Epilogo

4.7K 180 26
                                    

"Yo! Yo!" tawag ng isang tinig.

"O, Lumen. Kumusta ka na? Tagal na nating hindi nagkita ah! Dito ka rin mag-aaral?" wika ni Yo.

"Oo dito nga. Nabalitaan ko kasing nag-oofer sila ng scholarship dito, kaya dito ako nag-apply. Sa awa ng Diyos, nakapasa ako. At sabi pala ng tito mo, dito ka rin mag-aaral," sagot ng nakangiting si Lumen.

"Kung ganoon, hindi na ako mag-iisa dito, kasi kasama na kita." ani Yo.

"Oo nga! May protector na rin ako kapag may mam-bully sa akin dito," natatawang sabi ni Lumen.

Limang taon ang nakaraan, ipinagpatuloy ni Yo ang kanyang pag-aaral at kasama niyang magiging mag-aaral si Lumen. Si Lumen ang batang babaeng isa lamang sa nauna niyang iligtas sa kamay ng isang rapist.

Walang alam si Lumen na siya ang nagligtas at pumatay sa rapist niyang stepfather. Magkagayunpaman, simula nang makilala niya si Lumen, nagbago na ang pananaw ni Yo. Matapos patayin ang mga taong nasa likod ng pagpaslang sa kanyang pamilya, nagsimula siyang maghugas ng kanyang pagkakasala sa mata ng Diyos.

Hindi man siya nakulong dahil bawal ang menor de edad sa kulungan, nangako na lamang siya sa kinauukulan na magbago. At ang pag-aaral ang una niyang inasikaso. Lubos ang pasasalamat ni Yo sa kanyang tito na hanggang ngayon ay nasa tabi pa rin niya upang kalimutan na ang masalimuot at mapait na karanasang sinapit niya noong siya ay sampung taong gulang pa lamang.

*****WAKAS*****

The SlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon