaya sa mga susunod na araw nalang" sabi nito habang naglakad na kami pabalik ng dance floor at nakihalubilo na kami sa iba naming mga kasama at nawala narin ang ilangang nangyari kanina.

Nagsaya kami hanggang sa matapos ang J.S. Prom at sigurado ako hinding hindi ko malilimutan ang gabing ito na punong puno ng kaganapan lalo na ang nangyari sa saaming dalawa ni William na kahit biruan ay parang langit ang narating ko.

MATAPOS ANG DALAWANG ARAW.

Linggo ng umaga ay pumunta raw si William dito saaming bahay kaso tulog pa ako kaya nagbilin nalang siya kay mama ko na pumunta raw ako mamayang hapon sa kanilang bahay yun lamang ang sinabi at wala ng iba pa.

Kaya bandang hapon ay nagprepara ako ng aking sarili at mga 3:30 ng hapon ay umalis na ako ng bahay at tinahak ang daan papunta sa tahanan nila William bumili pa ako ng banana cue para ipasalubong sakanila bilang meryenda.

Ngunit pagdating ko naman doon ay naka-kandado ang gate ng kanilang bahay kaya naman nagtyaga akong naghintay sa labas ng kanilang bahay at naupo sa kung saan.

Nagantay pa ako ng ilang minuto ngunit walang dumating na William kaya nagpasya na akong lumisan tumayo na ako at naglakad pero.

"ERIC!!! KUYA ERIC!" may sumigaw at agad kong tinignan ito kilala ko ang boses niya at si William na nga ito napangiti ako at para bang may natupad sa isa sa mga kahilingan ko.

"Kuya Eric!" at may tumapik na sa aking balikat bago pa ako makalingon.

"huuh huuhh haaay" hingal nito mukha atang tumakbo at mukha siyang basang sisiw basang basa ng pawis.

"akala ko hindi ka na darating nasaan ang mga magulang mo?" tanong ko dito.

"ahh uhhmm teka" sabi nito at hingal na hingal parin.

"Namili pa sila at"

"may dadaanan pa"

"baka maya pang gabi"

"Umuwi" putol putol at hingal nitong sabi at dumukot na ito sa kanyang bulsa at kinuha ang susi at binuksan ang gate at pintuan ng bahay

"Tara sa loob" sabi nito.

On This DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon