Chapter 3

3 0 0
                                    

CHAPTER 3 (Cristine's pov)

Nangangatog ang mga tuhod ko ng pindutin ko ang 19th floor at naramdaman ko ang nagbabadyang asthma. Oh Lord kailan ba babalik boss ko? Hindi naman ito gawain ng assisstant di ba? Huhuhu

19th FLOOR

Kumatok ako sa pintuan at may nagbukas na babaeng naka-corporate attire. Tinaasan niya ako ng kilay at napataas din ako ng kilay.

"What do you need?" mapagmataas na tanong nito sa akin.

"may pinapabigay po si sir Aiden..." nilakihan niya ang bukas ng pinto at nagningning ang mga mata niya. Ang babaeng masungit na kausap ko kanina ay parang timang na nae-excite sa harapan ko ngayon. Para din siyang a-asthma-hin tulad ko. Ibinigay ko sa kanya ang box at pagkabukas niya ay may tuta. Tumili siya at napatakip ako sa tenga grabe naman ang babaeng ito makasigaw.

"OMG IT'S A PUPPY!" nilaro-laro niya ito sa box na nakalapag sa sahig.

"he really loves me" parang nanaginip na sabi ng babae ako naman ay napaisip na may mabuting puso din pala si Aiden.

"yep mahal ka talaga niya" nginitian niya ang babae.

when she received the box basahin mo yung laman ng envelope sa tumanggap.

"ay may pinapasabi pala sila sir." Binuksan ko ang envelope at binasa sa kanya ang sulat ng tuloy-tuloy.

"Dear btch..." una palang ay napatigil na ako. Nakita kong nakaawang ang bibig ng babae at nakitingin siya sa akin.

Ituloy mo Cristine! Baka mawalan ka pa ng trabaho!

"if you thought I didn't know what you're doing behind my back well guess what? I know! Hindi ko alam na ganoon ka kakati. I'm breaking up with you! Don't explain it to me, explain it to the pup I gave you. I bet it'll understand since you're a fcking btch. By the way, para kang baboy umungo- tangina!" sigaw ko nung maramdaman ang hapdi sa kanan kong pising. Sinampal ako ng babae bago ko pa matapos ang sasabihin ko.

"Tell Aiden he'll pay for this!" sigaw ng babae sa pagmumukha ko matapos niya akong sampalin bago ibalibag ang pinto sa mukha ko. Naiwan ang tuta sa labas ng unit niya kaya kinuha ko nalang ito.

Don't come back hangga't di mo nasasabi lahat.

Narinig ko nanaman ang mala-demonyong boses ni Aiden sa utak ko. Pero bumalik na ako sa sasakyan kung saan naabutan ko siya na may kausap at mukhang masayang-masaya siya sa pinag-uusapan nila.

--

"HOY AIDEN!" kinalimutan ko na anak siya ng boss at vice president ng kompanya. Dahil kung tutuusin ay para siyang walang pinag-aralan. Tawang-tawa siya na tumingin sa akin.

"how did it went?"tanong niya habang tumatawa. Pinasunod niya ako sa loob ng kotse at nagtimpi ako habang makarating kami sa parking lot ng kompanya.

I slapped him para iyon sa unang beses na nasampal ako.

"Is this for the slapped you've got?" ngumisi siya at hindi ko alam kung anong gagawin ko para masaktan ang lalaking ito.

"alam mong mangyayari iyon?" gulat na gulat kong tanong. Sa mga oras na ito ay gusto ko lang siyang saktan. I slapped him for the second time.

"at ito para gumising ka na sa kagaguhan mo!" iniwan ko siya sa parking lot at dumiretso sa convenient store sa ibaba ng building para bumili ng ice pack. Masakit ang sampal ng babae hindi ko alam kung magkakapasa ba ako parang may singsing ang kamay ng babaeng sumampal sa akin.

The Lost EreditieraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon