Nasa'yo Na, Pinakawalan Mo Pa (One-Shot)

34 0 0
                                    


Nasa'yo na, pinakawalan mo pa.

Ang saklap, nuh? Nasa'yo na, pinakawalan mo pa.

Humiwalay ka. Tas ngayon, hinahanap-hanap mo na.

Ako si Ariel de Legazpi, ang babaeng hopeless romantic. Oo, aaminin ko, ako 'yung taong tipong hindi maka-get over sa isang break-up. Ako 'yung taong umaasa na babalik ang taong mahal ko.

Sa hindi malayong lugar, may nakita akong babaeng nakatayo. Sinundan ko ang tingin niya, at doon ko nakita ang boyfriend niya ata na may kasamang iba.

Bumalik ang tingin ko sa babae. Ngayon maluha-luha na ang kanyang mga mata. Lumapit siya sa lalaki at pinagpalo-palo pa ito.

Sayang! Sayang beauty ni girl! Eto naman kasing lalaking 'to eh, NASA KANYA NA, PINAKAWALAN NIYA PA.

Umirap na lang ako at dumiretso sa school ko.

May nakita na naman akong couple. Nasa loob sila sa isang cafe at umiiyak ang babae. Shems, ang ganda at ang puti niya. Sinampal niya ang lalaki at umalis sa cafe.

Bumuntong hininga ako. Ngayong araw ba ay makakakita akong countless couples na maghihiwalay? Anyare?

Nandito na ako sa school at umupo muna sa isang bench.

May umupo rin sa tabi ko, at ang masaklap pa, si EX.

Anong sasabihin ko? 'Yung 'Nasa'yo na, pinakawalan mo pa?'. Naku, baka ma-turn off.

"Kamusta, EX?" Sabi niya.

Tigilan niyo nga ako! Masasapak ko 'tong lalaking 'to eh! Tigilan niyo ko! TIGILAN NIYO KO!

"Ok lang. Ngayong wala ka na, ok na ako. Ngayon, di na ako nasasakal. Alam mo kasi, EX, ba't pa kasi ako nagpasakal---Adrian? ADRIAN! Hoy! Bumalik ka rito! Kinakausap pa kita!" Pinalo ko at bench.

"Nakakainis ka talaga!" Napatili ako sa galit.

Sumimangot ako at tumayo.

"Teka lang, EX! Papakilala ko lang ang new girlfriend ko, si Trisha." Bumalik 'yung loko na may kasamang babae.

Umirap ako. E mas maganda naman ako sa kanya eh! Konting make-up lang, talbog na 'yang girl na 'yan!

"Siya EX mo? Wow, ang panget pala ng taste mo." Tumingin ako sa babae.

"Oo nga eh. Ang panget ng taste niya, kasing panget mo kaya ka niya pinili! Tse, umalis kayo, mga tae!"

Umalis ako bago ko pa sabunutan ang loka na 'yun. Tss, wig ba 'yun? Naka-afro eh.

May humila sa kamay ko at tinakpan ang bunganga ko.

"Pulis ako." Sabi nito. "'Most Wanted' ka kasi eh."

Ngumiti siya.

Inalis ko ang kamay niya sa bibig ko. "Mukhang hindi ka naman pulis e! Ba't kailangan takpan bibig ko? Hindi ba gawain 'yun ng mga magnanakaw? Umalis ka nga! Dagdag bad vibes ka eh!"

Siya si Tristan, ang aking boy best friend ko. Siya ang nag-comfort sa'kin nung iniwan ako ng loko-loko kong EX.

"Oy, ang sweet kaya nun!"

"'Most Wanted'? E di most wanted ako ng mga lalaki? Si Adrian lang kaya 'yung want ako."

Sumimangot siya at may binulong. "Ako din kaya."

"Ano sabi mo? Nabibingi na ako. Makalinis nga ng tainga mamaya."

"Eto naman. Di mabiro. Ang sweet sweet ng pickup line ko, binara mo. Ajujujuju."

Nasa'yo Na, Pinakawalan Mo Pa (One-Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon