01

66 3 0
                                    

"PINAPAALALA KO lamang na sa susunod na Martes na ang pasahan ng inyong thesis paper. Maari na kayong umalis."

Pinagmasdan kong lumabas ng classroom si Miss Kayog. Parang gusto kong maconfine sa ospital matapos niyang sabihin na next week na ang pasahan ng thesis paper samantalang wala pa nga akong nauumpisahan. Pwede bang burahin na lang ang Martes sa susunod na linggo? Miyerkules agad, ganoon?

Maya maya, unti unti nang nababawasan ang tao sa classroom dahil nagsisilabasan na sila. Inihiga ko muna ang aking ulo sa arm chair. Sumasakit ulo ko, tangina.

"Oy Ian, ano buhay pa?" Tanong ni Yohan na may kasamang pagtapik ng malakas sa braso ko. Mukha ba akong okay?

"Hulaan mo. Clue: tagalog ng no," sarkastiko kong sagot. Narinig ko siyang tumawa at maya maya'y lumabas na rin ng classroom. Kita mo to, di man lang ako hinintay. Gagong kaibigan talaga.

Inayos ko na ang gamit ko para masundan si Yohan nang mapansin kong may phone na nakacharge sa socket bandang likod ng classroom. Tumingin ako sa mga natira kong classmate at nagtanong, "Cellphone oh, baka maiwan. Kanino yan?"

Nagtinginan kaming lahat pero walang sumagot.

"Ibigay mo na lang sa lost and found," sabi ni Claire, ang class rep namin.

"Okay." Napakamot ako ng ulo. Ano ba yan, imbes diretso lunch dadaan pa ng lost and found. Hassle!

Kinuha ko na lang ang phone at binuksan iyon. Baka kasi kilala ko ang may-ari, kaso may passcode eh.

"Akin yan!"

Napatingin ako sa babaeng sumigaw na nasa doorway at hingal na hingal. Tinakbo yata pabalik dito.

Bahagya kong tinaas ang iPhone 5s kung iyon ba ang tinutukoy niya. Naglakad siya palapit sa akin at nilahad ang kamay. "Akin nga yan," sabi niya. Rich kid! Ako nga Samsung lang.

Napansin kong kami na lang pala ang natira dito sa loob. Muli kong tinignan ang iPhone bago ibalik ang tingin sa kanya. Hindi ko siya kaclose pero naalala ko Tameca ang pangalan niya.

"Proweba mong iyo to?" Tanong ko. Mamaya kasi bagong modus 'to at di naman pala sa kanya, edi ako pa ang napahamak.

"Anong proweba? Akin nga kasi yan!"

"Bakit ka naninigaw?"

"Ibigay mo na kasi!"

Grabe naman 'tong babaeng to. Nanghihingi lang ng proweba beast mode na agad.

"Sige nga anong passcode?" Tanong ko.

"Bakit ko sasabihin sayo. Akin kasi yan Ian, I swear," sabi niya at itinaas ang palad sa hangin na parang nagpapanatang makabayan. Kung hindi lang seryoso ang mukha niya baka natawa na ako. Paiyak na kasi e. Binanggit niya pa ang pangalan ko.

"Ano nga?"

"Tsk!"

"Sige, di ko ibibigay 'to," pananakot ko. Alam ko namang sa kanya nga 'tong iPhone na 'to, halata naman sa expression niya. Gusto ko lang talaga siyang asarin, ang cute magalit eh.

"Ano.." Nakita kong kinakagat na niya ang kuko niya s daliri. Dugyot pala nito.

"Ano?"

"090197," nauutal niyang sagot. Takot pa siyang sabihin ang passcode, pwede naman niyang palitan to anytime. Iyon siguro ang first 6 numbers sa phone number niya.

Pinindot ko nga iyon at na-unlock na.

Ibibigay ko na sa kanya nang makita ko ang home screen wallpaper niya. Pabalik balik ang tingin ko sa kanya at sa wallpaper niya.

"Sabi ko sayo akin yan e!" Mabilis niyang kinuha ang phone sa kamay ko at tinago iyon sa bag niya.

"Teka, ako yun ah," sambit ko. Kahit na medyo blurred at panget ng pagkakakuha, sigurado akong ako 'yun. Stolen shot ko ang wallpaper niya.

"A-ano naman? Masama?!" Singhal niya sa akin. Aba, hindi man lang nagdeny.

"Crush mo ako 'no?" Mapang-asar kong tanong. Hindi siya nakasagot kaya napangisi ako.

"Crush mo pala ako ah. Marami naman akong matinong picture sa Facebook, o kung gusto mo picture tayo ngayon, wag yan.. panget ng kuha mo e."

"Tangina, kupal," bulong niya pero narinig ko naman. Minura pa ako, grabe naman 'tong babaeng to.

"Ako pa namura," sabi ko.

"Eh ano kung crush kita? Bakit kinilig ka ba?" Sigaw niya saka patakbong umalis.

Ako... kinilig?

Hah! Ibang klase.

Ngayon ko lang naexperience ang ganoong klaseng confession. Ma-istalk nga ang Facebook niya.

Paper HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon