CHAPTER 1 (Third Person's POV)
"Ate Cristine maga-alas dose na" siniko siya ni Neneng, ang batang kasama niya magsimba sa St. Thomas Chapel. Nag-sign of the cross siya at saka lumabas ng simbahan kasama si Neneng. Mga ilang kanto lang naman ang layo ng simbahan sa bahay ampunan kung saan siya lumaki.
"Basta ate bibisitahin mo kami ha" sambit ni Neneng nang makapasok sila sa gate ng bahay ampunan. Tumango naman siya sa bata. Bukas nang umaga ang alis niya sa bahay ampunan.
Pumasok sila sa hapag kainan at laking gulat nalang niya na may banner at handa sa table. Lahat ng mga bata pati na rin ang may-ari ng bahay ampunan ay nandun. Kumakanta sila ng 'happy birthday' habang si Neneng naman ay natatawa at hinila siya palapit sa table.
"Happy Birthday anak! Alam kong magagalit ka kapag nalaman mong gumastos ako ng malaki kaya di ko na sinabi. Saka alam ko din na masama tanggihan ang pagkain kaya naman hipan mo na ang kandila para makakain na rin ang mga kapatid mo" ang may-ari ng bahay ampunan na si Inay Chin ang unang bumati sa kanya. Tuloy pa rin ang pagkanta at pagpalakpak ng mga bata. Hindi maipaliwanag ni Cristine ang pakiramdam niya.
Tumingin siya sa paligid at sa loob niya alam niyang mami-miss niya ang mga kapatid niya. Pero masaya pa rin niyang hinipan ang kandila.
Pumikit siya at binati ang sarili – Happy 21st birthday Cristine!
--
"oh anak gusto mo bang ihatid na kita sa tutuluyan mo?" alok ni Inay Chin kay Cristine. Umiling naman siya sa matanda.
"wag na po Inay alam ko naman po ang daan malapit lang po iyon sa pinag-aaralan ko" gusto man niyang makasama pa ang Inay Chin niya ay pinili nalang niya na wag. Alam niya kasi na sa huli ay mag-iiyakan silang dalawa at malalaman nito na nagdrop na siya sa kolehiyo na pinag-aaralan niya. Tinanaw niya ang mga kapatid niya na nakatayo sa may pintuan.
"Pakabait kay Inay ha!" sigaw nito sa mga bata. Tumango naman sila at kumaway, masyado pa siyang magtatagal kung yayakapin niya isa-isa ang mga bata kaya kumaway nalang ulit siya pabalik sa mga ito at tinahak ang gate palabas ng ampunan.
Habang palabas ng bahay ampunan ay naisip ni Cristine na totoong mundo na ang tatahakin niya at siya nalang mag-isa ang haharap sa mga pagsubok. Wala ng bahay ampunan na magbibigay ng mga pangangailangan niya, Inay Chin na tatayong nanay at guardian niya pati na din ang mga batang tinuring niyang mga kapatid na magpapasaya sa kanya araw-araw – kaya dapat kayanin niya kung gusto niya mabuhay sa totoong mundo.
Pumasok siya sa dormitory kung saan siya umupa mura lang naman dahil may mga kasama siya sa kwarto. Ibinaba niya ang gamit niya at saka inayos ito dahan-dahan sa cabinet na nakalaan para sa kanya. Bukas siguro ay pupuntahan niya ang pagt-trabahuhan niya bukas na bukas din.
--
Mataas ang tirik ng araw at mukhang gusto na ni Cristine na himatayin sa sobrang init. Ngunit pinilit niyang makapunta sa kompaya kung saan siya magt-trabaho. Tinawagan na kasi siya ng kompanyang pagt-trrbahuhan noong nakaraan na linggo kaya naman naisipan niya na pumunta matapos niyang maglipat ng gamit sa dormitory.
Matapos ang tatlong sakay ay nakarating siya Fontanilla Holdings Corporation. Sinigurado niya munang maayos siya at saka pumunta sa front desk at nagtanong dito. Pinaakyat agad siya sa pinakataas na floor.
Isang desk ulit ang sumalubong sa kanya pagkalabas niya ng elevator. Pumunta siya sa babaeng nasa desk at sinabihan siya nitong mag-intay muna. Umupo muna si Cristine sa pulang sofa at napansin niya ang malalaking screen na nasa lobby kung saan siya nag-iintay. Mga iba-ibang graph at kulay pula at berdeng numero ang naka-flash sa screen. Wala naman siyang maintindihan sa mga ito kaya nagbasa nalang siya ng magazine.