7 years ago
9 years old Kim
Tahimik lang akong nagbabasa ng libro habang nag uusap si Daddy at si Tito Edmund,hindi ko siya tunay na tito pero matalik silang magkaibigan ni daddy, hindi ko alam kung ano ang pinag-uusapan nila, but I bet tungkol sa business. Kami lang dalawa ni daddy ang nagpunta dito sa bahay ni tito dahil busy si Mom sa pagdedesign ng mga damit.
"Robert ito na ba ang anak mo? Ang ganda niya, alam mo maswerte ka babae ang anak mo, sakit sa ulo yung mga anak kong lalaki eh. Haha. Pwede mong libutin ang buong mansion iha." Napatigil ako sa pagbabasa at napatingin kay daddy. Kung nandito ang mommy for sure hindi yun papayag pero kami lang dalawa ni dad dito at ni tito, gustong gusto ko kasi na lumibot mag-isa, ganun kasi yung mga nababasa ko sa libro, parang si Alice in Wonderland yung binabasa ko ngayon, hindi naman siguro masama maniwala sa fairytales at maghanap ng sarili kong adventure. Malaki kasi ang mansion ni Tito Edmund masarap pag libutan.
"So gusto mo bang lumibot?" Tumingin sa akin si daddy, nakangiti, giving me a meaningful look.
"Yes daddy! Thank you! You're just the best. Just don't tell mom please daddy!" Napailing lang si daddy at tumawa si tito Edmund. That moment pinansin ko ang pagkakahawig at pagkakaiba ng itsura nila. Si tito Edmund mas maputi at mas matangkad kaysa kay daddy, mas mataba naman si daddy kay tito, maputi rin naman si dad. Pareho silang may bigote at balbas at pareho din sila ng way ng pagtawa.
"Sure my little sugar Kim. Mag-iingat ka."
-
Dad and tito Edmund just continued talking while the renovation of their garden gets my attention.Walang tao ngayon dito, medyo madilim din. I quickly got there and saw different kinds of flowers and full of trees, how fascinating. I roamed around and I can say na maluwang ang space dito. Pumukaw sa attention ko yung under construction nilang fountain, it's a flower at may butterfly sa tuktok nito pumunta ako doon at dumaan sa isang fancy short brown bridge, medyo malalim din ang baba ng bridge pero dumaan parin ako ng walang takot. Nakita ko ng malapitan ang fountain. Panigurado pag natapos tong gawin it will be the most beautiful fountain ever. I just keep starring at it then the moon. It was a full moon and the black sky is filled with stars. Everything is just beautiful. I feel the wind and everything I just closed my eyes. Suddenly I heard a noise from behind. Ramdam ko na hindi lang ako ang nandito ngayon.
"Sino ka?" Tumingin ako sa paligid at sa isang malaking puno may lumabas na isang lalaki, nagkatinginan lang kami ng matagal I see black eyes and black hair, suddenly he smiled.
"I'm Chat. Chat Calvin Anderson." He must be the son of tito Edmund, he's like the Minnie version of him.
"Hindi mo naman na kailangan magtago diyan eh, I'm Kim, Kim Andrea Rose." He just smiled at nasilip ko ang dimples niya. He's cute for our age.
"Nahihiya kasi ako sayo eh. By the way totoo nga ang sabi ni Papa. Maganda nga talaga ang anak ni tito Robert." Tumawa lang siya at napahawak pa sa batok niya. I was astounded for a minute. Nahihiya pa siya sa lagay na yun? Lumapit siya sa akin at ngayon pareho na kaming nasa fountain. Tahimik, walang nagsasalita.
"Chat medyo gabi na, baka nag aalala na sa akin yung daddy ko, una na ako ha." Agad akong naglakad paalis dun pero nastuck yung paa ko sa Minnie bridge at hangang ngayon hindi ko ito matanggal. Agad naman lumapit si Chat at tinulungan ako tanggalin, hinihila niya ang paa ko pero there's no use.
"Diyan ka lang." Seryoso niyang sabi sa akin at biglang umalis. Nakaramdam naman ako ng takot na baka hindi niya ako balikan. Pero bumalik siya at may dalang martilyo.
BINABASA MO ANG
Dressed In Black
Teen FictionKim has everything until that everything was turned into nothingness and void. I think that happens when you feel blue but you keep on putting some yellow in it even though you're not really feeling very yellow until it turns green and you want to f...