Chapter 1 - Scarlet

41 2 0
                                    


"Class siya nga pala si Scarlet Cruz! Transfer student from manila." Pagpapakilala sa akin ng bago kong adviser.

Sanay na kong palipat lipat ng school. Kaya't kahit third grading na nagpa transfer parin ako. Lagi kong tinatanong si daddy kung bakit kami palipat lipat. Wala tuloy akong friends. Pero ang lagi niya lang sagot "para makahanap ng lunas sa sakit ko"

Two years old pa lang ako nang unang beses akong nakaranas ng kombulsyon. Marami kaming pinuntahan na ospital pero walang maka-pagsabi kung ano talagang sakit ko. Madalas akong nahihilo at nagsusuka. Mabuti na lang at graduate si daddy sa medicine school, kaya siya na rin ang naging doctor at nurse ko. Hindi ko na rin nakilala ang mommy ko, ang sabi ni daddy namatay daw sya sa panganganak and he always tells  me na mahal na mahal ako ni mommy. Sa ngayon apat lang kaming nakatira sa palipat lipat naming tahanan. Ako, si daddy enzo, si tita naomie at uncle francis. best-friend ni mommy si tita naomie, they were like sisters nga daw sabi ni daddy, asawa naman niya si uncle francis.

Lumapit ako sa bakanteng upuan sa first row pero may humarang sakin na babae.

"Upuan yan ng best friend ko! Dun ka sa likuran" pataray na sabi niya.

Umalis na lang ako para makaiwas sa gulo. May bakanteng upuan din sa second row at third row pero kagaya sa una hindi rin ako pinaupo.Tahimik na lang akong pumunta sa pinaka likuran. Nilingon ko pa si teacher pero di niya ko napansin dahil bussy na siya sa laptop niya may naka play din na video para panoorin naming mga grade 6  student.

Akala ko pa naman dahil late tranferee na ko maghahabol kami ng lessons pero mukhang di naman interesadong magturo si teacher . Kaya tahimik lang akong umupo sa likod. Isa sa mga nakakainis na bunga nang palipat lipat namin ng bahay ay ang pagiging black sheep ko. Hindi ko alam kung anong dahilan at ilag ang mga tao sakin.

Mahilig akong mag aral, kahit nasa bahay wala akong ginawa kundi ang magbasa lagi akong curios sa mga bagay bagay. pag di ko maintindihan pilit kong hinahanapan ng sagot. epekto na rin siguro nang pagiging black sheep ko kaya sa libro na lang din ako naglilibang.

"Shit"

bigla kong na bitawan yung hawak kong lapis dahil sa boses na narinig ko.

Lumingon ako sa mga classmate ko pero bussy lahat sa pinapanood nilang educational video ganun din ang adviser namin sa laptop niya.

sigurado kong may narinig akong boses.Nagpalinga-linga pa ko pero wala naman. Siguro nga'y guni guni ko lang.

Yumuko ako para kunin yung lapis na gumulong na sa ilalim ng upuan.

habang Ina-abot ko yung lapis nakaramdam ako ng masakit na pintig sa ulo ko. Napapikit ako dahil sobrang sakit talaga. Pero mabilis ding nawala. Akala ko ko-kombulsyunin na naman ako.

pag dilat ko nasa isang masukal na gubat na ko.

"Shit!" Sigaw nang binatang lalaki habang patuloy sa pagtakbo.

Nadaanan niya lang ako. So hindi totoo to. Para lang akong hologram. Nakita ko yung mga humahabol sa kanya na papalapit na. is this a dream? tanong ko sa sarili ko.

patuloy parin sa pagtakbo ung lalaki at may humahabol sa kanyang 3 naka hood. hindi ko makita ung mukha nila. may mga hawak silang dagger. para lang akong nanonood ng film sa mga nakikita ko. habang tumatakbo palayo yung lalaki nalilipat din ako ng pwesto at napapanood ko sya ng maayos. parang sa kanya naka focus ung view ko.

"Sa barrel! Magtago ka sa barrel" sigaw ko sa nerbyos pero ang nakakapagtaka tila narinig niya ko at pumasok nga siya sa loob ng mga barrels.

nalagpasan na sya nung mga humahabol sa kanya. "Salamat" sabi niya paglabas sa pinagtataguan niya. Pero hindi ko naman nakitang bumuka yung bibig nya.

Pure BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon