The Slayer

4.1K 140 7
                                    

The Slayer's POV

Dalawang tao na lamang ang kailangan ko upang matapos na ang paghihiganti ko. Sabihin man nating isa akong taong walang puso, pero ang ginawa nilang pamamaslang ay walang kapatawaran sa aking pamilya.

"Yo, nariyan ka ba?" tawag ng isang boses sa labas ng aking kuwarto. Kumakatok ito sa labas.

"Nandito po ako, Tito." sagot ko sa kanya.

"Puwede ba akong pumasok?" tanong niya kay Yo.

"Opo, bukas po iyan, Tito." sagot ko.

Si Tito ay kapatid ng aking ama. Siya ang nakakita sa akin sa likuran ng aming bahay nang iwan ako ng mga lalaking gumahasa sa akin bilang isang sampung taong gulang na bata.

"Nagawa mo ba ang misyon mo?" tanong niya sa akin habang palapit sa aking kama. Nakaupo lamang ako at nakatanaw sa labas ng bintana ng aking kuwarto.

"Alam mo ba noong nabubuhay pa ang mga magulang mo, masayang-masaya sila. Lalo na nang malaman nilang isa kang matalinong bata. Ang IQ mo ay lagpas pa sa isang Summa Cum Laude na estudyante. At alam kong alam mo ang ibig kong sabihin," wika niya. Nanatili lamang akong nakikinig.

"Nang araw na nilooban kayo, nasa banyo ako. Bumisita kasi ako sa inyo upang kamustahin kayo. Nang matapos akong umihi sa banyo, doon ko narinig ang pagsisigaw ng magulang at mga kapatid mo. Sa takot ko, dumaan ako sa likuran at nagkubli sa mayayabong na puno," nakikinig pa rin ako, pero dumaloy na ang mga luha sa aking pisngi. Kitang-kita ko rin ang mga luhang pumapatak sa pisngi ni Tito.

"Tawagin mo man akong duwag, tatanggapin ko iyon. Wala akong nagawa upang iligtas sila... ang mga kapatid at magulang mo. Pero, nang dalhin ka nila sa likuran ng bahay, ilang dipa lang layo sa aking pinagtataguan, kitang-kita ko ang ginawa nila sa iyo. Humihingi ako ng tawad, Yo. Patawarin mo sana ako." niyakap niya ako nang mahigpit at humagulgol na rin.

Tinugon ko ang kanyang yakap at nagsalita. "Thank you po, tito sa pagligtas niyo sa akin. Kung hindi dahil sa inyo, patay na rin po ako. Alam ko pong bata pa ako, pero matanda na rin ako kung mag-isip. Kayo na rin po ang nagsabi na biniyayaan po ako ng katalinuhan."

"Pero, Yo. Walang patutunguhan ang ginagawa mo. Sa mata ng tao, isa kang bata. Sa mata ng mga pinatay mo, isa kang bata. Sa mata ng Diyos, wala kang karapatang pumatay ng tao. Bakit -" pinigil ko ang kanyang pagsasalita.

"Alam ko po iyon, tito. Kahit bata po ako, may karapatan din po akong mabuhay. Karapatan ko pong maging masaya. Ngunit, wala na rin po akong mukhang ihaharap. Siguro, kapag natapos ko ng patayin sila, matatahimik na rin ang kalooban ko. Sorry po, tito, pero hindi ko po muna kayo susunding itigil ang gagawin ko."

Napabuntong hininga na lamang si tito at ibinaling ang tingin sa labas ng bintana. Pareho naming sinamyo ang malamig na simoy ng hanging pumapasok sa aking kuwarto.

Kahit bata pa ako, hindi ko pinagsisihan ang ginawa ko. Ang mga taong pinaslang ko ay nararapat lamang na mawala sa mundo. Sa mundo naming mga kabataan, ang karapatan namin ay dapat ilantad.

Karapatan naming mabuhay, makapag-aral, makipaglaro, maging masaya, inaalagaan, inaaruga at higit sa lahat, pinoproteksyunan at minamahal.

"Huwag na huwag mong kalimutang humingi ng tawad sa Diyos, Yo. Nandito lang ako para sa iyo." bulong sa aking tainga ni Tito. Muli niya akong niyakap.

Niyakap ko rin siya. Isinubsob ko ang aking ulo sa kanyang dibdib. Muli akong umiyak. Ilang saglit pa, nakatulog akong yakap-yakap siya.

The SlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon