Chapter Seven

3.5K 109 1
                                    

"Anne ikaw muna bahala kay Mama ha." paalala ni Karylle kay Anne.

"Sige, K. Ingat ha." sabi ni Anne at nagbeso bago tuluyang lumabas ng kwarto si Karylle. Lumapit naman sa ina ni Karylle si Anne at umupo sa katabing upuan ng kama nito.

"Ano, Tita.. Pumayag po ba?" tanong ni Anne dito.

"Hindi eh.. Ayaw niya talaga." sagot ng ina ni Karylle at napabuntong hininga.

"Ang tigas talaga ng ulo ni Karylle." umiiling na sabi ni Anne at nagbalat ng orange.

"May tanong ako, Anne.." biglang salita ng ina ni K kaya nagsign naman si Anne upang ituloy ang sasabihin nito. "... Mabait ba si Vice?"

"Nako Tita, kahit ganon yung baklang yun.. May pagkapilosipo at makulit, mala anghel ang kabaitan nun.. Pagdating sa kaibigan, sa mga naging lalaki niya at lalo na po kay Nanay Rosario. Ayaw niyang nahihirapan ang isa sa mga mahal niya. Mapakaibigan man o mapapamilya niya, ayaw niyang nakikitang umiiyak.. Gagawin niya ang lahat para mapasaya sila. Ako nga Tita eh, nung nagbreak kami nung dati kong boyfriend, yung baklang yun ang nagpasaya sakin. Pilosopo at makulit man sa mata ng iba, sobrang bait naman sa loob." nakangiting pagpapaliwanag ni Anne na tapos nang balatan ang orange. Napangiti naman ang ina ni Karylle dahil sa mga narinig.

Sa kabilang banda ay narinig ni Karylle ang mga sinabi ni Anne dahil may sasabihin pa sana siya sa kanyang ina pero nung bubuksan niya na ang pinto ay narinig niyang tinanong ng kanyang ina ang tungkol kay Vice kaya hindi muna niya tinuloy ang pagpasok sa loob at panandaliang nakinig.

Dahil sa kanyang narinig ay bigla siyang nagdalawang isip.

"... Like what I've said Tita, gustong magkaanak ni Vice dahil gusto niya ng may magmamahal sa kanya ng totoo. Hindi pera pera lang.. Wala na kasi siyang kilala na pwedeng tumulong sa kanya.. Dapat talaga ako pero ayoko po talaga eh, kaya itong si Vhong.. Si Karylle ang naisip.. Kasalanan po talaga ni Vhong."

Muli niyang narinig na sabi ni Anne at narinig din niyang nagtawanan ang dalawa sa loob.
Matapos makinig sa ilang usapan ni Anne at kanyang ina ay umalis sa siya ng ospital na naguguluhan at hindi maintindihan ang nararamdaman niya.

---

Karylle's POV

Nandito ako ngayon sa restobar, kailangan ko kasing kumita ng pera para nga may pambayad akp kay Bakla. Pero kahit ganon ay naaalala ko parin yung mga sinabi ni Anne kay Mama kanina. Urgh! Bakit ba kasi nakinig pa ko. Naguguluhan na tuloy ako. Pero kailangan kong magconsentrate sa trabaho ko ngayon.

Nakaset na ang lahat sa mini stage. Pumunta na rin ako doon at naupo sa upuan dito. Kakantahin ko yung ginawa kong kanta. Matagal ko na itong nagawa pero ngayon ko palang ito kakantahin. Nang nagsimulang magStrum ng gitara ang gutarista ay nagsimula na rin akong umawit.

Narinig mo ba ang puso ko,
Ang pagtibok ay di ordinaryo..
Kung alam mo lang,
Ang tunay na pakiramdam,
Di sana'y nagsimula na ang storya...
Pero di, di ko alam ang nasa isip mo,
Ayoko namang tuluyan kang lumayo...
Sana nama'y paniwalaan mo...
Ito ay pagtinging... Totoo.

Kung pwede lang naman,
Kung pwede lang pagbigyan
Pag-ibig ko sa'yo...
Di papatalo.
Kung pwede lang naman,
Pwede bang ikaw nalang ang bumuo sa buhay kong ito..

Kung pwede lang, Sa'yo nalang ako..~~

Pagkatapos kong kumanta ay pinalakpakan ako ng mga tao. Ngumiti na lamang ako at bumaba na sa stage. Bumalik na ko sa dressing room dito.

Maya maya'y pumasok ang Boss namin dito. Nginitian ko naman siya.

"Karylle, we need to talk.." seryoso niyang sabi. Medyo kinabahan ako sa tono ng pagsasalita niya.

"Bakit po Boss?" tanong ko nalang sa kanya kahit nag-aalangan ako.

"Uhm. I need to fire you." sabi niya na nagpaguho ng mundo ko. Hindi pwede. Ito lang ang trabaho ko ngayon, mawawala pa?!

"P-pero Boss. B-bakit naman? H-hindi ba nagustuhan nung mga tao kanina yung kanta ko?" nangingilid luhang sabi ko sa kanya.

"Look, sobrang nagustuhan ng mga tao yung kanta mo pati ang pagkanta mo pero kailangan na talaga kitang tanggalin... I'm sorry.. Para sa restobar ko." paliwanag niya. What? Para sa restobar niya? Ano namang kinalaman ko doon?

"H-ha? Teka, para sa restobar kaya tatanggalin mo ko?" takang tanong ko.

"Oo, sabi niya sa akin.. Kapag hindi kita tinanggal baka ipasara niya tong restobar ko. Ito nalang ang kabuhayan ko.. Ayokong mangyari yun kaya gagawin ko ito. Sorry Karylle." paliwanag niya.

"Sinong Niya?" kunot noo kong tanong sa kanya. Parang may alam na ko kung sino may pakana nito.

"S-si Mr. Viceral.." sagot niya. Lalong napakunot ang noo ko.. Urgh!!!!! ".. Sige K. Ito na ang last na sahod mo." sabay abot sa akin ng white envelope at lumabas.

LAGOT KA TALAGA SA AKIN VICEEEEEEEEEEEE!!!!!!!!!!!!

---xxx---

Wanted: Mother For The Gay's Baby ||VICERYLLE|| (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon