Final Realization

103 21 17
                                    

Nagtalukbong ako ng kumot nang dumampi sa katawan ko ang malamig na simoy ng hangin galing sa mga patak ng ulan. Pinagpatuloy ko pa rin ang pag babasa ng librong wattpad habang nakabaluktot sa kama. Hinihintay ko pa rin siya.

Pagkatapos ng masayang gabi na iyon, hindi na siya nagparamdam sa akin ng ilang linggo. Wala akong natatanggap na tawag o text mula sa kaniya. Hindi na siya dumadalaw dito sa bahay. Hindi na siya nagpapakita. Halos magsaklob ang langit at lupa sa nararamdaman ko. Namimiss ko na ang pang aasar at pangungulit niya. Nagku-kulong na ako dito sa loob ng kwarto ko at umaasa na muli kong mararamdaman ang presensya niya. Lalo na ang pagmamahal niya. Ano na bang nangyayari sa akin? Kumalat na ba sa katawan ko ang kamandag niya?

Parang baliw akong ngumiti nang bumalik sa ala-ala ko ang mga nangyari noong gabing nagdate kami.

Nagyakag ulit siya na magsayaw muli kami. Hindi na ako tumanggi pa at tinuloy ang naudlot naming pagsasayaw dahil sa pagmomoment niya. Umingay ang tahimik na gabi dahil sa tawanan namin at malakas na pag uusap. Madalas niya akong pinapa ulanan ng salitang "Mahal Kita" kasama ang pangalan ko ngunit, hanggang tawa lang ang binabato ko sa matamis niyang mga salita. Hindi ko magantihan ang mga salita niya dahil inaalam ko kung tunay ang nararamdaman niya sa akin. Nangangapa pa rin ako sa nararamdaman ko. Nang mapagod kami, humiga kami sa damuhan. Nilapit niya ako sa kaniya at na naman, niyakap niya ako nang mahigpit. Kusa ko ng nilagay ang ulo ko sa dibdib niya at pikit matang pinakinggan ang bawat ritmo ng pagpintig ng puso niya. Nilaro naman niya buhok ko.

"Hindi mo man ako suklian, pinaramdam ko sa'yo kung paano magmahal ang isang womanizer. Hangga't wala pang nagmamay ari ng puso mo, hayaan mo akong maghintay pa nang mas matagal para maturuan mo ang puso mo na mahalin ang puso ko pabalik."

Paano kung kainin niya ang mga salita niya? Paano kung madurog lang ang tiwala ko dahil niloko niya ako? Kaya pa bang ibalik iyon?

Agad akong naalarma nang tumunog ang cellphone ko. Tatakbo akong lumapit dito at agad na sinagot ang tawag. Tinapat ko sa tainga ko ang cellphone ko. Sana siya ito.

"Kei!" Masayang bungad ko sa kabilang linya.

"Kei ka diyan? Hindi ako ang susi mo diyan sa manhid mong puso." Nadidiring patol niya sa sinabi ko.

Biglang nawala ang excitement ko at tinabunan ng pagiging bugnutin ko, "Ha-ha." Sarkastikong pagtawa ko. "O? Anong kailangan mo may sapak sa ulo, Van?" Masungit na tanong ko sa kabilang linya.

Si Van ang first honor namin na mas ka close ko kaysa kay Kei. Magkasundo kami niyan. Hindi tulad kay Kei na magpatayan na kami dahil lamang sa activities.

"Talagang muwang ka ano? Anong klasing 3rd honor ka kung ganiyan ka kamuwang, manhid?" Pang iinis niya sa akin na nagpakulo sa dugo ko.

"Tigil tigilan mo nga ako sa pagtawag na manhid!" Inis na patol ko na nagpahagalpak sa kaniya sa kakatawa.

"Manhid na nga, muwang pa! Hindi ko ba maintidihan kay Kei kung bakit minahal niya ang tulad mo." Sabi niya sa pagitan ng pagtawa niya.

"Agang aga, maninira ka kaagad ng araw! S**a u*o! Daretchahin mo na nga ako!"

Tumigil na siya at tumikhim, "Pumunta ka dito sa NAIA." Seryosong sabi niya.

Biglang tumibok nang malakas ang dibdib ko at kinabahan. Hindi maganda ang ibig niyang sabihin.

"Ba-bakit?" Nangangatal na tanong ko.

"Gusto mo pang makita si Kei Morales 'di ba?"

"Pa-pa usap ako kay Kei! Gusto kong marinig ang boses niya!" Nag uumapaw sa damdamin ko ang kalungkutan. Sana mali ang kutob ko.

April Fools LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon