CHAPTER 2 (Third person's pov)
"e-excuse po..." kumatok sa opisina si Cristine. Nakita niyang nakaupo si Aiden sa upuan ng CEO at mukhang may binabasa ito sa mga papeles na nakakalat lang sa table.
"yes?" inalis ni Aiden ang tingin sa papel at sumama ang tingin nito ng makita na siya ang kumatok. Napalunok si Cristine dahil ayan nanaman ang mga tiitig nito na parang gusto siyang patayin ng binata.
"s-sir s-sorry po pala kanina. Di ko po talaga sinasadya" yumuko siya habang humihingi ng paumanhin kay Aiden. Narinig niyang ang pagbuntong hininga ng binata.
"bago ka lang?"tanong nito at tumango naman siya.
"Fine. Go. Hope not to see you again" may halong inis ang boses ni Aiden na pinaalis siya sa opisina. Tiningnan siya ni Mama China pagkalabas niya sa opisina inilingan nalang niya ito at saka sumakay sa elevator.
--
Magdadalawang buwan na siya sa trabaho at may isang buwan na rin siyang pinagtataguan si Aiden. Hindi niya kasi alam kung anong klaseng kasungitan nanaman ang gagawin ng binata sa oras ng magkausap sila.
"Cristine pwede bang dalhin mo itong mga folder sa meeting room kailangan nila itong mga 'to doon ngayon" biro sa kanya ni Mama China na hawak-hawak ang mga kulay asul na folder.
"Mama China naman ihhh" naiinis na sabi nito. Alam kasi ng Mama China niya na hindi siya pupunta sa meeting room kapag alam niyang andun si Aiden. Sa mga oras na ito alam niyang nasa meeting room ang binata dahil siya ang tumatayo sa posisyon ng ama niya. Si Aiden ay ang Vice President ng kompanya at ngayon na may business trip ang ama niya ay siya muna ang tatayo sa posisyon nito.
"oh siya mauna muna ako" tumango naman si Cristine at pumasok sa opisina ng boss niya para ibaba ang bag niya sa table niya doon.
"What the fck you're still here?!" nagulat siya sa bumungad sa kanya. Naramdaman niya na muntikan na siyang atakihin ng asthma sa gulat sa kung sino man sumigaw.
"bakit andito ka?!" gulat na tanong ni Cristine kay Aiden. Nakahawak si Cristine sa dibdib niya nang maramdaman niya ang pagsikip nito. Aatakihin na ba ako ng asthma?
"kompanya koi to?! Why are you still here?!" naiinis na wika nito at napatayo pa si Aiden mula sa kinauupuan nito.
"m-masama ba?" tumawa siya ng bahagya at lalong sumama ang timpla ng mukha ni Aiden.
"at sumasagot ka pa ha" binagsak ni Aiden ang binabasa sa table at tumayo.
"b-bawal ba?" parang gusto nang himatayin ni Cristine sa kaba nang mag-umpisa si Aiden na maglakad palapit sa kanya.
"sinabi ko bang pwede kang sumagot?!" napasandal si Cristine sa table niya nang sigawan siya ni Aiden.
"w-well di ko PO alam na BAWAL na palang sumagot ngayon. Maiwan ko na PO kayo may meeting pa po akong kailangan puntahan" mabilis siyang umalis sa opisina at dumiretso sa cr. Inaatake na siya ng asthma niya at ang kailangan lang niya ay pakalmahin ang sarili niya. Matagal na niyang ginagawa ang ganito walang nebulizer, wala naman kasi siyang pambili noon.
--
"Airlea kunin mo yung bag ko sa kotse" basag ni Adrian sa katahimikan sa loob ng opisina. Wala ngayon ang boss ni Cristine kaya naman lagi silang nasa iisang lugar ni Aiden. Napangiwi si Cristine nang marinig ang pangalan niya. Unang-una ayaw niyang gumawa ng kahit anong bagay para kay Aiden, at pangalawa hindi siya sanay na tawagin sa pangalawang pangalan niya.
"Kaya mo na yan sir. Malaki ka na" sabi niya ng wala sa loob. Wala naman kasing ginagawa buong araw si Aiden maliban sa paglalaro ng stress ball sa loob ng opisina. Sinimangutan siya ni Aiden.
"get it or I'll fire you" mabilis siyang tumayo mula sa desk niya at kinuha ang susi sa kamay ni Aiden. Hindi niya alam na trabaho pala ng assistant ang ganitong mga bagay. Kung alam niyang matagal mawawala ang boss niya ay nagsick-leave na siya.
--
Tambak na tambak ngayon si Cristine ng mga papel. Ipina-print pa ito sa kanya kaninang umaga ng kanyang boss.
"Kailangan ka ba babalik?" bumuntong hininga siya saka tiningnan si Aiden na naka-headphones at nagbabasa ulit ng papel. Nakita siya nitong nakatingin sa kanya.
"dudukutin ko yang mata mo." Simpleng sabi nito – grabe napakasungit naman!
--
"GET UP!" sigaw ni Aiden matapos niyang ibaba ang bag sa couch ng opisina nung umagang yun. Nagulat si Cristine sa pagsigaw nito. Wala siyang nagawa at tumayo ulit sa kinauupuan.
"Come with me!" hinila siya ni Aiden palabas ng opisina.
"t-teka sir saan po tayo pupunta?" hindi sumagot si Aiden at nagdrive lang siya sa kung saan man. Si Cristine naman ay nagc-concentrate sa paghinga niya. Ayaw niya atakihin kasama si Aiden dahil baka kung ano pang kademonyohan ang gawin nito sa kanya.
Tumigil sila sa isang condo. Pinababa siya ni Aiden at pinapunta sa likod ng sasakyan kung saan siya may kinuha.
"Sir ano pong gagawin ko dito?" inayos niya ang paghawak sa malaking box. Binigyan siya nito ng dalawang papel isang nasa envelope na maliit at isang nasa sticky note na puti.
"follow the direction written on the sticky note and when the box is received basahin mo yung laman ng envelope sa tumanggap. Don't come back hangga't di mo nasasabi lahat" ngumiti si Aiden na parang aso. Ngunit hindi gumalaw si Cristine sa pwesto niya at nagtatakang tumingin kay Aiden.
"di ka gagalaw?" at hindi nga gumalaw si Cristine.
"move or I'll fire you?" malumanay na tanong ni Aiden at sumandal sa hood ng kotse.
I